Chapter 10

6 2 0
                                    

Chapter 10

"Anong plano mo sa christmas at new year?" tanong sa'kin ni Mina.

December na kasi at nagsisimula nang magplano ang school sa gaganaping program para sa christmas party at new year salubong.

"Wala, parang normal daw lang naman 'yon sa'min."

Ang totoo n'yan, tuwing pasko at bagong taon ay simpleng handaan lang ang ginagawa namin, as long as magkakasama kaming magkakapamilya ay ayos na sa'min 'yon.

"Excited na 'ko sa christmas party natin kasi may exchange gift!" si Mina.

Ganoon nga ang pinag-uusapan namin ngayon sa classroom kasama ang adviser namin. Nagpaplano kasi ang mga kaklase ko na magpa-exchange gift at magpalaro para maging masaya ang christmas party.

At eto sila ngayon, nagtatalo kung magkano nga ba ang dapat maging price para sa exchange gift.

"G kami sa 500! Kayo ba?" tanong ng mga kaklase ko.

"Babaan n'yo naman! Hindi naman lahat afford 'yang 500, e!" reklamo ni Mina.

"Manahimik ka nga, Mina. Bakit last year hindi ka naman nagreklamo, e 500 din naman tayo no'n?"

Napatingin sa'kin saglit si Mina. Napabuntonghininga tuloy ako. Alam ko na kung bakit pinipilit niyang babaan ang price dahil alam niyang hindi ako sasali sa exchange gift kung mahal.

"Mina's right. We should make it lower." si Kaeson na ang nagsalita kaya nanahimik ang lahat.

"Sige! 200 na lang, final na 'to. G na ba ang lahat?"

At iyon na nga ang napag-usapan. 200 ang price para sa exchange gift, puwedeng tumaas pero hindi puwedeng bumaba. Bigla tuloy akong nahiya sa mga kaklase ko dahil kinailangan nilang mag-adjust para sa'kin.

Bumunot na kami isa isa para sa exchange gift. Nakita ko pang malawak ang mga ngiti ni Kaeson nang mabasa kung sinong nabunot niya. Samantalang ako, namilog ang mga mata nang makita kung sinong nabunot.

Si Kaeson. Siya ang nabunot ko.

Kalaunan ay isa isa kaming nagdikit ng sticky notes para doon ilagay ang wishlist namin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong sa'kin kaya medyo natagalan ako. Si Mina, ang wishlist niya ay crop top. Samantalang ako, walang mailagay.

"Plushies" Iyon na lang ang nilagay ko sa wishlist ko. Mahilig kasi ako sa mga ganoon dahil nasisiyahan ako kapag katabi ko sila sa kama. Madaming ganoon sila Lon at Azthel kaya naisipan kong gusto ko din ng para sa'kin.

"Hi! Sinong nabunot mo?" lumapit sa'kin si Kaeson.

Tumalikod ako sa kanya. "Secret. Bawal. Hindi ko sasabihin."

Tumawa siya. "Okay. Hindi ko din sasabihin 'yong sa'kin."

"Edi huwag,"

"Wow, sungit? Nabaliktad na tayo? Ako na ang makulit tapos ikaw na ang masungit ngayon?" biro ni Kaeson.

Tinignan ko siya. "Hyper natin ngayon, ah?"

Kaya lang, natigilan din ako nang maalala ang kondisyon niya. I went through many researches and discover that bipolar disorder can make you hyper sometimes and makes you lonely after.

"Masaya ako sa nabunot ko,"

Tumango ako. "Ako rin,"

"Magbigay ka naman ng clue sa nabunot mo,"

Umiling ako. "Ayoko nga! Basta, uhm… ano bang puwedeng ma-describe sa kanya? Hmmm… siguro… gwapo?"

Nagkatinginan kami ni Kaeson kaya impit siyang napangiti.

Echoes of LiesWhere stories live. Discover now