Chapter 12
“Kaunting tiis na lang, ga-graduate na tayo! Anong mga plans mo after, Tazia?” Mina asked me.
Parehas kaming nasa swing habang nasa garden nang bigla namin itong mapag-usapan. Malapit na ang graduation ceremony namin at nasabihan na akong maghanda ng speech dahil ako ang valedictorian, samantalang si Kaeson naman ang sumunod sa'kin.
Masaya ako na nakamit ko ang pangarap ko, ang maging valedictorian. At masaya rin ako para kay Kaeson. Hindi man naging maganda ang una naming pagsasama, masasabi kong mas lalo kaming naging close.
These past few days, we often hangout and eat together. Palagi niyang treat. Hindi naman ako makatanggi sa kanya dahil palagi siyang nag-iinsist.
Napapansin na rin ng iba naming kaklase ang closeness naming dalawa. I wonder what they are thinking? Na baka ginagawa lang akong charity ni Kaeson? Na kaya palagi siyang mabait sa'kin ay dahil naaawa siya sa kalagayan ko?
"Balak kong mag-apply sa iba't ibang unibersidad para more chance of winning. S'yempre, mag-aapply muna ako sa mga scholarships." sagot ko.
Mina nodded. "Ako rin! Pero, san mo ba balak mag-college?"
"Sa UST sana… kaso hindi ko afford… pero gusto kong makapasok doon kaya mag-aapply ako ng scholarship."
"Saktong sakto pala, e! Attend kaya tayo sa scholarship program na magaganap sa municipyo? Marami kasing aattend na mga sponsors doon. Alam mo na, malay mo maka-chamba tayo."
Lumiwanag ang mga mata ko. "Talaga? Paano tayo mapipili kung gano'n?"
She shrugged. "Hindi ko alam, nagbibase yata sila sa current grades mo. Try natin para malaman natin!"
Kinwento ko iyon kay Kaeson kaya napangiti siya sa'kin. Ang sabi niya pa nga, gusto niya akong samahan sa event na 'yon pero wala naman siyang gagawin doon kaya huwag na, hindi naman niya kailangan ng scholarship dahil mayaman na siya.
"If only I could pay for your college—"
Eto na naman siya. Palagi niyang sinasabi sa'kin na gusto niya akong tulungan sa mga gastusin ko pagdating sa kolehiyo. Hindi ko naman siya tatay. At hindi niya rin ako responsibilidad pero panay ang pilit niya!
"Kaeson, pag-aawayan na naman natin 'to."
His brows furrowed. "Why? What's the problem?"
"What's the problem? Idadagdag mo pa ako sa gastusin ng parents mo kung tutulungan mo ako sa mga gastusin ko sa kolehiyo. 'Tsaka, may kaunti ako ipon kaya huwag mo na akong intindihin."
"Edi habang bakasyon, mag-aapply ako sa mga part-time job para natutulungan kita."
Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso ka ba? Gagawin mo 'yon… para lang sa'kin?"
Lumapit siya sa'kin bahagya at bahagyang tinagilid ang kanyang ulo, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Lumunok naman ako at agad na umatras sa kanya.
"Lang? Hindi ka 'lang' sa'kin, Tazia. You're more than anyone."
When he said those words, it felt like I'm a butterfly floating in the air.
Parang laging may dalawang kahulugan ang bawat salitang binibitawan niya.
And I'm not liking it.
No, my heart doesn't like this feeling.
Or maybe… my heart just couldn't accept it.
Dahil hindi ako sanay sa ganitong nararamdaman, at ayokong magkaroon ng ganitong nararamdaman sa kanya. It feels so wrong, or maybe… It was really wrong.
YOU ARE READING
Echoes of Lies
Romance[ stand - alone novel ] Since her father died, she became the breadwinner of the family. That's why she was really working hard to earn money, and at the same time, to finish her studies. She has always been at the top of their class and is known to...