Chapter 6

4 2 0
                                    

Chapter 6

"Ang lakas ng ulan…"

Napatingin ako sa bintana nang makitang sobrang lakas ng ulan at sobrang makulimlim sa labas. Katatapos lang naming mag-video para sa project, at pauwi na sana pero hindi inaasahan ang malakas na ulan.

Bumuntonghininga ako at napatingin kay Kaeson.

"Yes! Umuulan! Sana suspended ang klase bukas! Sana umulan hanggang bukas!" Tuwang tuwa niyang sambit.

Ayokong maging kj, pero sa tuwing naririnig ko ang ibang estudyante na hinihiling na sana ay mas umulan pa hanggang bukas ay nalulungkot ako.

Alam kong nagiging masaya lang sila dahil ang pag-ulan ay nangangahulugang posibleng walang pasok.

Pero… paano naman ang mga taong naaapektuhan ng malakas na ulan?

Paano naman kami?

Paano kaming mga nakatira sa tabi ng ilog na kung saan kapag bumuhos nang bumuhos ang ulan ay maaari itong umapaw at ang daloy ng tubig ay sa bahay namin.

Bigla akong nag-alala. Sa sobrang lakas kasi ng ulan ngayon, malaki ang posibilidad na bahain na naman ang bahay namin kaya kailangan ko nang umuwi.

"Uuwi na ako," paalam ko kay Kaeson.

Gulat siyang napalingon sa'kin.

"Sa lakas ng ulan na 'yan?"

"Bakit? Concerned ka? Hindi ba't mas gusto mong nagkakasakit ako?" At muli akong bumahangin dahil sa lintek na allergy.

Mahina siyang tumawa. "Tama ka. Oo nga pala. I almost forgot. Sige, umalis ka na. Magpakabasa ka sa ulan. Basta, huwag mo akong sisisihin kung magkakasakit ka kinabukasan."

Inirapan ko lang siya at palabas na sana ng bahay nila nang pinigilan niya ako.

"Matapang ka din 'no? Saan ka sasakay? Commute ka lang, 'di ba? Tapos wala ka pang payong?"

I sighed. "Wow. May pake ka na sa'kin?"

Agad siyang umiling. "Wala akong pake sa'yo. I'm just amazed because you will literally leave without an umbrella?"

"Sanay naman ako. Pustahan, mas magkakasakit pa 'ko sa alikabok dito kaysa sa ulan."

Pasimple niya lang akong inirapan. Lumabas na 'ko ng bahay at tuluyan nang nakalabas sa gate nila. Gamit ang maliit na karton na nakita ko sa labas ng bahay nila, kinuha ko lang 'yon para ipangtakip sa ulo ko at agad na tumakbo palabas ng village.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumusob sa malakas na ulan.  Bukod sa ulan ay sumabay pa ang hangin at kidlat na parang may malakas na bagyo.

Nagmamadali lang talaga akong makauwi dahil nag-aalala na ako kila Mama at sa bahay namin. Sigurado akong lulubog na naman ang bahay namin sa baha.

Hindi ako makasakay ng jeep dahil walang dumadaan. Wala ding nadaang trycicle kaya nanatili ako sa gilid ng daan, hindi ininda na basang basa na ako sa ulan.

Ilang sandali pa akong nanatili roon hanggang sa makarinig ako ng busina sa likuran ko at nang lumingon ako sa likod ko, agad akong nasilaw sa malakas na liwanag sa mga mata ko.

Nang makadaan sa harapan ko ang sasakyan, nagulat ako nang makitang si Kaeson iyon na sandaling binaba ang bintana ng sasakyan niya dahilan para tuluyan ko siyang maaninag.

"Hop in,"

Napakunot ang noo ko sa kanya. Ano? Pinapasakay niya ba ako sa kotse niya? Seryoso ba ito?

Umiling ako. "Hindi na. Basang basa ako, oh! Nakakahiya sa sasakyan mo!"

"Ngayon mo pa talaga iisipin 'yan? Sakay na!"

Echoes of LiesWhere stories live. Discover now