Chapter 15
"Lumabas na daw 'yong results ng mga nakapasa sa entrance exam!" masayang balita sa'kin ni Yozha.
Hindi kagaya dati na palagi akong nakikihiram ng phone sa kanya para malaman kung anong mga kaganapan sa mundo, ngayon ay may sarili na akong phone at hindi ko na kailangang makihiram sa iba.
Nasa coffee shop kami ngayon dahil vacant ko. Saturday kasi kaya wala akong tutor kay Kaera ngayon. Agad ko namang nilabas ang phone ko nang marinig ang balita ni Yozha.
I immediately text Kaeson. Sinend ko sa kanya ang link para matignan kung nandoon ang pangalan naming dalawa.
"Please don't open the link until I say so. Gusto kong… sabay nating hahanapin ang pangalan nating dalawa." Kaeson immediately come to the coffee shop after I texted him.
"Paano kung wala?"
"Ngayon pa ba tayo mag-iisip ng negative? Come on, let's take a look… sabay tayo, ha? Ready ka na?"
Pumikit ako nang mariin at bumuntonghininga habang dahan dahang binabasa isa isa ang mga names ng mga nakapasa sa entrance exam.
May rankings kasi roon, nasa top thirty na ako pero hindi ko pa rin nahahanap ang pangalan ko kaya bigla akong kinabahan.
Pero natigilan ako nang mag-scroll pa ako sa ibaba.
Serena Tazia Balverde
Kaeson Leox MondejasNapatutop ako sa bibig ko nang mabasa ang pangalan naming dalawa. Magkasunod pa.
Nagkatinginan kami ni Kaeson, parehas kaming nagulat at parehas ding nakalaglag ang panga naming dalawa ngayon.
"W-We… passed…" Parang hindi niya pa ma-proseso ang lahat.
Bigla akong napatayo at agad na nilapitan si Kaeson para yakapin siya. Out of happiness, I didn't even noticed what I am doing right now.
"Kaeson! Nakapasa tayo sa dream university nating dalawa! Makakapag-kolehiyo na tayo sa UST gaya ng mga pangarap natin!"
Niyugyog ko ang braso niya para ma-realize niya ang lahat ng kaganapan, pero mas lalo pa siyang nagulat nang niyakap ko siya sa sobrang tuwa.
"I was so happy! I mean, hindi ko alam kung saan ako natutuwa… sa yakap mo… o dahil nakapasa tayo…"
Malakas kong pinalo ang braso niya kaya agad siyang napahawak doon.
"Shut up, Kaeson! Ang mahalaga, nakapasa tayo! Makakapasok na tayo! Nga lang… hindi pa ako sigurado sa scholarship ko." Yumuko ako bigla.
Kaeson then held my hands when he noticed my sudden change of tune.
He then sighed. "Don't worry, Tazia. Ako ang bahala sa'yo. I'll help you get a scholarship. We'll get through it… together, right? We promised that we'll never leave each other and we'll stay at each other's side until we get into our dream university."
I smiled. "Promise,"
Promise.
It's my first time making a promise to someone. At bakas sa akin ang takot na baka hindi ko matupad ang mga pangakong iyon.
Pero… bakit naman hindi matutupad? As if I'll leave Kaeson? E para na nga kaming kambal tuko dahil palagi kaming magkasama kahit saan man magpunta.
Natigilan kaming dalawa nang makarinig ng tikhim galing kay Yozha. Late ko nang na-realize na kasama nga pala namin siya!
"Jusko, naging third wheel pa ng wala sa oras."
Days have passed until it turns into weeks and months. Ilang linggo na lang ay magsisimula na ang klase. Maraming preperasyon pa ang dapat kong paghandaan. Marami na ring nakaka-receive ng email ng mga natanggap sa scholarship.
YOU ARE READING
Echoes of Lies
Romance[ stand - alone novel ] Since her father died, she became the breadwinner of the family. That's why she was really working hard to earn money, and at the same time, to finish her studies. She has always been at the top of their class and is known to...