Chapter 8

4 2 0
                                    

Chapter 8

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat, ang awarding ceremony kung saan i-a-announce na kung sino sino ang mga nanalo sa bawat department. Nang matapos i-announce ang nanalo sa highschool department, ang department naman namin ang sunod kaya kinabahan ako.

Nang biglang tinawag ang pangalan ko bilang nanalo sa writing contest, agad akong napatayo at agad na napatakip sa bibig ko dahil hindi ako makapaniwala!

Sa dami ng ka-kompetensya ko, kasama na roon si Kaeson… ay nanalo pa din ako laban sa kanila!

Deserve ko ba 'to?

Oo, Tazia, deserve mo 'yan. Para sa pamilya ko naman ang lahat ng ito.

When the ceremony ended, they all congratulated me but Kaeson was nowhere to be found now kaya agad akong bumuntonghininga.

Naalala ko iyong sinabi ni Mina sa akin na ayaw matatalo ni Kaeson pagdating sa paligsahan dahil hindi siya sanay na matalo at hindi niya matanggap ang sarili niya sa tuwing natatalo siya.

I wonder kung… galit na naman ba siya sa akin? Pagkatapos ng maayos na pinagsamahan naming dalawa nitong mga nakaraang buwan, masisira na naman ba 'yon?

Matapos kong magpasalamat sa lahat at magbigay ng kaunting speech, agad kong hinanap si Kaeson. Hindi ko alam pero kusa na lang gumalaw ang mga paa ko para hanapin siya dahil sa tingin ko, kailangan ko siyang kausapin.

Sinubukan ko siyang hanapin sa may garden at tama nga ang hinala ko, naroon siya, mag-isang nakaupo sa bench habang halatang malalim ang iniisip.

Agad siyang napatingin sa'kin kaya agad niyang inayos ang upo niya. Napalunok ako at marahang lumapit sa kanya.

"Ayos ka lang ba?"

Tipid siyang tumango.

"Bigla kang nawala kanina kaya hinanap kita,"

Kumunot ang noo niya. "Bakit mo 'ko hinanap?"

"Sorry, kasi… natalo kita…"

"Iniinsulto mo ba ang pagkatalo ko?"

Ilang beses akong napakurap. Umiba ang tono ng boses niya ngayon kaya alam kong galit siya. Tama ang hinala ko. Magagalit na naman siya sa'kin.

"Hindi, Kaeson. Alam ko kasing… gusto mong manalo sa kompetisyon na '—"

"Who says I want to win in this competition, Tazia?" putol niya sa'kin.

Sandaling tumaas ang dalawa kong kilay, naguluhan sa bigla niyang sinabi.

Tumayo siya kalaunan para lumapit sa'kin kaya bigla akong kinabahan. Umatras ako sa kanya dahil baka saktan niya ako o sigawan na naman, pero nagulat ako nang wala siyang ginawa at sa halip ay ngumiti pa ito sa'kin.

"You deserved to win, Tazia. And you deserved that price."

"H-Hindi ka galit?"

"Bakit ako magagalit? It was so unprofessional of me if I would get mad at you just because you won over me. And besides, I only join here for experience. I never wanted to win because I know that there's someone who truly deserves to win and get the prize, and that's you."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo halong emosyon. Parang tumatalon ang puso ko sa sobrang tuwa dahil sa mga salitang binitawan niya sa'kin ngayon.

Unti unti na akong nasasanay sa mabait na side ni Kaeson, at sana ay magtagal pa ito.

"At naniniwala ako sa kakayahan mo, kaya ko nasabing deserve mong manalo sa contest na 'to." dagdag niya pa.

Echoes of LiesWhere stories live. Discover now