Chapter 2

9 2 0
                                    

Chapter 2

"Bakit ang aga mo na yata laging nakakauwi ngayon? Hindi ba't night shift ka lagi?" tanong ni Mama isang araw.

Kada tinatanong niya iyon, lagi kong nililigaw ang topic. Minsan lang magtanong sa akin si Mama tungkol sa trabaho ko. Siguro napapansin niya na ngayon na palagi akong maagang nauwi, which is hindi usual sa akin dahil nga pang-gabi ang trabaho ko.

Hindi ko masabi sa kanila na tinanggalan ako ng trabaho. Ayokong mag-alala sila sa akin, pero ayoko din namang magsinungaling sa kanila.

Ang plano ko, balak kong sabihin sa kanila ang totoo kapag nakahanap na ulit ako ng bagong trabaho.

Speaking of bagong trabaho… sobrang nahihirapan ako ngayong makahanap ng trabaho lalo na sa edad ko. Ang kadalasan kasi sa mga job offering na nababasa ko ay iyong mga may experience na sa ganoong bagay.

Ang kaso, cashier pa lang naman ang trabaho ko na pinasukan.

Nang dahil sa lalaking 'yon, nasira lahat ng pangarap ko sa buhay.

Kapag nakita ko talaga siya muli, hindi ko maipapangako na magiging mabait pa ako.

"Gago ba siya? Napakaliit na dahilan para tanggalin ka sa trabaho!" si Yozha nang ikwento ko sa kanya ang problema ko.

Bumuntonghininga ako. "Hindi ko alam kung saan ako papasok ng trabaho ngayon. Sobrang kailangan ko ng mapagkikitaan dahil nalalapit na ang pasukan."

Sa susunod na linggo na ang pasukan, hindi pa ako kumpleto sa mga school supplies at wala pa akong uniform at bagong sapatos. Makapaghihintay naman siguro ang mga iyon. Ang importante, makahanap ako ng trabaho sa lalong madaling panahon.

"Paano kung tumigil muna ako sa pag-aaral at mag-focus nalang sa pagtatrabaho?" napaisip ako bigla.

"Tanga ka ba? Hindi ka titigil sa pag-aaral. Tutulungan kitang makahanap ng bago mong trabaho, huwag kang mag-alala!"

Huminga ako ng malalim. "Salamat talaga, Yozha."

"Ay sus! Huwag mo na akong pasalamatan. Maliit na bagay lang 'yon sa'kin. Basta, tutulungan kita hangga't makakaya ko."

"Huwag ka sana munang mamatay, Yozha. Kailangang kailangan talaga kita." biro ko sa kanya.

Sumama agad ang itsura niya. "Kapag ako namatay… charot!"

"Edi kapag nangyari 'yon, wala na akong best friend." malungkot kong aniya.

"Ba't ba patay itong pinag-uusapan natin? Gusto mo na ba 'kong mamatay, ha? Sige ka, mawawalan ka ng magandang kaibigan."

Nagtawanan na lang kami habang tumataya sa lotto. Ito na naman ako, umaasang balang araw ay tatama sa lotto.

Kasi, kung tatama ako sa lotto… ang una kong gagawin ay makapagtayo ng bahay at makabili ng sarili naming lupa kasama ang pamilya ko. Pagkatapos, magtatayo ako ng mga business at mag-iipon ng pera para sa mga kapatid ko.

At sana… balang araw ay mangyari iyon kahit alam kong imposible.

Pero ang sabi nila wala namang imposible sa mundo, hindi ba?

"Ate… kailangan ko po ng mga art materials. May project po kasi kami pero wala akong pambili." sabi sa'kin ni Azthel nang makauwi ako sa bahay.

Agad akong dumukot sa wallet ko at binigay sa kanya ang natitira kong pera.

Ang natitira kong pera dahil iyon na ang last money ko. Hindi ko ginagalaw ang pera na nakatago sa isa kong wallet dahil para iyon sa pag-aaral ko at ng mga kapatid ko at in case of emergency na din.

Echoes of LiesWhere stories live. Discover now