Seen Zoned

230 11 4
                                    

SEEN ZONED

**************************************************************

It's been a week since na-seen niya yung message ko. Usually, hanggang two to three days lang siya nahuhuli sa pag-reply sa'kin sa Facebook Messenger. Pero ngayon it's been a whole damn week na-well, it will be in twenty minutes. Ngayon heto ako, nakaupo sa bintana ko staring at the night sky habang hawak-hawak yung phone ko, waiting for a reply from him. Waiting, it's all I've ever known. Still waiting.

Okay, this is it. I have decided. Napag-isipan ko ito kaninang umaga habang naliligo ako. Today will be his last chance, I am giving him up until midnight para sagutin yung chat ko and kapag hindi niya ako na-replyan then it's farewell.

I know, wala akong karapatan magkaganito kase hindi ko naman siya boyfriend in the first place kaso-kaso gago siya! Yes, siya sisisihin ko kase hindi naman ako magkakaganito in the first place kung hindi niya ako kinausap eh. Dito rin kame sa chat unang nagka-communicate and I can still remember that first conversation as if it was yesterday.

***

It was another boring day sa school. As usual, kasama ko na naman yung mga boring na mga kaklase ko. I was never fond of making a lot of friends, lalo na if galing sa school. Mas gusto kong maupo sa isang tabi at magmukmok gaya ng nakasanayan ko. Kaso he changed me-or he made me change, either or. Kakauwi ko lang sa bahay and pagka-authenticate ng WiFi sa phone ko eh agad tumunog yung phone ko. Nagsipagpasukan na yung mga notifications ko sa different social media accounts ko. Wala naman akong hinihintay na specific na notification, kase wala namang kwenta mga notifications ko kase I was never prepared to see this particular bubble sa mesenger ko.

"KENT SENT YOU A MESSAGE"

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Si Kent? Yung kaklase ko na friend ng buong section ko? Well, friend ng buong school actually. Kilala si Kent ng buong school kase officier siya sa isang club. Maliban dun, talaa naman pang-masa yung ugali ni Kent, bakat sa aura niya yung pagiging approachable and friendly. Whether student, teacher, security guard, etcetera eh ka-close niya.

Kaso yung pinagtataka ko is bakit niya ako minessage? I mean, sure friends kame sa FB pero we never even interacted in person ever since day one ng pag-transfer ko. Kahit nga smile or wave sa isa't-isa eh wala eh. So why message me? And ano kaya sinabi niya?

Magkahalong kaba and excitement ang nadarama ko habang naglo-load yung message bubble ni Kent.

"Hey! Three months na tayong friends sa FB and four months na tayong magka-klase pero never pa kita nakausap. So sorry for messaging you out of the blue, I just wanted to say HEY!"

Natameme ako, hindi ko alam kung ano isasagot ko. How do I respond to this? How do I respond to his message? Never ko pa nga nakausap itong si Kent so hindi ko alam paano siya i-approach. Well, makamasa naman siya eh so siguro kahit paano ako mag-respond eh okay lang.

"Hi! Hahaha you are right. Hindi pa nga tayo nagkakausap before. HEY rin hahaha"

I type my reply.

Was that the right reply? Meh, I could only care less. Besides, I'm sure na mase-seen niya lang naman ako eh. It's not like makikipag-converse talaga siya sa'ken, right?

I was about to close his bubble chat ng biglang nag-beep yung typing sound. HE'S ONLINE! And na-seen na niya yung message ko. Nagta-type siya ng reply at the moment! Ang bilis nun ah! Whoa.

Sobrang bilis niya mabasa na halos hindi ko napansing active pala siya. Nagta-type siya ng reply.

"Hey! Hindi ka naman pala suplada ah! Namamansin ka naman pala ah! Ahahahahaha! :D" he replied.

Kakoolookiyam's Book of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon