The Wattpad User

798 22 27
                                        

THE WATTPAD USER 

**************************************************************

Five minutes... Five minutes na siyang nakatitig sa bintana. Ano kayang tinititigan niya sa labas? Ang mga sasakyan kayang naka-park? Baka naman ang mga dahon sa puno, binibilang niya? Or baka may tao siyang pinagmamasadan sa labas? Crush niya kaya?

Teka... Bakit ang dami kong tanong? >...<

Well, siguro dahil sa nai-intriga lang ako tungkol sa kung ano man 'yan tinitingnan niya sa labas ng bintana...

"Ruthie..."

Ang pogi talaga niya. Grabe, kahit nakatalikod siya eh naaaninag mo ang kagwapuhan niya! Ang jet black niyang buhok na naka-K Pop yung style... Ang walang kaartehan niyng katawan... Lahat perfect! Natural na siguro sa kanya ang pagiging gwapo! Meron pala talagang mga taong may hitsurang gaya niya? Akala ko hindi totoo yung mga mukha ng mga models sa mga billboards.

"Ruthie..."

Simula pa noong freshmen pa kame eh ganito na siya ka-pogi at habang tumatagal eh mas guagwapo siya. At hindi lang siya basta gwapo ah, matalino rin siya! Palaging rank #1 sa class, student council president, pambato sa mga contests, nasa kanya na ang lahat!

"RUTHIE ANN NALIA!"

"Whoa! Ano 'yun?!?" sagot ko ng may magbigkas ng buo kong pangalan.

Lumingon ako sa tabi ko-ang best friend ko pala, si Mae.

"Ginulat mo naman ako Mae!" sabi ko.

"Ginulat daw? Eh ikaw kase eh, kanina ka pa tulala d'yan!" sagot niya.

"Ako? Tulala?" tanong ko.

"OO! Tulala ka. If I know, tinititigan mo na naman si Bryan." sabi niya.

"Huh? A-Ano? Err, umm... Hindi kaya! Eww!" sabi ko.

Ang halata ko -...-

"Hindi ka magaling mag-sinungaling! Halata kaya!" sagot ni Mae.

"Ugh, I know. I'm sorry." sabi ko.

"Eh bakit ba kase idene-deny mo pa?" tanong ni Mae.

"Eh shempre! Nakakahiya naman sa parte ko kung may makarinig na tinititigan ko 'SIYA'." sagot ko.

"Ahh, so natatakot ka na malaman ng iba na crush mo si Bryan?" sagot ni Mae ng pasigaw.

Napalingon ang ilan sa mga kaklase ko. Agad ko namang tinakpan ang bibig ni Mae.

"Ano ba Mae! Hinaan mo naman ang boses mo, nakakahiya! Baka marinig ka ng mga kaklase natin!" saway ko sa kanya.

"Eh ano naman kung marinig nila tayo? May paki-alam ba sila eh wala naman!" sabi ni Mae.

"Tingnan mo ah, patutunayan ko sa'yo." dagdag pa ni Mae sabay tayo.

"WHOA! RUTHIE? CRUSH MO SI BRYAN?!?" biglang sigaw niya.

Kakoolookiyam's Book of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon