Ice Cream

142 12 0
                                    

ICE CREAM

**************************************************************

Her love for him was like ice cream, he should have enjoyed it before it melted.

***

Sabado na naman, nandito na naman ang matandang mamang ito dito sa orphanage para bumisita sa mga bata. Ever since unang beses kong pagtapak dito sa orphanage na ito bilang isang volunteer three years ago eh palagi nang nandito ang lalaking ito. Actually, he always visited the orphanage even way before ako dumating. Nakalimutan ko na ang pangalan niya, pero na-mention siya sa akin dati ng isang madre dito sa orphanage.

Ngayon, nagpapapasok na siya ng isang ice cream vendor sa loob ng bahay ampunan upang isa-isang bigyan ang bawat bata ng ice cream. In fairness, kahit may edad na ang lalaking ito ay nagagawa pa rin niyang mag-squat para mai-abot sa mga bata ang ice cream.

Mainit ang araw ngayon at pinagmasdan kong isa-isang pumila ang mga bata sa ice cream vendor habang yung matandang mama ang nag-aabot ng ice cream.

Nang matapos nang mabigyan ang lahat ng mga bata ng ice cream, naupo muna ang matanda sa bench sa ilalim ng isang puno ng mangga. Chempo namang malapit ito sa kinatatayuan ko, mukhang pagkakataon ko nang makausap ang lalaking ito.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya.

"Magadang araw po!" Bati ko as I approached him.

"Magandang araw naman hija!" Sagot niya, his voice husky and calm.

"Ako po si Athena, isa po akong volunteer dito sa orphanage." Pakilala ko sa matanda.

"Aah, ganun ba? Ako si Reynaldo, kinagagalak kitang makilala." Sabi ng matanda.

So Reynaldo is his name.

"Umm, sir Reynaldo pwede po ba akong magtanong?" Sabi ko.

"Ano yun?" Sagot niya.

"Ever since pagpasok ko po dito sa orphanage bilang isang volunteer three years ago eh nabanggit na po sa'kin nina sister na habit niyo daw po talaga ang pumunta dito every Saturday para magpakain sa mga bata ng ice cream, bakit niyo po ito ginagawa sir?" Tanong ko.

"Hahaha, naiintriga ka rin pala sa kung ano ang kasaysayan nitong ginagawa ko." Sabi ng lalake.

"O-Okay lang po ba na sagutin niyo ang tanong ko? Ayos rin lang po kung hindi." Sagot ko naman.

"Sasagutin kita hija... I am doing this to maintain a promise." Sabi ni sir Reynaldo.

"P-Promise po?" Tanong ko.

He nods.

"Oo, a promise I made to someone way back when I was young kagaya mo." Sagot niya.

Hinarap ako ni sir Reynaldo at tiningnan niya ako sa mata.

"You see, it all began when I was just twenty-five years old..." He started off.

"Noong mga panahong iyon, nakatira ako sa isang apartment na malapit sa isang bus stop at sa bus stop na iyon ay mayroong bench. Araw-araw on my way to work, sa tuwing naghihintay ako sa bench na iyon ay may nakakasabay akong babae. She was the most beautiful woman I've ever seen at ang swerte ko sapagkat araw-araw ko siyang nakikita. Parating maayos ang pananamit niya at parati siyang maayos umupo sa bench." Kwento ni sir Reynaldo.

Naputol sandali ang usapan namin dahil may batang lumapit sa amin upang mag-abot ng card sa kanya at pagkatapos niya itong pasalamatan ay nagpatuloy na siya sa pagsasalita.

Kakoolookiyam's Book of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon