Hanggang Kilig Na Lang Ba?

106 6 19
                                        

HANGGANG KILIG NA LANG BA?

**************************************************************

Hi! Ako nga pala si Darryl. May mga bagay kang sana ako na gustong ipalabas mula dito sa loob ng dibdib ko kaya napag-isipan ko na gawin ang video log na ito.

Here I go...

Hanggang kilig na lang ba? Hoy! Ikaw na babae ka, tapatin mo na ako ng diretso. Huwag mo na akong pa-ikot-ikutin pa sa mga palad mo dahil nararamdaman kong hindi maganda ang patutunguhan no'n kung sakali. Seryoso naman ako sa'yo ah! Pangako ko, hindi kita lolokohin. Huwag ko akong ihalintulad sa ex mong gago na feeling pogi dahil hindi ako kagaya niya--mahal kitang talaga. Pramis!

Naaalala mo pa ba kung papaano tayo nagkakilala? Our common friend introduced us to each other sa birthday party niya. I just got out of a really bad relationship and so did you. Pareho tayong mga sawi ng mga panahon na nagkakilala tayo. Marahil siguro ay iyon ang isa sa mga naging dahilan kung bakit mabilis tayong dalawa na maging magka-close at mapagaan ang loob natin sa isa't-isa. In a matter of one night, during the hustle and bustle at the birthday party, we were already talking about our dreams, our aspirations, everything.

We connected.

Naaalala ko pa, we were at the garden of the house and it was a clear evening. The moon was up so high and it was a starlit sky. Kaso, to be honest, the image of the stars were a bit hazy in my mind, and so was that of the moon. Mas naaalala ko kasi ang ngiti sa mukha at ang kislap ng mga mata noong gabing iyon. Your face was a more breathtaking sight than the evening sky. Doon ko napagtanto na hindi lahat ng sawi ay may makulimlim na mukha--hindi ka kasi mukhang malungkot at sawi sa pag-ibig eh, nagawa mong ngumiti kahit nasasaktan ka.

And that was how my infatuation for you began.

Pagkatapos ng gabing iyon, nagpalitan tayong dalawa ng mga phone numbers natin at ipinagpatuloy natin ang ating communication through text. Hindi rin nagtagal at ini-add na kota sa Facebook at finollow sa Twitter at sa Instagram. Sa totoo lang, ayaw ko naman talaga ng Instagram eh, kaso dahil sa'yo gumawa ako ng account para lang mapagmasmdan ko ang mga selfies mo araw-araw.

Ang creepy ba pakinggan? Well, that's the truth eh.

As the days passed by we became good friends, offering advices to each other tungkol sa kung paano mag-move sa wasak nating mga puso. Slowly, the both of us healed. My words healed your heart, while yours healed mine--actually, it was more than your words that healed mine. Everything about you helped me heal. Lahat kasi ng hanap ko sa isang babae ay nasa iyo na--and I mean it.

Eventually, lumalim pa ang pagkakaibigan natin. Pati na rin ang feelings ko para sa'yo, lumalim na din. Tuluyan na nga akong nahulog sa iyo. Sorry, ang lakas kasi ng dating mo eh.

Minsan, kung napapansin mo, binibiro kita ng mga banat ko na nagpapahiwatig na may gusto ako sa'yo. Ikaw naman, sinasabayan mo ako. Ramdam ko na hindi mo ako sineseryoso at ang mga pinagsasasabi ko. Kung alam mo lang, nasasaktan ako na sa bawat pagkakataon na pabiro kitang sinasabihan ng "Tayo na lang, friend", kasi sinasagot mo lang ako palagi ng "Hahaha! :-)".

Tanginang smiley face at haha 'yan, ano'ng akala mo sa mga pinagsasasabi ko, punchline?!?

Ang hirap kasi sa iyo, palagi mo na lang dina-dodge ang mga pahiwatig ko. Alam ko naman na hindi ka manhid eh, ikaw pa? Eh ang lakas mo nga makaramdam ng sakit 'diba? Kaya ka nga naging heartbroken, 'diba?

Ang sabihin mo lang, natatakot ka. Ayaw mo nang mag-risk na baka masaktan ka lang ulit, na baka saktan lang ulit kita. Hindi mo man lang nare-realize na hindi ko kayang gawin iyon sa'yo kasi purung-puro itong nararamdmaan ko for you. Kung alam mo lang, handa akong tumawid sa pinakamalalim na ilog, umakyat sa bundok na mas kataas pa kesa Mt. Everest, languyin ang karagatan na mas malaki pa kesa Pacific Ocean, para lang sa'yo. Oo, gano'n ka-exaggerated ang mga bagay na kaya kong gawin para sa'y kasi, mahal kitang pabebe ka!

Ngayon, nasanay na ako na palagi mo na lamang akong dinadaan sa biro, ako at ang mga seryoso kong sinasabi. Ano ba ang dapat kong gawin upang mapagtanto mo na gusto kitang maging girlfriend ko? Alam ko naman na ayaw mong magpaligaw, alam ko rin naman na ayaw mo ng mga flash mob, so ano? Ano'ng gusto mo? Gusto mo rin ba ako kagaya ng pagkakagusto ko sa'yo?

Ang labo mo naman, friend. Pinapakilig mo kang naman ako eh. Oo, kinikilig kaming mga lalaki. Kaso ano'ng mapapala mo sa kilig maliban sa panandaliang tuwa at pagtalon ng puso mo? Hindi sapat sa aming mga lalaki ang kilig. Nais namin ng assurance na amin lang ang babaeng gusto namin, na walang ibang lalaking umaali-aligid dito. Men are territorial and you belong my territory, friend.

Mahal kita.

Mahal na mahal kita.

Oh ayan, nasabi ko na. Siguro naman nakakaintindi ka ng Tagalog. Pero sige na, bahala na! Wala na akong paki-alam kung ano'ng magiging reaksyon mo kapagka nakita mo itong video na ito dito sa Facebook. Alam kong kilala mo na kung sino kang babae ka na tinutukoy ko, friend.

Tatanungin kita ulit, friend--hanggang kilig na lang ba?

Siguro, hanggang dito na lang ang video na ito. Thank you for watching!

***

Sa wakas ay nai-post ko na rin ang video na ito sa Facebook ko. I typed in "Hanggang Kilig Na Lang Ba?" In the videos caption before clicking the post button. Right now, wala na aakong paki-alam kung sino man ang makakita nitong video na ito. Ang mahalag na lamang sa akin ay sana ay makita ni Sheila ang video na ito at ng sa ganoon ay malaman niya kung ano ang pinagdaanan ko nitong lumipas na walong buwan na naging magkakilala at magkaibigan kami.

I closed my laptop at saka inilapag ito sa gilig ng aking unan. Tumihaya ako at saka ipinikit ko ang aking mga mata. I was about to go to sleep ng bigla akong makatanggap ng tawag.

Agad ko naman itong sinagot without checking who the caller was. I was already sleepy for crying out loud!

"Hello?" Sabi ko as I answered my phone.

"Hi friend... Nakita ko ang video na pinost mo." Sagot ng isang babae from across the line. Napamulat ang mga mata ko at nanlaki ang mga ito ng marinig ko ang boses jg tumatawag sa akin--it was Sheila!

"F-Friend, ikaw pala." I stutter.

"Friend, hindi mo naman na-clarify sa akin na seryoso na pala ang mga birong iyon! Tsk! Nakakainis ka naman Darryl oh. Eh 'di sana matagal ko na ring naamin sa iyo na the feeling mutual!" Sabi niya from across the line.

"Ano'ng sabi mo? Tama ba ang pagkakarinig ko?!?" I clarify.

"Oo! Tama ang narinig mo. Ang sabi ko, 'The feeling is mutual'". Biglang nawala ang antok sa aking katawan ng marinig ko ulit ang sinabi niya. Right now, I was wide awake.

So, 'yung tanong ko tungkol sa kung hanggang kilig na lang ba? I think I got my answer, and I think hindi lang pala sa kilig matatapos ang lahat ng ito.
**************************************************************

Kakoolookiyam's Book of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon