EVERY WEDNESDAY NIGHT
**************************************************************
Tik tok tik tok tik tok...
Tik tok tik tok tik tok...
Naiinip na ako. I look at the clock once more--7:30PM na. Bakit ganun? Bakit wala parin? Hindi naman siya nagmimintis ng kahit na isang beses. Ever since kase na naging kame eh hindi siya nakakalimot na--
Naputol ng katok sa bintana ang sasabihin ko.
KNOCK KNOCK
KNOCK KNOCK
Lumapit na ako sa bintana at binuksan ito... And there it is, ang hinihintay ko kanina pa.
Napangiti ako habang kinuha ang red rose na may pink ribbon at inamoy ito. I look around upang hanapin kung nandito pa ba siya--well, looks like he's gone. Isinara ko na ang bintana at inilagay ang red rose sa isang vase na puno rin maraming red roses na may pink na ribbon na nakatali dito.
"Ang sweet talaga ni Kristoff." sabi ko sa sarili ko.
Kinuha ko ang phone ko at nag-text sa kay Kristoff.
THANK U SO MUCH FOR THE RED ROSE--AGAIN. I LOVE YOU xOxo
I tapped the send button at hinintay na mag-register ang "Sent". After that, nahiga ako sa kama ko. Alam ko na ang ire-reply niya sa'ken. It's the same line over and over again. Kahit paulet-ulet na niya itong sinasabi sa'ken eh kinikilig parin ako.
BEEP BEEP
BEEP BEEP
Tumunog ang phone ko. Nag-reply na siya!
Agad kong kinuha ang phone ko at binuksan ito--si Kristoff nga! I open his message at binasa ito:
ROSES ARE RED, VIOLETS ARE BLUE.
THOSE RIBBONS ARE PINK AND THEY MEAN I LOVE YOU.
Kyaaah!!! Kinikilig na naman ako! It's the 508th time na itinext niya ito sa'ken. Yep, like I said kanina eh ever since na sinagot ko si Kristoff two years ago eh palagi niya itong ginagawa sa'ken sa tuwing Miyerkules ng gabi. I can still remember nung unang gabing ginawa niya ito sa'ken.
[FLASHBACK]
Wednesday night, I was doing nothing. Nakahiga lang ako sa bed ko habang nakatitig sa kisame ng room ko.
I still can't believe na sinagot ko na si Kristoff today! He's been courting me for three months now at nakita ko naman na nag-e-effort talaga siya. We first met sa isang rose garden sa town park and later nalaman ko na lang na schoolmate ko pala siya.
KNOCK KNOCK
KNOCK KNOCK
Napabangon ako galing sa pagkakahiga. I look at my window--wala naman akong nakikitang tao ah... OMG, don't tell me na may ghost sa room ko?!?
No, impossible. Tumayo ako at nilapitan ang bintana at binuksan ito. I looked outside--gabi na pero kitang-kita ko ang kalsada dahil sa mga street lights--wala namang tao ah. Isasara ko na sana ang bintana ng may makita ako sa window pane. Nagulat ako sa nakita ko.
It's a red rose with a pink ribbon! Tiningnan ko ulet ang paligid sa labas--wala talagang tao.
Isinara ko na ang bintana ko at naupo sa study table ko and I examine the rose.
BINABASA MO ANG
Kakoolookiyam's Book of One Shots
Short StoryDo you want to read a good story but you're too lazy to read long ones? If yes ang sagot mo pwes ito na ang hinahanap mo! Read countless numbers of stories! Kiligin, magtaka at matawa sa mga one shots ni Kakoolookiyam! COMPLETED || GENERAL FICTION |...
