A Letter For You

113 10 4
                                    

A LETTER FOR YOU

**************************************************************

Dearest Sunshine,

Hahaha! Sunshine talaga ang nilagay ko. Remember? Iyan yung tawag ko sa iyo. Ikaw kase ang nagdadala ng liwanag sa buhay ko. Tapos, ako naman si Moonbeam mo kase ako 'yung tanglaw mo sa gabing madilim. Ang sweet noh? Parang magkaka-Diabetes ka sa sobrang kilig. Grabe! Na-miss ko nang tawagin ka sa pet name na iyan. Gaano na ba katagal? Two years? Ewan! Basta mahigit sa sampung daliri ko na ang bilang ng mga buwan na nawalay tayo sa isa't-isa. Alam kong ang tagal na ng lumipas na panahon before makarating ang liham na ito sa'yo pero talagang sinadya kong paki-usapan si Izzy na ibigay ang letter na ito sa'yo exactly on this day, marking my anniversary.

Marahil ay nagtataka at nagtatanong ka kung bakit ko sinulat ang liham na ito para sa'yo. Siguro nga eh baka nagulat ka na nagawa ko pang magsulat ng letter after sa lahat ng nangyari. Sa totoo niyan eh ako rin mismo ay nagulat at namangha sa sarili ko, akalain mong kinaya pa ng powers ng katawan ko na kumuha ng papel at ballpen?! Anyways, ang dahilan ko kung bakit ko sinulat ang liham na ito ay para masabi ko sa iyo ang lahat ng nararamdaman ko. Dito sa sulat kong ito ko ilalabas ang lahat ng mga saloobin ko na isa-isa kong kinimkim noong mga panahong magkasama pa tayo.

So, sisimulan ko na, okay?

Naalala ko pa noon, first day ng classes and wala na sa tabi ko ang BFF kong si Izzy. Ever since kase na maging sila ni Jake eh nakalimutan na niya ako. I was hurt by it. Parang last summer vacation lang eh sa amin lang umikot ang mundo ni Izzy tapos ng dahil sa kay Jake eh parang hindi ako nag-exist sa buhay niya at all. Naisip ko, may mga ganung klase pala talaga ng kaibigan? Yung mga kaibigang naaalala ka lang kapag single sila, tapos kung nagka-love life na eh nai-itsapwera ka na agad. Ang saklap namang isipin. I was all alone, wala kase akong ibang kaibigan maliban sa kay Izzy eh.

Kaso mapaglaro ang universe, timing at pinalipat ka niya ng school--chempo pa talaga na dito sa school natin. Chempong sa year natin, chempong sa section natin, at chempong katabi ng upuan ko ang upuan mo. Destiny ba? Ewan, ayoko na rin sagutin. Pagod na ako.

So ayun nga, at first hindi tayo nag-uusap, siyempre ang weird naman kung FC tayo sa isa't-isa, 'diba? Kaso nga, dahil pinaglalaruan ako ng universe, nagkataon na ikaw yung nakapansin na tumutulo na ang luha sa mga mata ko. Kinalabit mo ako sa balikat at tinanong kung bakit ako umiiyak. Sinagot naman kita, sabi ko "Ang saklap lang kase na lahat ng tao sa classroom may kausap at may kasama, maliban sa akin.". Nang masabi ko iyon ay doon na tayo nagsimulang mag-usap. Tinanong mo ako kung bakit ayaw kong mag-isa at in-explain ko naman sa iyo na ayaw kong mag-isa kase pagod at sawa na akong mapag-isa, maiwang mag-isa, at maging mag-isa.

After kong sabihin sa iyo 'yun, nagtanong ka pa kung bakit ako mag-isa kaya sinagot ko na hindi naman ako always mag-isa--at saka ko ikinuwento ang tungkol sa nangyari sa amin ni Izzy at kung paano ako nagmukhang tanga at naiwan sa ere.

And then the unlikeliest of friendships bloomed...

Slowly, you gained my trust. You did, Sunshine. Sa bawat araw ay binabasa ko sa iyo ang mga pahina ng buhay ko, my deepest most cherished secrets, mga bagay na tanging ako at si Izzy lang ang nakaka-alam. Actually, yung iba nga eh ikaw lang ang sinabihan ko. Alam mo kung bakit? Kase, may something sa ngiti mo. Kapag ngumiti ka kase, pakiramdam ko, safe ako. Feeling ko, safe lahat ng sikreto ko sa'yo. It's like you are the male version of Izzy. You filled the whole that Izzy left behind. 'Yan ang dahilan kung bakit mabilis mong nakuha ang loob ko.

You came at the right time...

Ikinuwento ko sa iyo ang dahilan kung bakit si Izzy lang ang kabgan ko, na siya lang ang nagkalakas ng loob makipag-kaibigan sa isang taong may sakit sa puso. Remember all those trips we used to have kapag nagpapa-check up ako sa cardiologist ko? Sabi mo pa noon na hindi mo hahayaang tumigil sa pagtibok yung puso ko. During that time, I was pretty sure na hindi talaga titigil ang pagtibok ng puso ko. Alam mo kung bakit? Kase during those days, my heart beats for you.

Kakoolookiyam's Book of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon