Once Upon A Dream

411 15 12
                                    

ONCE UPON A DREAM

**************************************************************

I KNOW YOU, I WALKED WITH YOU ONCE UPON A DREAM 

I KNOW YOU, THE GLEAM IN YOUR EYES IS SO FAMILIAR A GLEAM. 

YET I KNOW IT'S TRUE THAT VISIONS ARE SELDOM ALL THEY SEEM 

BUT IF I KNOW YOU, I KNOW WHAT YOU'LL DO 

YOU'LL LOVE ME AT ONCE, THE WAY YOU DID ONCE UPON A DREAM.

Paulit-ulit na tumutugtog sa tenga ko ang kantang ito. Alam ko ang kantang ito, it's a waltz from my favorite fairy tale na Sleeping Beauty. Ito yung sinayaw ni Princess Aurora at ni Prince Philip sa forest nung first time nilang magkita. Isa yun sa pinaka-sweetest moment sa lahat ng mga fairy tales na alam ko. After that, naging hopeless romantic na ako. Naniniwala ako sa destiny, sa true love at sa mga kung ano-ano pang ideology tungkol sa love. Too bad it won't happen to me.

Wait, bakit parang wala akong makita? Paulet-ulet na tumutugtog sa tenga ko ang kanta pero di ko alam kung saan ito nanggagaling. Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko.

"Wow..." sabi ko nang makita ko ang paligid ko.

Nakatayo ako sa gitna ng isang malaking ballroom. Gawa sa glass ang mga pader kaya kita ko ang nasa labas. Mukhang napapalibutan ng isang garden ang ballroom. Meron pang waterfalls sa labas ah.

I KNOW YOU, I WALKED WITH YOU ONCE UPON A DREAM 

I KNOW YOU, THE GLEAM IN YOUR EYES IS SO FAMILIAR A GLEAM.

Tumutugtog pa rin ang waltz. I look around, wala namang orchestra ah. I wonder kung saan nangagaling ang musika na yan.

"This is all so surreal." sabi ko sa sarili.

Siguro, nananaginip lang ako. Kinurot ko ang sarili ko--hindi naman masakit. Yep, nananaginip nga lang ako. I mean, obvious naman siguro. Paano naman ako makakapunta sa ganito ka-perpektong lugar at itong suot ko--WHOA! Ngayon ko lang napansin ang suot ko. Nakasuot pala ako ng isang magarang ballgown na kulay pink. Tiningnan ko ang paa ko--pink rin na slippers. Akala ko glass slippers LOL.

"I've been waiting for you." biglang may nagsalita sa likuran ko.

Napalingon ako. OMG. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. May isang lalakeng nakatayo sa harapan ko.

"I've been waiting for you my whole life, Hannah." sabi ulet nung lalake.

Wow, ang gwapo niya. Nakasuot siya ng damit ng prinsipe. Can it be? Siya na ba ang prince Philip ko?!?

"Halika, sumayaw tayo sa tugtog." anyaya niya sa'ken sabay extend ng kamay niya.

Lumapit ako sa kanya at tinanggap ang kamay niya. We head down the senter of the ballroom.

I KNOW YOU, I WALKED WITH YOU ONCE UPON A DREAM 

I KNOW YOU, THE GLEAM IN YOUR EYES IS SO FAMILIAR A GLEAM. 

YET I KNOW IT'S TRUE THAT VISIONS ARE SELDOM ALL THEY SEEM 

Kakoolookiyam's Book of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon