Jeepney Love Story

169 10 9
                                    

JEEPNEY LOVE STORY

**************************************************************

Sinong mag-aakalang makikilala ko siya sa pinaka-hindi inaasahang pagkakataon?

It was just another boring day. Papasok ako ng school at ngayon eh pumipila na ako para makasakay sa jeep. Ang araw na ito ay kapareho ng mga nakaraang araw sa buhay estudyante ko. Walang kakaibang pangyayari or anything, ganun na naman talaga lagi ever since. My life was no life, kase my life was lifeless (If that even made sense). Maaraw din ngayon kagaya ng mga nakalipas na mga araw. It was all the same formula every single day... Until he happened.

First day of classess para sa second quarter namin. Ang saklap isipin na may dalawa pang quarter akong kailangang pagdaanan after ng quarter na ito bago ako maka-graduate ng high school. Hindi naman sa ayaw kong mag-aral, kaso gusto ko lang talaga agad na matapos na ang ka-boringan days na nangyayari sa buhay ko. I want to try new things.

Sabi nga ni Belle sa Disney movie na Beauty and the Beast, "I want adventure in the great wide somewhere, I want it more than I can tell."

Iyan ang nais ko ring mangyari sa buhay ko. Gusto kong palaging may kakaibang mangyari sa buhay ko. Kahit anong kakaiba pwede ako, kahit bungee jumping, pagkain ng mga silkworms, anything. Kaso school life is my priority kaya hindi ko magawa ang bagay na ito. Kapag bakasyon naman, tumutulong ako sa kay mommy sa cafė.

***

Sa wakas eh nakasakay na rin ako ng jeep pagkatapos ng walang hanggang paghihintay. Mabilis na napuno ang jeep dahil marami-rami agad ang sumakay dito at hindi nagtagak eh nagsiksikan na sa jeep. Nakakabwisit naman oh, ang sikip-sikip.

Papausugin ko yung katabi kong wagas makadutdot sa'ken. Lumingon ako sa direksyon niya ng bigla akong mapanga-nga sa nakita ko...

Patay na ba ako? Kase may nakikita akong anghel sa tabi ko... Punyemas, hindi naman siya gwapo, kaso ang linis niya tignan at yung buhok niya, clean cut sa halip na yung mga pang-jejemon na pa-spike na mga hair. Wala akong makitang mansta sa white polo shirt na suot niya at kahit na tadtad suya sa pawis eh okay lang kase mabango pa rin naman siya. Nahiya tuloy ako, papasok pa lang ako ng school eh ang dugyot ko na.

Grabe, ang bait ko na pala? Kase biniyayaan ako ni Lord ng ganito ka-gwapong katabi. Natatae tuloy ako sa kilig and kaba.

Nakatitig lang ako sa kanya ng bigla siyang tumingin sa'ken pabalik. Pucha! Nahalata niya ako! Agad kong hinugot sa bag ko ang aking panyo para kunyaring magounas ng mukha and at the same time para takpan na rin talaga ang aking mukha.

Umandar na ang jeep.

***

Hindi ko alam kung talagang walang ibang station dito or baka trip lang talaga ng driver si Yeng Constantino kase puro kanta niya ang tumutugtog sa loob ng jeep. Kakatapos lang ng kanta niyang "Chinito" at ngayon eh isa na naman niyang kanta ang tumutugtog.

SUMAKAY AKO SA JEEPNEY
IKAW ANG NAKATABI
HINDI MAKAPANIWALA...

Nagulat ako sa kanta. Ito yung "Jeepney Love Story" niya na song ah! Aba akalain mo nga naman ang pagkakataon kapag nagbiro oh, relate na relate ako sa kanta. Maya-maya pa ay nagsimula nang tumugtog ang chorus.

AYOKO NANG PUMARA KAHIT SAAN MAPUNTA
AYOKO NANG PUMARA MUNG IKAW ANG KASAMA
AYOKO NANG PUMARA, AYOKO NANG PUMARA
AYOKO NA, AAAH

Kakoolookiyam's Book of One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon