Chapter 25 (S.E.F)

50 4 2
                                    

-Cedric-

Well siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ako kasama nila Tyler. Uh well kasi hindi ko alam kung nananadya ba sila o ano sabi kasi nila mas masaya raw kung ako ang unang magbigay ng bulaklak sa kanya. Oh diba sabi ko sa inyo nananadya sila eh. Hays, naalala niyo pa ba yung time na nag emote ako nung nag out of town sina Tyler? Actually nung time na rin na yon napag-isip isip ko na ipaubaya na lang ang taong mahal ko sa taong mas mahal siya at mas mahal niya. Hahahaha! Mabait kasi ako pero once na isuko ni Tyler si Nicsz? Babawiin ko na siya. Ibibigay k okay Nicsz ang kasiyahang deserve niya at papawiin ang mga luhang nagpapahirap sa kanya. Yown, lalim ng hugot! Hahahah basta sa ngayon, masaya akong nakikita siyang masaya.

Nagsimula nang magbigay ng mga bulaklak actually natatawa pa nga ako kasi yung iba hindi niya tinatanggap tapos yung iba naman sinasabihan niya ng... "Kailan pa ako naging birhen?" With matching irap pa yon oh diba ang sama ng ugali niya. Yung akin lang ang tinggap! Sayang lang tuloy yung mga biniling bulaklak ni Tyler. Hahahah! Gusto na nga niyang mag-walk out kasi naiinis na siya sa mga nagbibigay sa kanya pero kaya nga ako nandito eh! Para pigilan siyang umalis and si Kqurt? Wala na his job is finished na kasi eh. Hahahaaha! And for sure kasama na niya si Blair babawi pa raw siya run eh. Paano ko nalaman? Well naikwento lang ni Tyler. Hahahah! Wala eh chismoso rin ang isang yun.

"Hindi mo ba talaga tatanggapin yung mga bulaklak? Sayang oh!" Sabi niya pero eto lang ang sinagot niya... "Bakit? Si Tyler ba sila para tanggapin ko ang bulaklak na binibigay nila?" See, loyal siya. Hahahah! Sarap niya talagang maging girlfriend. Sure kang hindi ka niya lolokohin. Hahahah!

Siguro mga nasa 30's na ang taong ni-reject niya ng biglang tumunog yung phone niya. Kaya sinagot niya yung phone call. Mukhang importante pa naman yun kaya hindi ko na siya pinigilan. "Hello?... Really!?... Weh?... Aish, syempre meron... Oo na!... Hahahah! Sige ingatan mo siya! Lagot ka sakin kapag pinabayaan mo yun... Hahahaha hindi naman... Sige sige sabihin mo na lang sa kanya I love him at namiss ko siya! Excited na nga akong makita siya eh!... Hahahah! Parang ganun na nga pero sorry taken na! Hindi na pwede!... Hahahah! Secret! Siya lang ang may alam try mong tanungin sa kanya!... Hahahah! Sabi ko naman sayo eh!... Sabihin mo mas mahal ko siya!... Grabe kinilig agad? Isusumbong ko siya kay mommy eh!... Hahahah! Oo ang landi talaga kalalakeng tao!... Gwapong malakas ang tama ang tapang description... Aish bahala ka nga basta sabihin mo marami na siyang utang sa akin!... Hindi! Kulang pa ang lambing!... Grabe sige na pupunta na ako jan!... Peste kung kailan ibababa ko na!?... Bakit ayaw niya pang kumain?... Aish hawak ko ba ang plato niya?... Baliw talaga yan kaya siya ang pinaka mahal kong co—... Hindi pa ako tapos sabat ka ng sabat!... Oo na baka mamatay sa gutom ang patay gutom kong pinsan!... Oo na nga! Kulit mo rin eh noh!?... Kung ikaw na lang kaya ang nasabay sa kanya?... Grabe kakalbuhin ko talaga yan pag dating ko!... Hahahah! Daig pa talaga ang babae! Sige na! Sabihin mo jan sa matakaw at mahal na mahal kong pinsan sana mabilaukan siya! Papunta na ko jan!... Geh babush! Kita kits na lang!" Grabe, yun na ata ang pinaka-mahabang phone convo ang narinig ko sa buong buhay ko! Hahahaha! Grabe akala ko talaga may iba tong si Nicsz yun pala pinsan niya lang. Hahahah! Edi  ibig sabihin..."Ced kailangan ko ng umuwi! Yung pinsan ko kasi eh! Ngayon lang naisipang dumalaw." Sabi ko na nga ba eh. At ayun kumaripas na ng takbo. Aish ano na ang gagawin ko ngayon? Handa na ang lahat eh! Lagot ako neto kay Tyler eh! Bakit kasi ngayon pa!?

Pero sa pagkakaalam ko hindi yun basta basta makakaalis kasi... "Ano ba Ace! Sabing pupuntahan ko ang pinsan ko eh!" Hahahah, sabi ko naman sa inyo may magbabantay sabi na nga ba magagamit rin yung plan B eh! Hays, iba talaga kapag boyscout.

-Nicsz-

"Ano ba Ace! Sabing pupuntahan ko ang pinsan ko eh!" Sinadya kong laksan ang boses ko para naman marinig ni Ced pero mukhang wala rin namang balak pumunta ang isang yun! "Maawa ka naman oh! Minsan lang yun dumalaw." Totoo naman eh! Miss ko na nga yung kotse ko, hahahah ang bad ko kotse yung namiss hindi yung patay gutom kong pinsan. Joke lang! Mas namiss ko naman ang pinsan ko kesa sa kotsse ko.

New Generation of DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon