Chapter 28

53 3 0
                                    

-Bryan-

Aish, bakit ba hindi marunong makiramdam ang bestfriend ko? Hindi ba niya alam na halos mamatay na ako sa selos! Kagaya ngayon, habang nag-eexplain siya nang tungkol sa plano niya eh halos matunaw na si Ced nang dahil sa pagtingin niya. Aish! "Excuse me for a while. C.R lang ako." I said, nag nod lang ang napaka manhid kong bestfriend habang tuloy pa rin ang pag-eexplain niya nang plano niya. Hays! Ayoko na talaga!

Pumunta muna ako sa C.R then umalis na ako nang hindi man lang napansin. Aish, ewan ko ba dun sa tatlong lalakeng yun at sobra kung makatutok kay Nie at yung manhid kong bestfriend eh! Hays! Ewan! Naasar lang ako!

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

An hour passed by...

-Stephanie-

Hays, nakakapagod mag-explain pero... "Nakinig ba kayo sa mga sinabi ko sainyo?" Maigi nang sigurado diba.

"Naman" -Ace

"Syempre!" -Dave

"Of course." Sabi ni Cedric saka ngumiti. Oh my! Kyaaa! I'm so kinikilig!

"By the way nasaan na si Bryan?" Hays, so gwapo talaga. "Hey, Stephanie!" Bumalik lang ako sa ulirat ko nang bigla niyang hipan ang mukha ko. Grabe, napaka rare nang ginawa niya ha! Pero shemay ang bango!

Hays, ayos na! Mamaya na ang kalandian Stephanie! "Why? What?"

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "I am asking kung nasaan si Bryan." Tapos nag pokerface siya. Kyaaaa! So cute!

Hey, speaking of Bryan. Nasaan na nga yon? "Diba umalis siya kanina? Magsi-C.R lang daw siya diba?" Totoo naman diba? Hayst, puro diba na lang ako!

"Check the comfort room Dave." Wah! Serious mode siya! Huhuhuhu katakot.

"Huh? Bakit ako? Si Ace na lang." Angal ni Dave saka bumaling ulit sa cellhpone niya.

"Aangal ka jan o itutuloy mo yung kasunduan natin?" At ayun sumunod na rin naman siya dahil sa sinabi ni Cedric.

Nang makabalik na si Dave eh nakapoker face siya. "Wala namang tao eh! Anong gagawin ko dun?" padabog siyang umupo sa inuupuan niya. Whoa wait, "Wala si Yan sa C.R?" At nag nod siya. Aish, saan naman yon pumunta? Anong nangyari dun? Bakit siya biglang nawala? Bakit niya ako inwan?

Bumalik ako sa ulirat ko nang biglang tapikin ni Cedric ang balikat ko. "I-uwi na kita? Baka kasi naka-uwi na yun eh." Pumayag na lang akong ihatid ako pa-uwi. Hindi naman kasi ako makaka-uwi kasi ang gamit naming sasakyan ni Bryan papunta dito eh yung kotse ni Nicsz.

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

"Thanks sa paghatid." I smiled at tumango lang siya at pumasok na sa kotse niya. Whoa, what was that? Anyare sa kanya?

Aish, pumasok na lang ako sa loob nang bahay nina tita Bea. Nang makapasok na ako, laking gulat ko na lang nang maabutan ko ang sobrang daming bote nang alak sa tapat nang sofa and guess what. Wala si Bryan. Hayst, pagagalitan kami nito eh. So I started fixing things up bago pa maabutan nina tita. Mahirap na baka masermunan pa ang bestfriend ko.

Nang matapos kong linisin ang napakaraming kalat nang napaka-galing kong bestfriend eh pumunta na ako sa kwarto ko. Hayst, saan kaya pumunta yung lalakeng yon? Umalis kanina nang walang paalam tas ngayon naabutan ko ang bahay na sobrang daming bote nang alak na nakakalat. Bakit ba ako nag-aalala sa kanya? Hays, bakit ba ganito ako mag-isip? Malamang mag-aalala ako sa kanya kasi bestfriend ko siya! Hays, makatulog na nga lang muna! Lalake naman yun eh!

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

-Nicsz-

Hay salamat natapos rin! The ball would be the best ball ever! "Guys alis na ako." Sabi ni Tyler saka tumayo.

New Generation of DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon