Chapter 45 (Her Emotions)

33 3 0
                                    

~Krysha~

"Pwede ba tumigil na kayo!? Sa tingin niyo ba makakatulong yang pagsisisihan niyo!? Wala nang magagawa yan kasi kalat na kalat na yung issue!" I said kaya natigilan sila. Tumayo na ako dahilan paea magulat si Nicsz. I smiled at her. Kahit mahirap pinilit kong ngumiti pada mapakita sa kanila na okay lang ako. "I want to go home. Uuwi na muna ako." I said.

"Sure ka ba Krys? Gusto mo ihatid na kita?" Umiling lang ako at ngumiti ulit. "Nah. I can handle this. Wag ka nang mag alala sakin. I can handle myself." And with that umalis na ako sa kwartong iyon.

Pagkalabas na pagkalabas ko lahat ng tao nakatingin sakin. Bakit nangyayari toh? Nang malapit na ako sa may exit ng hospital nakita ko sila tita Bea. "Krys anong nangyare sayo? Okay ka lang ba?" Comcerned na tanong ni tita. Ngumiti ulit ako "Wala po tita. Okay lang po ako." I said.

"Ihahatid ka na namin okay?" Sabi naman ni tito Dom. Tatanggi na sana ako kaso nagpumilit talaga sila tito at tita kaya pumayag na din ako.

Nang makarating na kami sa sasakyan ay nagulat ako kasi tumabi sa akin si tita Bea. "I know you have a problem dear." She said saka ngumiti. Hindi ako nakakapagsalita kasi pinipigilan ko ang luhang nagbabadya nang tumulo sa mata ko. "I know your mom will understand this." Dagdag pa niya kaya di ko na napigilan yung luha ko. Naalala ko si mommy. I know she will be disappointed. Nakakahiya ako.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni tita. "It's alright dear." Sabi niya saka kinissan ang noo ko. Naiyak ako lalo. Sana kagaya ni mommy si tita Bea. I hope she'll understand.

Minutes passed by...

Bumaba na ako sa sasakyan. Hahatid pa sana ako ni tita Bea sa loob pero sinabi kong okay lang ako. Pag pasok ko sa loob, I saw my mom sitting on the couch. Lumapit ako sa kanya para mag sorry pero nagulat ako kasi umiiyak siya. First time ko siyang nakitang umiyak. Napaiyak na rin ako kasi alam kong ako ang may kasalanan kung bakit siya nasasaktan ngayon.
"Sorry po mommy." I said saka siya niyakap. "Mommy hindi ko po talaga alam. Sorry po." I added. Alam ko kung gano kasakit yung nagawa ko. Isang kahihiyan din yun para sa kanila. Wala akong kwenta. Ang landi landi ko. Walang sagot galing kay mommy kaya binigyan ko na lang siya ng time para mag isa.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko at doon umiyak. Tinignan kong muli ang mga litrato namin. Ang mga masasayang memories namin nang magkasama pero puno pala nang kasinungalingan. Mga kasinungalingang kailangan nang ibaon sa limot. Mga kasinungalingang hindi na lang sana nangyare. Hindi ko na alam kung pano haharapin lahat ng tao. Ang dumi dumi na nang pagkatao ko.

Natigilan ako ng biglang nagring ang phone ko.

Baby Z calling...

Tumatawag siya. Tumatawag siya pero bakit? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba yung tawag niya or hindi. Tinignan ko lang yun hanggang sa tumigil na mag ring. Akala ko hindi na siya tatawag ulit pero nag ring ulit ang phone ko. Naiiyak lang ako lalo kasi alam ko na kung anong ibig sabihin nito. Oo siguro nga wala nang rason para magpatuloy pa toh pero kask mahal ko siya eh. Di ko pa rin talaga maalis yung fact na mahal na mahal ko siya kahit pinsan ko siya. Bakit ba ang lupit ng tadhana sakin!? Hindi na ba ako pwedeng maging masaya!? Hindi na ba ako pwedeng magmahal!?

Umiiyak lang ako dito. Ang sakit sakit talaga. Nag ring muli ang phone ko kaya sinagot ko na ito kahit wala pa akong lakas na kausapin siya.

[Hello? Krysh. Sorry kung nalagay kita sa sitwasyon na toh ah. Ang laki laki na ng kasalanan ko sayo.] Napaiyak ako lalo ng narinig ko ang pag iyak niya mula sa kabilang linya. [Wag ka nang umiyak oh. Matatapos din ang problemang toh.]

"Zyc bakit kasi ganito? Kung kelan mahal na mahal na kita saka pa lumabas tong balitang toh!?" Umiiyak pa din kami. Masyadong masakit yung katotohanang magpinsan kami at wala na kaming chance para sa isa't isa.

[Hindi ko din masasagot yan pero alam ko kung pano mawala tong problema natin.] He said.

"Pwede ba wag muna ngayon? Please baka di ko na kayanin eh." I pleaded. Masyado na akong nasasaktan dadagdagan pa ba niya?

[Baka lalo lang lumala ang sitwasyon pag pinatagal ko pa Krysh.]

"Konting oras lang yung hinihingi ko sayo Zyc kasi baka di ko na kayanin alam mo ba yun!? Pero sige kung yan talaga yung gusto mo eh wala naman akong magagawa."

[Sorry K...]

Hindi ko na siya pinatapos at inend ko na yung tawag. Nakakainis. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa toh. Hindi ko na talaga alam.

Natigilan ako nang may kumatok sa kwarto ko. Hindi naman nakalock yun kaya ayun pumasok din siya. Nagulat ako kasi nakita ko si Ace. Lumapit siya sakin at saka naupo para maging kalevel na niya ako.

"Don't be like that bestfriend. Wag ka nang umiyak. Tignan mo oh ang panget mo na." Then may pinapakita siya sakin sa phone niya. Tinignan ko iyon at picture ko yun na naiyak. Napangiti naman ako sa ginawa niya.

"Oh nakita ko yun. Nakita ko yun. Ngumiti ka bestfriend. Yes!" Sabi niya na parang bata.

Ngumiti akong muli sa kanya "Thank you." Ang tanging lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko yung labi niyang dumampi sa noo ko. "Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak. Tandaan mo bestfriend, nandito lang ako para sayo. Masyado kitang mahal para iwan ko. Lalo na at nalaman kong pwede pa palang maging tayo." Then kinindatan niya ako. Napangiti ako ulit. Ang kulit niya kasi eh.

"Dami mong alam gago." Sabi ko naman. Nag acting siya na parang nabaril sa may dibdib. "Aray besh ang shaket nun." Sabi niya pa na parang naka braces. Aish, he's really good at pagpapatawa.

"Loko umayos ka nga." Pagsusuway ko sa kanya.

Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko. "Yan. Ganyan lang lagi ah. Smile ka lang bestfriend. Hindi kasi ako sanay na umiiyak ka. Ngayong wala na si Zyc sa buhay mo, hayaan mong ako naman ang maging prince charming ng prinsesang mahal na mahal ko." Seryosong saad niya saka niya ako niyakap. "Salamat talaga Ace. Maraming maraming salamat." Then I hugged him back.

@@@@@@@@

Makalipas ang ilang oras...

Bumaba na kami ni Ace para harapin sila mommy. Oh wag kung anong iniisip ah. Kinomfort lang niya ako and now I am totally fine. Well sana...

Umupo kami sa couch. Kaharap ko sila mommy at daddy. Pinauwi na nila si Ace kasi private daw yung pag uusapan namin kaya lalo akong kinabahan.

"Mom---" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang sumabat.

"Pack your things. We're leaving tomorrow night." She said seriously. Naguguluhan ako. I tried to asked them pero hindi nila ako sinagot. Is this for real? Pero di ko kayang iwan ang mga kaibigan ko. T_T

@@@@@@@@@@

a/n

Hello pooooo sorry ngayon ko lang po ulit naupdate nagkasakit kasi ako eh. Hope you enjoyed this chapter~

New Generation of DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon