Chapter 10

124 8 0
                                    

Kinabukasan…

-Nicsz-

Hay, pesteng Tyler naman yun ohh! Bakit parang tumagos hanggang puso ko yung sinabi niya? Saka bakit niya sinabi na mag-start kami anew? Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yun….

Flashback

“Babe tayo na lang kasi!!!” Kanina pa niya yang sinasabi sa akin. Ang adik niya talaga!

“Hindi nga pwede diba?! Sabi ko sayong hindi kita gusto!” I said to him.

“Dahil si Kqurt ang gusto mo? Kailan mo ba ako mapapansin ha?! Lagi na lang si Kqurt! Ano bang meron sa kanya???” Tanong niya. Whoa, gusto niya ng comparison? SIge pagbibigyan ko siya!

“Lahat ng gusto ko sa isang guy, nasa kanya. Mabait, gentleman, maalalahanin at caring! Eh ikaw, sa ugali pa lang bagsak ka na!” Sabi ko sa kanya. Akala ko mananatili lang siyang tahimik pero nagulat ako sa sinabi niya.

“Mabait at gentleman siya sayo OO, pero CARING? Kay Brazce niya lang yun pinapakita diba? Hanggang kailan ka ba magiging t*nga ha Nicsz? Hindi ka niya MAHAL!!! Yan ang itatak mo sa utak mo!” Sabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko kasi nasampal ko siya. Bakit bigla akong nainis sa kanya? Bakit kailangan pa niyang ipamukha sa akin ang katotohanan?

“Sinabihan na nga kita eto pa ang igaganti mo??? Alam kong hindi halata Nicsz, pero sana malaman mo na MAHAL KITA. Kaya kong ibigay lahat para lang mapasaya ka. Hinayaan kitang sumama kay Kqurt at naging masaya ka naman diba? Pero bakit hindi mo pa rin napapansing ginagawa ka na niyang T*NGA! Oo, wala akong panama kay Kqurt kaya don’t worry, hindi na ako magpapapansin sayo! Simula sa araw na toh, we will start anew!” Sabi niya saka lumabas sa kwarto.

END of Flashback

Kahit naman siguro bato, manlalambot sa confession niya diba? Bakit gusto kong biglang maniwala sa sinabi niya? Pero diba, wala naman siya sa katinuan niya kagabe? Hay, bakit ko ba yun iniisip? Peste!

-Tyler-

Whoo! The best talaga yung confession ko kagabe! Akalain niyo yun, sa daming araw kong pinlano yun, kagabe lang pala mangyayare! YES, Brazce is my CRUSH at si Nicsz naman ang mortal ENEMY ko pero hindi ko alam kung bakit koi to nararamdaman sa kanya ehh. Alam kong magulo kasi lage ko siyang inaasar. Nung una kasi, hindi pa ako sure pero nung I saw him crying? Hindi na siya nawala sa isipan ko. Siguro nga, I should need to accept my unexpected feelings to her. Alam kong may plano kami ni Brazce, pero kaya nga ako napa-payag diba? Kasi gusto ko rin. Tototohanin ko yung sinabi ko sa kanya. We will start anew. At ipapakilala ko sa kanya ang Tyler na kabaligtaran ng Tyler na nakilala niya. Gagawin ko ang lahat para lang magustuhan niya ako. Gagawin ko ang lahat para lang hindi na siya mag-mukhang t*nga sa pinag-gagagawa sa kanya ni Kqurt.

Nandito kami ngayon nina Zyc, Brazce at Krysha sa room naming mga lalake. Wala yung dalawa kasi kinausap namin sina tita na turuan muna sila ng gagawin. Mamaya pa naman sisimulan ni tito Dom yung plano kaya ako muna ang magpa-plano ngayon. Hahahah!!!

“So ano ang pag-uusapan natin Tyler?” Tanong ni Zyc na nakahiga sa kama. Tiningnan siya ni Krysha at hinampas ang paa niya dahilan para mapatayo siya. Hay, bagay talaga sila!!!

“Brazce, pwede bang totohanin ko na lang yung plano?” Tanong ko kay Brazce. Ngumiti naman siya saka nag-nod.

“Plano? Yun ba yung narinig ko kagabe?” Tanong naman ni Krysha. Nag-nod naman kami pareho ni Brazce.

“Ang daya, hindi ko alam yun ha!!” Reklamo naman ni Zyc. “Wag mo ng alamin yon! Wala na yung kwenta! Talon a kasi si Tyler ehh! Tinamaan na pala! Pumayag lang pala sa plano para makapag-confess!” Sabi ni Brazce. Hay, gulat kayo noh? Alam na ni Brazce kasi kinuwento ko na sa kanya ang tungkol don.

New Generation of DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon