Chapter 27

61 4 2
                                    

-Bryan-                      

"Pinsan! Samahan mo na kasi kami ni Nie. Mag gagala lang naman tayo sa mall eh!" Kanina ko pa yan paulit ulit na sinasabi sa kanya. Kaso... "Tinatamad nga ako pinsan. May next time pa naman eh!"

"Sayang rin naman kasi yung sale nila. Sige na naman pinsan! Minsan lang ako mag-aya eh!" Hindi ko alam kung pinahihirapan ba ako nang pinsan kong toh o gusto lang magpalambing eh.

"Aba aba aba! Kailan ka pa pumupunta sa mall na sale!? Sa pagkakaalam ko ayaw mo sa mga ganun kasi maraming tao." Ay sh*t oo nga pala! Epic!

"Ah, iba na kasi ngayon pinsan! Nagbago na ang gusto ko!"

"Nagbago? Really? Kahit—asdsfksig" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya kasi tinakluban ko ang bibig niya. Ibubuko niya ako eh! Mahirap na baka malaman pa ni Nie!

"Samahan mo na lang kasi kami! Minsan lang naman mag-aya ang pinaka gwapo mong pinsan kaya pagbigyan mo aray! Bakit ka nagagat jan?" Nangagat kasi eh kaya nabitawan ko tuloy yung bibig niya.

"Eh bastos ka eh! Nagsasalita pa ako tinakluban mo ang bibig ko! Gusto ko lang mag side commentsa sinabi mo! Hahahahah! Gwapo? Sinong niloko mo? Kapal mo pinsan ha! Pero A-yo-ko pa rin!" Hay, bakit ba ganito ka-hirap ayain nang isang toh?

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

-Tyler-

"Bro, tara na lang sa bar! Hindi ka na nun sisiputin!" Malapit na talaga akong maasar dito kina Dave at Ace na toh eh! Kung hindi kasi sabay eh salitan silang nagsasalita. Paulit ulit na nga rin ang sagot ko. Napaka hamit kasi nang dalawang toh mabuti pa tong si Ced chill lang habang nagte-text.

Nakita kong biglang ngumiti si Ced at yung dalawa naman biglang tumunog yung phone kaya natigilan sa pangungulit. Aish, pupunta pa kaya ang Bitch ko?

"Tol, si Nicsz yun diba?" Sabi ni Ace sabay turo dun sa babaeng nadaan habang kaakbay nang lalakeng kasama niya.

"Mukhang tuwang tuwa pa talaga yung dalawa tol!" Hindi ko na lang sila pinansin at lumabas na ako sa café.

"Bitch!" Sigaw ko at laking salamat ko nang lumingon siya. Lumapit na ako sa kanya, Yung facial reaction niya, ang hirap basahin tapos yung lalakeng nakaakbay sa kanya kanina eh naka-smirk lang. Grabe nakakaasar siya!

-Nicsz-

"Bitch!" Oh sh*t! Yung boses na yun! Anong ginagawa niya rito? Tiningnan ko ang pinsan kong kanina pa nakangisi kaya habang malayo pa sa amin si Tyler tinanong ko na siya. "Is this your plan? Ang makaaway siya!?" Nakakatakot kasi kapag hindi nagpaawat yang si Tyler eh. Hindi pa naman niya kilala si Bryan. Baka isipin nun may iba ako. Hays, kapag talaga nagpaplano tong si Bryan laging dinadamay si S eh. "You should thank me for this cous." 

"Hays, bahala ka nga! Naghahanap ka talaga nang sakit nang katawan!" Sabi ko saka siya inirapan. Nako kapag talaga binugbog yan ni Ty— *Bogsh*

Sabi ko na nga ba eh! Hinila ako ni Tyler palapit sa kanya at ipinuwesto sa likod niya. "You can flirt any girl you like! I don't have a freaking care basta wag na wag mong subukang pakialaman ang pagmamay-ari ko." Sabi ko na nga ba eh! Away talaga toh!

"Pagmamay-ari mo? Bakit kasal na ba kayo? Hindi pa naman diba! Kaya she's not yours! Wag mo siyang angkinin!" Pagkasabi niya non nakatanggap na naman siya nang isang malakas na suntok.

 Kailangan ko nang makialam mahirap na baka lumala pa toh."Tyler ano ba! Tigilan mo na nga si Bry!"

"Sige, kampihan mo yang kalandian mo Nicsz!" Bakit pagkasabi niya nun biglang nang-init ang ulo ko!

New Generation of DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon