Chapter 50

22 0 0
                                    

Kqurt

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko. "So siya yung pumalit sa pwesto ko?" Pabalik nyang tanong sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. 

"Bat di mo muna sagutin yung tanong ko?" Aish, mga babae talaga oh 

"Well pinapunta ako dito nila tito at tita. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Hmmm, siguro namiss nila ko?" Hays sila mama talaga oh. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip nila. Like seriously? Makakasama ko yung ex ko this whole month? "  Ayaw mo ba nun? I'll get a chance to spend time with my bestfriend!" She said excitedly at niyakap ako. 

Inilayo ko siya sakin. "Whoa chill! Baka nakakalimutan mo na hindi pa tayo totally ayos" I said in a serious tone. Nawala yung mga ngiti niya. 

"Can you listen to my side kahit ngayon lang? Nahihirapan na kasi akong itanim sa sarili ko lahat ng gusto kong sabihin sayo." Bakas sa boses niya ang kalungkutan. "Okay" Yun lang ang nasabi ko at saka yumuko.

"3 years ago naaksidente ako. I was in coma for months. Hindi ko alam na sa States ako pinagamot nila mommy. Nagising na lang ako wala na ko sa Pilipinas. Actually ako yung nag request nito kila tito at tita para kahit papano magkaron tayo ng closure. Well, napansin ko rin kasi na unti unti nang nasisira yung SD. Alam mo naman na super fan niyo ko diba at ayokong mabuwag kayo. I'm really sorry. Sorry kasi nasaktan kita. Sorry." Mixed emotions. Sobrang halo halo yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga narinig ko o malulungkot dahil sa nangyare sa kanya. "I hope we can be friends again despite all that happened." Dagdag pa niya saka ngumiti muli. I smiled back and gave her a hug. 

Kinagabihan....

Nicsz

Sabay sabay kaming lahat na kumakain. Tahimik lang. Nakakapanibago talaga. Ngayon lang kami ulit nakumpleto pero bakit sa ganitong sitwasyon pa? Nakakalungkot. Parang ibang tao ang mga kasasma ko ngayon. Ang bigat sa pakiramdam and much worst, hindi ko alam ang gagawin para mabalik sa dati ang lahat.

"Good evening guys!" Lahat ng atensyon namin ay nabaling sa babaeng nasa unahan. Anong ginagawa niya dito? "I am Elara from Sido Academy. Siguro naman natatandaan niyo pa ako? Gusto ko lang ipaalam sa inyo na I will be joining your group for a month lang naman. Sso ayun enjoy your meals guys." At umupo na siya sa tabi ni Kqurt. 

Natapos na kaming lahat kumain. Tibay talaga nila mga di nagsalita. Ngayon naglalakad lakad lang kami ni Tyler sa dalampasigan habang magkahawak kamay. Ang lamig at ang tunog ng mga alon, ang sarap sa pandinig.

"Nakakarelax dito noh?" Biglang saad ni Tyler.

"Yah kaso ang lungkot lang." Tumigil kami sa paglalakad at pinaupo niya ako sa mga buhangin. Hinalikan niya lang ako sa noo. "I know tito Dom and Tita Bea has a plan. Magiging okay din ang lahat. Unang araw pa lang naman natin dito eh. Cheer up bitch. Smile ka na." Ngumiti na lang din ako. Hays sana nga maging okay na ang lahat. Ang bigat talaga sa pakiramdam eh.

"What are your plans for tomorrow?" Pag iiba niya ng topic.

"Hmmm, matulog." Sarkastikong saad ko.

"Baliw. Ang ganda ganda ng lugar tapos balak mo lang matulog? Nako nako di pwede yang ganyan."

"Duh? Kelangan ko magbawi ng tulog noh pinupuyat mo kaya ako ngayon eh."

"Osige balik na tayo dun. Ikaw na nga ang pinagbibigyan jan." 

Hinampas ko siya sa braso niya habang natatawa. "Wow, kumakapal na ata ang mukha natin ah. Sino kaya yung kumatok sa pinto ng kwarto para lang...." Natigilan ako kasi " HAHAHAHAHA hoy tama na HAHAHAHAHA!" Kiniliti ako ng loko. Napahiga tuloy ako sa buhangin.

"Punishment mo yan. Masyado ka kasing madaldal eh." Aish loko talaga tong boyfriend ko eh.

"Tignan mo tuloy nagkabuhangin yung damit ko." Sabi ko saka nag pout. Nakakainis kasi ang kati tuoy ng katawan ko.

"Hahahaha, ang cute talaga ng girlfriend ko oh." Nilabas niya yung phone niya saka ako pinicturan. "Tara na sa loob para makaligo ka." Sabi niya saka ako tinulungan tumayo. 

Kryszha

Ang hirap naman ng ganito oh. Kry ano na hindi na pwedeng maging kayo. Magpinsan kayo diba. Move on na. Hindi ko alam kung nakakailang bote na ko ng beer dito. Ilang araw na ba kong ganito? Bakit ang sakit sakit pa din? 

"Krys tara na sa kwarto gabing gabi na oh tama na yan." That's Ace. Kanina pa kami magkasama. Hays ewan ko ba dito. Sumama sakin dito di naman pala iinom. 

"Alam mo kung inaantok ka na. Umalis ka na. Iwan mo na ko dito. I can handle my freaking self."

"No. Hindi kita hahayaan dito mag isa noh. Tara na kasi Krys. Masama yang masyadong madaming alak sa katawan. Nandito tayo para mag enjoy hindi magmukmok na lang at magpakalunod sa alak."

"Bakit ka ba namamakelam? Buhay ko toh. I don't mind being alone. Iniwan na nga ko ni Zyc eh."

"Ayan Zyc na naman. Puro na lang Zyc. Krys kelan ka ba matatauhan. Hindi nga kayo pwede ng lalake na yun eh. Isipin mo naman yang sarili mo. Maawa ka sa sarili mo magkakasakit ka nyan eh."

"Bakit ba napakapakelamero mo? Sabing buhay ko toh eh hayaan mo na lang ako!"

Kaya ako ganito kasi I care for you Krys. I care kasi mahal kita! Nasasaktan ako everytime na nakikita kang ganyan. Masyado kang magmahal to the point na nakakalimutan mo nang mahalin yung sarili mo." Bumuhos na lamang ang luha ko ng niyakap niya ako. Ang sakit kasi talaga eh. Gustuhin ko man tumigil, hindi ko magawa eh. "Ssssh.... Everytime you feel alone, tawagin mo lang ako, dadating ako at dadamayan ka sa problema mo. Ilabas mo lang lahat ng sakit na yan. Iiyak mo lang. Nandito lang ako. At naramdaman kong mas humigpit pa ang yakap niya sakin at hinalikan niya ko sa noo.

Khian

"How was your stay there? Mababait ba sila sayo" My father asked me mula sa kabilang linya. Kavideocall ko ngayon ang papa ko habang nagawa ako ng online activities namin sa school.

"Ayos lang naman po. Mababait sila lalo na sila Tito Dom at Tita Bea. Actually nasa Batangas po kami ngayon para magbakasyon kaso ang dami naman pinapagawa nitong mga teacher ko." Close kami ni papa. Siya lang kasi yung kasama ko mula paglaki. My mom died after gving birth to me. Nakakalungkot man isipin pero yun yung nakatadhanang mangyare eh. Acceptance. Yun lang naman ang keklangan para mas madaling maka move forward sa masasamang nangyare sa buhay.

"Nakapag usap na kami nila Dom. Susunod ako jan kasabay nila. Make friends there okay!? Tama na rin muna yang ginagawa mo at matulog ka na okay?"

"Opo pa goodnight." And with that pinatay ko na yung call. Makatulog na nga lang maaga pa bukas eh.

Zyc

Pupunta sana ako sa mini bar nang makita kong magkayakap si Krys at Ace doon. Ganda naman ng timing oh. Hays. Nawalan tuloy ako ng gana. Ramdam na ramdam ko pa din yung sakit. Unti unti nagmomove forward ako. Wala naman na kasi talagang pag-asang maayos yung samin kasi magpinsan kami eh. "Bakit ba ang unfair ng buhay?" Napasabi ko na lang sabay at napabuntong hininga. 

++++++++++++++++++

To be continued...



New Generation of DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon