Chapter 34

29 2 0
                                    

"Hays ano ba yan. Ang t*ng* niyo naman." Sabi niya habang iiling iling pa. Aish kaya mahirap kapag kinukwento rito eh. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.

Flashback 11 years ago...

"*sob* Bakit ba kailangan *hik* niyang mamatay?" Tanong ko habang nakaub-ob. Si Brazce naman kinocomfort lang ako.

"Ssh tahan na sissy ano ka ba? Alam mo sabi ni mommy nung namatay ang alaga ko sabi niya ganun daw talaga ang buhay. Meron talagang mawawala sa atin habang buhay pero meron pa rin namang papalit. Kaya tahan na sissy. Papanget ka niyan eh." Sabi ni Brazce pero ayoko pa rin tumahan eh. Matagal ko na yun kasama eh. Mahal na mahal ko yun tapos mamamatay lang? Ayoko!

"Hey Bwace ano nangyawe? Bakit naiyak si Mon?"

"Bakit ba ang chismoso mo!" Sigaw ko saka ulit umiyak.

"Oh bakit sa akin ka nagalit? Tinatanong ko nga diba? Buti nga concewn pa ako eh!" Sabi niya saka tumabi kay Cedric. Hays, bakit ba napaka chismoso niya?

"Ano!? Dahil lang sa wabbit kaya siya naiyak? Halos mamatay na siya kakaiyak, dahil lang pala sa pesteng wabbit na yon! Hays ang babaw naman!" Sabi niya saka umalis. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Kasi naman eh. Kayo kaya! Yung favourite pet niyo namatay sigurado iiyak rin kayo!

"Mon tahan na. Malay mo diba pag-uwi mo meron ng kapalit yung rabbit mo." Sabi naman ni Ced pero hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak. Ayoko! Ayoko! Wala na si Bugs Bunny. Iniwan na niya ako. Hindi na siya babalik kasi patay na siya.

"Oh!" Sabi ni Jayvee saka ako inabutan ng isang, bunny?

"Ano toh? *hik*" Tanong ko.

"Wabbit! Kapalit ni Bugs Bunny. Kawawa ka naman eh. Wabbit lang iniiyakan mo pa. Wag ka na umiyak jan! Hindi bagay sayo." Sabi niya without looking at me. Ewan ko pero bigla akong natuwa. Ang cute kasi nung rabbit.

"Thank you Vee vee." Sabi ko saka ko siya niyakap.

"Aw nagsosolo yung dalawa. Pasali kami ni Ced!" Then nakisali na sila sa yakapan.

Enf of Flashback...

Sh*t naalala ko na naman. Hahahah. "Hoy Mon. Real talk nga. Ayoko ng talk sh*t ah. Kaya wag mo akong matawa-tawanan jan! Mahal mo pa ba!?" Seryosong tanong niya.

"Ew—"

My question is answerable by yes or no only. Mahal mo pa ba?"

"Oo"

"Mahal mo pa naman pala eh! Bakit mo papakawalan! Bakit mo hahayaang matapos lang sa inyo lahat ng ganun ganun lang?"

"Per—"

"That's bullsh*t you know? Kat*ng*han yan! Napaka childish niyo! Matatanda na kayo pero hindi niyo pa rin kayang ihandle ang isang relationship. Dahil lang sa simpleng rejection tapos na? T*ng* kayo! B*b* niyo!"

"Hindi lang naman yun yung dahilan eh."

"Mon wag ako please?" Then tears begun falling again. Ang sakit palang masampal ng katotohanan and much worst, lalake pa ang nagsabi nun sa akin.

Minutes passed by...

"Jayvee bakit kasi ganun? Relationship lang naman namin ang natapos pero nadamay pati yung pagkakaibigan niya at ng mga kaibigan niya?"

"Kasi mga totoong kaibigan sila. Ayaw nilang kunsintihin ang kat*ng*hang ginawa sayo nung Tyler na yon."

"Ako ang may kasalanan nito eh! Kung hindi lang sana—"

New Generation of DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon