Chapter 46 (Happy?.... Sana)

37 1 1
                                    

-Krysha-

Wala na akong magagawa. Paalis na kami ngayon at dun ako pinapunta ni mommy sa probinsya namin sa Bicol. Kila lola. Dun daw muna ako habang pinapalamig pa yung issue about samin ni Zyc. Hindi ko alam kung gano katagal. Hindi ko alam kung anong mangyayare sakin dun at di ko alam kung kaya kong mabuhay don. Hindi ko na sinabi kila Nicsz na ngayon ako aalis. Baka magka crying session pa mahirap na. Sana sa pag alis kong toh maging maayos na ang lahat. I'm going to miss them all lalo na siya....

-Nicsz-

Makalipas ang ilang araw...

May pasok na ulit kami ngayon. Foundation day nga eh hahaha. Busy kaming lahat sa sari-sarili naming booths. Masaya ako kasi bago mag foundation week is magaling na si Tyler at okay na kami. Masaya na sana kaso wala yung dalawang kaibigan ko dito. Si Brazce at si Krysha. Miss ko na nga agad sila eh. Lalo na si sissy. Matagal na kaming di nagkikita eh. Si Krys naman ayun di nagpaalam na aalis na pala siya. Kina tita pa namin nalaman. Kung tinatanong niyo kung anong nangyare kay Zyc, well parang medyo okay na naman siya. Di ko talaga sure kung okay siya eh kasi magaling magtago yang si Zyc. Actually ako na lang yung babae sa barkada namin. Eh kasi naman eh nang iwan na sila Brazce at Krysh kaya nakakatampo sila.

"Yah anong ginagawa mo?" Sigaw ko sa kanya. Bigla kasi akong hinatak eh. Di man lang ako sinabihan para aware ako. "Ang tawag sa ginagawa ko is minamahal ka Bitch." Sabi niya saka ngumiti.

"Aish wala akong time sa pakikipag lokohan Mr. BLYNN!" Sigaw ko ulit.

"Hindi kita niloloko Bitch. Loyal ako sayo." Humarap ulit siya sakin saka ngumiti. Hays, hindi talaga matino kausap tong Tyler na toh. Masyadong baliw eh. Nakilakad na din ako at nabangga ako sa kanya ng tumigil siya sa paglalakad.

"Bawal magpalista ng sariling pangalan Tyler." Rinig kong saad ng isang lalakeng kausap ni Tyler. "Bakit naman? Magbabayad naman ako ah!" Para siyang bata na nakikipag talo sa kalaro niya. Nilibot ko yung paningin ko at nagulat ako kasi nasa tapat kami ng Marriage Booth. What the hell? Hahaha anong trip ni Tyler?

"Bakit naman dun sa marriage booth dati hindi naman ganyan ang kalakaran ah!" Ayaw talagang magpatalo ng mokong na toh hahaha.

"Lahat ng bagay nagbabago wala kasing permanente dito sa mundo." Kalmadong saad nung kausap ni Tyler. Natatawa lang talaga ako sa kanila lalo na dito sa boyfriend kong baliw.

Sumuko na yata sa pakikipagtalo yung mokong kaya hinatak na niya ako ulit.... ay akala ko lang pala sumuko siya... "Ipalista mo nga kami dun sa Marriage Booth. Ito 100 iyo na sukli." Sabi niya dun sa bata mga grade 8 lang yata yun at aba sumunod naman siya hahahaha.

"Yan Bitch kasado na. Ikakasal na tayo mamaya." Sabi niya at ngiting ngiti naman ang loko. Hindi na ako nagulat nang may pumiring sa mata ko at ganun din naman si Tyler. Expected na eh. Punaghiwalay yung pagkakapit namin ni Tyler nung mga taong pumiring samin. At gaya nga ng sabi ko, expected na namin yun.

-Cedric-

Nakakagulat yung taong nag blind fold sakin from behind. I didn't expect tho. Hays, baka majejail booth pa ako neto dami kasing knowing dito eh may papiring effect pa ijejail booth naman. Nagpadala lang ako dun sa taong nagpiring sakin.

-Nicsz-

As expected, nandito ako sa loob ng marriage booth. Ang ganda nga eh kasi as in di talaga muna magkikita yung bride at groom kasi may walking down the isle effect pa mamaya tapos may pa semi gown pa. Well dress lang naman siya and may flower crown na white tapos may mini boquet of flowers pa.

Nang matapos na akong ayusan ay game na daw saka puno na din yung room kung saan kami ikakasal. Nagsimula nang magpatugtog ng love song na instrumental and that is the go signal para maglakad na. May flower girls pa nga eh and yung mga flower girls ay part ng commitee ng mga nasa marriage booth. Kahit hindi totoong kasal excited pa din ako kasi ang ganda ng atmosphere and it seems so real.

Nang malapit na ako ay nagulat ako sa nakita ko dun sa may altar. Napangiti na lang din ako. I didn't expect this.

Nang makalapit na ako nginitian ko lang siya habang siya naman ay gulat na gulat. "I really didn't know this Nicsz. Promise." Agad niyang saad.

"Alam ko Ced hahaha. Mali lang siguro ng nalista yung bata na binayaran ni Tyler kanina." Natatawa kong saad.

"Pwede kong hanapin si Tyler kung gusto mo." Sabi niya.

"Yaan mo na nandito na tayo eh. Ipalista mo na lang kami mamaya para makabawi ka." Sabi ko naman.

"Ehem, magsisimula na po ang kasal." Pag gitna ng tudent na pari. Natawa naman kami pareho. Nagsimula na yung kasal. Hmmm, nasan naman kaya yung Jerk ko?

-Tyler-

Pag tanggal ng piring sakin ay nagulat ako kasi hindi naman toh Marriage Booth eh! May rehas dito tapos ang init init.... wth nasa jail booth ako! Pero ngayon ang kasal ko!

"Oy pakawalan niyo ako dito! May kasal pa ako eh!" Sigaw ko. Lumapit naman sakin si Zyc. YES! May tyansa na makalaya na ako!

"Zyc pakawalan mo na ako dito kasal namin ni Nicsz ngayon." Sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sakin ng diretso at walang expression ang mukha. "Tch. Pake ko sa inyo? Pyansa muna kung gusto mong makalaya." Sabi niya. Hays parang di kaibigan eh.

"Magkano ba yung pyansa? Saka bat ba ako nakakulong dito?" Nagtataka din kasi ako eh wala naman akong ginawang masama. Naka complete uniform nga din ako eh -_-

"50 pesos plus community service for 1 hour. May nagreklamo kasi sayo na isang booth owner. Nakipag sagutan ka daw dun kaya nanjan ka ngayon. Anyways, alam ko babalakin mong ikaw na lang ang mag pyansa sa sarili mo. Binabalaan na kita Tyler bawal yun." Pag eexplain niya.

"What? Eh kung hindi pwede sarili ko, sino mag ppyansa sakin?" Hays grabe mga kalakaran ng mga booths ngayon ah.

"Dunno. Problema mo na yun. Sige na bye Tyler. Mang huhuli pa ako ng mga masasamang tao hahaha. Enjoy ka jan." Sarcastic niyang saad.

Aish, ang sama talaga ni Zyc parang di talaga kaibigan eh. Pero pano nga ba ako makakalabas dito? Pano yung kasal namin ng Bitch ko?

@@@@@@@@@@

a/n

Hello there guysssss sorry natagalan~ ito na po yung pambawi kooooo :D try ko ulit mag update bukas =">

New Generation of DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon