Chapter 26

58 3 0
                                    

-Nicsz-

Alam niyo yung feeling na asar na asar ka imbis na matuwa dahil nag effort ang boyfriend mo? Pero the hell lang talaga. Hindi ko siya inaano tapos babangayan niya lang ako? The f*ck. Nakakaasar na talaga siya!

"Yow pinsan! Nagka-boyfriend lang nale-late na sa usapan!" Bungad sa akin ni Bryan. Yung pinsan kong nagbabakla baklaan kapag kaharap ko siya. Pero sa ngayon hindi ko trip kausapin siya. Badtrip ako at sana mahalata niya naman yon.

"Grabe pinsan ha! Nilampasan mo lang ang gwapo mong pinsan! Tampo na ako niyan. "

"WALA AKONG PAKE! PWEDE BA LAYUAN MO MUNA AKO! GUSTO KONG MAPAG-ISA!" Sigaw ko dahilan para matahimik siya. Dire-diretso lang ako papunta sa kwarto ko at nilock yon. Tiningnan ko ang phone ko at may 54 missed calls na galing sa kanya. Siya unang magagalit tapos ngayon tatawag-tawag siya? Lakas rin naman talaga ng sapak ng isang toh!

Nag ring muli ang phone ko but I didn't bother to answer the phone call. After niya akong awayin eto siya nangungulit ngayon?

Nang medyo nainis na ako eh sinagot ko na ang tawag. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya.

[Bitch sorry. Hindi ko naman intension na awayin ka eh. Sorry na! Magsalita ka naman oh. Sorry na nga kasi. Bati na tayo. Miss na kita. Sobra.]

"K..."

[Hays, galit ka pa rin eh. Sorry na nga kasi.]

"K..."

[Puro K na lang ba ang sasabihin mo jan? Sorry na nga. Accept my apology, please.]

"K fine Bye..."

Tino ko kausap diba? Well siya ang nauna eh. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

-Bryan-

Hays, ano kaya ang nangyari dun sa pinsan ko? Aish, kapag nalaman kong dahil yun sa pesteng boyfriend niya nako! Bubugbugin ko talaga yon!

"Hoy Bry bakit ganun yung pinsan mo? Lakas pa nang tama nun kanina ah. Anyare?" Aish, chismosa talaga tong bestfriend ko! Kaya naman mahal na mahal ko siya eh! Hahahah!

"Malay ko. Baka may dalaw. Hahaha-"Hindi ko na natuloy ang pagtawa ko kasi... "Aray naman Nie! Gusto mob a ng away ha!?" Bigla na lang kasing nambabatok eh.

"Bastos kasi ng bunganga mo Yan!" Aish, bastos? Eh siya nga tong pumasok na sa puso ko eh. Hahahah. Connection nang sinabi ko? Hahahah, may sapak na ata ako!

Back to serious mode ulit. "Pero sa tingin mo Yan, dahil kaya yun sa boyfriend niya?"

"Ewan, pwedeng oo pwedeng hindi. Hays ewan ko ba jan! Pero baka naman nagtatampo yun dahil sa kotse niya. Hindi ko pa rin kasi nasosoli eh. Hahahah."

"Try mo kayang mag-seryoso Yan." Sabi niya saka ako inirapan.

"Seryoso naman ako Nie eh! Seryosong seryoso ako sayo," Sana ma-gets mo na Nie! Please!!!

"Aish, may sapak ka talagang Yan ka! Pero Yan nakita mo na ba yung boyfriend ni Nicsz?" Wag mong sabihing interesado siya roon?

"Nah. Wala akong pake sa kanya. Inagaw niya sa akin si pinsan tapos ikaw aagawin na rin niya sa akin. Galit ako sa kanya!"

"Grabe Yan! Paranoid lungs? Naka-inom ka ba ng gamot mo?"

"Gamot? Para saan?"

"Slow mo talaga Yan!"

New Generation of DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon