Chapter 39

35 3 1
                                    

Nandito na ako sa hospital. Hays, buti na lang talaga malapit lang yung hospital. Papasok na sana ako kaso biglang...

"Ma'am tapos na po ang visitation hour." Pigil sa akin ng guard.

"Sino bang may sabing bibisita ako? Porke pumunta sa hospital may bibisitahin na agad! May sakit ako oh *fake na ubo* see. I need to see a doctor." Palusot ko. Wahhh sana gumana!

"Ma'am wala pong check up ngayon. Balik na lang po kayo bukas. Sorry po talaga." At aba sinusubukan ang pasensya ko ah!

"Kuya sige na po *hinahapo* hindi ko na po talaga... *biglang himatay*" At buti na lang nasalo ako ni kuya guard. Hahahahah, kung kanina action star ako ngayon pwede na akong artista! Hahahah.

Lupaypay lang ako. Hay buti na lang hindi ako mabigat. Hahahaha. Ramdam ko namang hindi nahihirapan yung guard sa pagbuhat sa akin eh.

Agad niya akong nilapag sa hospital bed. Paano ko nalaman? Malamang ramdam ko. Tinanong ng nurse kung ano ang nangyari at dali dali namang nag explain yung guard.

Nung pinaalis na yung guard bigla akong tumayo dahilan para magulat ang nurse. Wahhh katakot may injection na siyang hawak.

"Ma'am are you alright?" gulantang na tanong ng nurse.

"Nako ate I'm perfectly fine." I said proudly.

"Sure po kayo pero diba nahi—" -nurse

"Nako ate joke lang yon. Hahahah, effective ba?" -ako

"Nako ma'am lagot po kayo sa guard kapag nalaman niyang niloko niyo lang siya." -nurse

"Ano ka ba naman ate, para namang matatakot ako kay kuya guard. Hahahah" -ako

"Matatakot ka talaga!" Sabi nung guard saka ako kinaladkad palabas. Naman eh!

"Ate bat di niyo sinabing nandito yung guard!? I hate you!" Sigaw ko.

"Galing mo umarte ma'am at dahil jan mas lalong hindi kayo makakapasok sa loob." Sabi nung guard.

"Bakit ba kasi ayaw mo akong papasukin!?" Aish napipikon na talaga ako!

"Kasi po tapos na po ang visitation hour. Pwede pa naman bukas eh." Paliwanag nung guard.

"Aish!" Saka ako lumayo.

Message to: 0908********

Hey, sunduin mo naman ako dito oh! Ayaw akong papasukin eh! Naaasar na ako!

After kong i-send yon mga ilang minuto lang ay dumating na si Ace. Aish akala ko si Tyler ang susundo sa akin. Napaka paasa talaga nun!

Kinausap ni Ace yung guard at after niyang kausapin ay lumapit na siya sa akin. "Sorry Nicsz ah." He said.

"No okay lang ano ka ba!" And pumasok na kami. Nung dumaan kami sa harap ng guard ay inasar ko siya. Nilabas ko ang dila ko saka nag belat sa kanya. Hahahah I win pa rin. Hahahah. Jusme ang hirap ng buhay ngayon!

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

Nandito na kami sa labas ng kwarto kung nasaan si Tyler. Hmm, I wonder kung sino ang kasama niya.

"Nicsz, bago ka pumasok gusto ko lang ipaalam sayo na, Tyler has an amnesia. Selected amnesia to be exact. Mga memories lang nung kami'y elementary lang ang naaalala niya. Lahat ng memories beyond that year blanko. Kaya itatanong ko sayo, gusto mo pa bang makita siya even though he didn't remember you and your past relationship?"

"Diba katext ko siya kanina?" I said totoo naman diba?

"Ako yon." Sabi niya saka nilabas ang phone ni Tyler. Hala naman! Bakit ganun!? Pero..."Yes, I'm still gonna meet him. Nangako siya eh. Magka amnesia man siya ako pa rin ang laman ng puso't isipan niya kaya panghahawakan ko yon." I said saka ngumiti.

Pumasok na kami sa loob. "Oh sino naman yang dala mo?" Mayabang na tanong ni Tyler.

"Ako toh. Si Nicsz. Girlfriend mo. I mean ex girlfriend pala." Aish.

"Naging girlfriend kita!? Hahahah seriously!? Pumatol ako sayo? Hahahahah galing mo naman magbiro! Sh*t natawa ako!" Aba ang lokong toh gusto ata akong pikunin! Sh*t!

"Aish naman! Ace kasi eh! Bakit mo pa ako pinapunta dito!? Lakas manlait ng baliw na toh eh! Kaasar lang!" Pagmamaktol ko. Aish buti na lang kami lang ang tao rito!

"Ikaw nga tong hindi ko kilala jan eh! Wag ka ngang mag feeling na mahal kita. Hindi naman kasi ako bulag para umibig sayo. Hahahah." Nako kung hindi ko lang mahal tong lalakeng toh kanina pa toh bumengga sa akin!

"Grr. Lakas mo manlait bakit perpekto ka ba ha!? Perpekto ka!?"

"May sinabi ba ako!? Baliw ka talaga! Hahahah."

"Tawa pa! Akala mo ba nakakatawa!? You know nothing! Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ko para lang makapunta rito! At ikaw Ace! Lakas tama ka rin eh noh!? Lakas mo mantrip grabe! Magsama nga kayo jan!" At lumabas na ako. Kasi naman eh! Pinipigilan kong wag mapikon pero hindi ko na kaya eh!

Lumalakad na ako. I want to leave this place! Ang dami ko pa namang pinag gagagawang kabaliwan tapos pag dating ko rito hindi niya ako maalala!? Sh*t naman oh! Pero natigilan naman ako ng bigla akong may makabangga. Inalok niya ako ng tulong and I didn't refuse it naman. At laking gulat ko kasi...

"Oh hija it's nice to see you here. Alam mo bang nandito rin si Tyler!" Tito said.

"Ahm yes po tito. Actually—"

"That's great!" At hinila na niya ako papunta doon sa room ni Tyler. "Alam mo bang hinahanap ka ng Tyler na yon pagkagising na pagkagising niya!?" What the f*ck?

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

-Tyler-

Aish kaasar talaga tong Ace na toh! May pa plano plano pang amnesia na nalalaman! Kaasar! Ka-g*g* talaga!

"Ang ganda ng plano mo eh noh!? Sipain kita jan eh!" I said. Kaasar naman kasi talaga eh! Dami pa kasing alam eh! Nandito na nga si Nicsz eh!

"Chill bro tignan mo toh bilis! Pampa goodvibes!" Sabi niya saka inabot sa akin ang phone ko. Tinignan ko iyon at laking gulat ko kasi may laman na yung inbox ko kaya binasa ko iyon at natuwa naman ako sa nabasa ko.

Is this really real!? Wahhhhhh she want us back! Sh*t sh*t sh*t! I can't believe this! "Oh see! Hahaha pampa goodvibes talaga yan bro! She still love you! At dahil jan libre mo ako! Hahahah!" Ace said.

"Kapal naman ng mukha mo! Uy! Wag mong kalimutang nainis si Nicsz sa plano mo! Lakas nang loob mo eh noh!? Mahiya hiya ka naman!" I said saka siya sinapak.

"Aish, napaka talaga! Ako na nga ang gumawa ng paraan para sa kanilang dalawa ako pa ang masama? Niligtas ko na nga sa mga g*g* masama pa ako!? What the f*ck grabe! Walang utang na loob!" Grabe nagparinig pa ang loko. Parang bakla eh! Hahahah!

"Psh, oo na! Libre na kita! Pero you need to make a move para bumalik kami sa dati." I said with a smile.

"Yun lang pala eh! Pero kailangan may kasama nang chika babes!" Aish. Hirit pa eh!

"Fine! Kung yan lang ang ikasasaya mo eh!" That's all I need to do para mapatahimik siya. Hahahaha. See simple mutualism takes place! Hahahah!

*Knock* *knock*

"Come in!" I said. Bumukas na ang pinto at nakita ko si daddy, kasama siya. I froze. Sh*t! Eto na naman! Aish!

"Hey tito tara na po sa labas. Malamig po ang simoy nang hangin ngayon! Lubusin na po natin! Sayang libre lang po yon!" Sabi ni Ace kaya sumama na lang si daddy.

Naiwan kami rito. Wahhhhhhhh anong gagawin ko!? Anong sasabihin ko!? Hell! I don't know what to do!

@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

To be continued...

'&?

New Generation of DragonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon