Napaupo ako sa kama dahil sa nabasa ko. Napakurap kurap ako at paulit ulit kong binasa ang nakita ko. Sunod sunod ang pagtunog ng notification ko dahil sa headlines.
W-what the h3ll?
Kumalabog ang dibdib ko at halos habulin ko ang hininga dahil sa kaba. Hindi ako mapakali dahilan para dali dali akong lumabas ng kwarto upang puntahan si Kairus. Kakatak na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at tumambad sa akin si Kairus na balisang balisa rin.
"K-kairus?.." nanghihina kong sabe.
Napatingin sa akin si Kairus bago ako hinila at niyakap. Paano nangyare ito? sh1t, ito na nga ba ang sinasabe ko. Sana pala inisip ko muna ang magiging resulta bago ako sumama kay kairus sa concert. Sana pala naisip ko muna na meron pala kaming issue noon. Bakit kase hindi pumasok sa isip ko hindi pa pala ako nakalimutan ng mga tao.
Napatingin kaagad ako sa news na tungkol sa amin, binaba ko ito upang makita ko ang picture. Ito yong nasa backstage kami na hawak ni Kairus ang kamay ko upang pigilan ako sa pag ayos. Ang pangalawang picture naman ay nasa condominium kam habang hawak rin ni kairus ang kamay ko at ang pangatlo naman ay yong pumasok ako sa kotse ni kairus nong pauwi na kami.
Napapikit ako ng mariin!
Sinubukan ko sanang pindutin ang mga comments pero kaagad kinuha ni kairus ang phone ko at hindi niya ako hinayaan. Nangingilid ang luha. This is the reason, why I hate showbiz. Ito rin ang dahilan kong bakit gusto ko maging lowkey lang upang iwas issue.
"Don't.." umiling sa akin si kairus bago pinatay ang phone ko. Napalaro ako sa mga palad ko habang nakatingin ako kay kairus na abala sa phone. Meron itong tinatawagan pero mukhang matagal sumagot.
Hindi ako mapakali!
"W-where's Apollo?.." kabang tanong ko. Bumaling sa akin si Kairus at lumapit sa akin.
"Kinuha nina mama dito upang kumain sa labas." what? tiningnan ko si kairus na may halong kaba. Kasalanan ko ito eh. Kasalanan ko.
"Hey don't worry, let me handle this okay? dito kalang sa bahay at wag kang lalabas. Aayusin ko ito.." mahinahong sabe ni Kairus bago ako muling niyakap. Napapikit ako. Yong plano kong gusto kong protektahan ang sarili ko at anak ko sa mga tao ay mukhang hindi nangyare.
Hindi ko alam kong anong dapat kong maramdaman. Naramdaman ko ang paghalik ni kairus sa noo bago tumunog ang kaniyang selpon at nakita ko doon ang pangalan ni direk. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba at halos kapusin ako ng hininga. Sinubukan kong kumalma pero hindi ko magawa. Ang hirap kumalma kapag nasa ganitong sitwasyon ka.
Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sintedo. Bumuga ako ng isang malakas na buntong hininga. Sabay kaming napatingin kay kairus sa hagdan ng makita namin doon si ana na hinihingal.
"A-ate, nasa news ka po."
Napasinghap ako!
Kaagad akong bumaba sa hagdan at naramdaman ko naman kaagad ang pagsunod ni Kairus. Humarap kaagad ako sa tv at tumambad sa akin si Amara na naglalakad na mukhang hinarangan ng mga reporters. Nakayuko si Amara habang pinoprotektahan naman siya ng kaniyang P.A o make up artist.
Natigilan ako!
"Totoo bang niluluko kayo ng boyfriend niyong si Kairus?." tanong ng isang reporter pero hindi sumagot si Amara dahil nakayuko lang ito. Narinig ko ang excuse kaagad ng P.A niya na mukhanh pinapaalis ang mga repoter.
Narinig ko kaagad ang malutong na mura ni Kairus na nasa likod ko pero hindi ko ito nilingon dahil nakatutuk lang ako sa tv. Live ngayon ang news at kakakuha lang nito. Hindi ako makagalaw kahit na ramdam ko si kairus na nasa likod ko habang may tinatawagan.
"Anong masasabe mo nong niluko ka ulit ng boyfriend mo?.." Tanong ulit ng isang reporter pero this time lalake na.
"Excuse us, excuse us please." rinig kong pagsusumamo sa boses ng P.A ni amara. Nakita ko kaagad ang pagdating ng bouncer at guard na mukhang pinigilan na ang mga reporter. Nanghina ako at halos mapa upo dahil sa panlalambot ng tuhod ko.
Napayuko ako at napahilamos sa mukha. Bumaling ako kau kairus na meron ng katawaga sa phone na mukhang nag uusap sila ng seryoso. Napabaling naman ako kay josh na nakatingin sa phone. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ko alam kong paano pa ito maayos.
Kaagad pinatay ni josh ang tv ng tungkol na naman sa amin ni Kairus ang balita. Naramdaman ko kaagad ang haplos ni josh sa likod ko. Nasa kay kairus ang tingin namin na abala sa phone.
"Kairus? si Apollo?.." nanghihina kong sabe. Gusto kong andito lang anak ko at mas lalong nadagdagan ang kaba ko ng kasama ito ng magulang ni Kairus sa labas upang kumain. Tumango si Kairus bago muling merong tinawagan. Muli akong napayuko at hindi mapakali. Gusto kong kunin ang selpon ko kay kairus pero hawak niya ito.
Suminghap ako!
Walang tigil ang kalabog sa dibdib ko na parang hinahabul ng aso. Pakiramdam ko kapusin ako ng hininga. Tumayo ako upang lapitan si Kairus pero hindi pa ako tuluyang nakalapit ng biglang tumunog ang telepono dito sa bahay.
Nagkatinginan kami ni josh bago kay kairus na natigil din at napatingin sa akin. Bumuntong hininga ako bago ako lumapit doon sa telepono upang sagutin ito. Mas dumoble ang kaba sa dibdib ko. Pumikit ako ng mariin bago ko kinuha ang phone.
"Hello?.." boses ng babae ang tumambad sa akin. Hindi pamiliar ang boses sa akin dahilan para kumunot ang noo ko.
"Yes?.who's this?." kalmado kong tanong kahit na naghuhumenrado na ang puso ko na halos hindi na ako makahinga ng maayos. Narinig ko ang buntong hininga ng babae sa kabilang linya dahilan mas lalong kumunot ang noo ko.
"I'm jude, I'm a nurse here at no name hospital, are you the parents of the boy Apollo Kaious?.."
Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ko ang buong pangalan ng anak ko. Napatayo ako ng maayos. Hospital? nurse? Napalingon kaagad ako kay kairus na nakatingin din pala sa akin. Mas lalong naging malakas ang kabog ng dibdib ko. Nangingilid na ang luha ko. Bakit hospital? Diba dapat kasama ng anak ko ang magulang ni Kairus pero bakit nurse at hospital.
"y-yes..i'm apollo's kaious mother, w-why? something happen?.."
Kinakabahan kong tanong. Hinigpitan ko ang hawak sa telepono upang doon kumuha ng lakas. Hindi ko maintindihan ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan kong bakit nakaramdam ako ng matinding takot kahit wala namang nangyare diba.
"You need to come here to the hospital, your son was hit by a car."
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )
Randombook two of I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND