EPILOGUE

692 10 3
                                    


STILL KAIRUS POV.

"Invited ako sa kasal?."

Rinig kong sabe ni Amara kay stella nong nakatayo na ako sa tabe ni stella, habang kaharap ko naman si Amara na malaki ang ngiti sa mga labe.

Lumingon sa akin si Stella na ipinagkibit balikat ko dahil wala naman akong pakealam kong sinong imbetado basta ang importante maikasal kaming dalawa.

"Oo naman.." malambing ang boses ni stella nong sinagot nito si Amara. Ngumiti kaagad si Amara sa sinabe ni Stella. Kabaliktaran ang nangyare sa amin. Kong noon si stella ang iimbitahin namin dahil sa plano kong kasal tapos ngayon si Amara na. Kong noon si Amara ang kasama ko at ngayon naman si stella na.

"Mauna na kami."

Pagpapalam ni Stella kay amara na tumango lang ako at sinundan kami ng tingin. Marami kaagad nakatingin sa amin lalong lalo na kay stella pero wala akong pakealam. Hindi na ako actor kaya hanggang tingin nalang sila. Kaagad kong hinawakan ang kamay ni stella habang palapit kami sa sasakyan.

Pinagbuksan ko siya ng pintu bago ako dumiretso sa driver seat at kaagad pina andar. Hinawakan ko ulit ang kamay ni stella habang nagmamaneho ako. Hindi matanggal ang ngiti sa mga labe ko. Kakaiba talaga ang pakiramdam kapag si stella na ang kasama.

"Feeling better?.." Tumango sa akin na nakangiti si stella sa tanong ko bago ito humarap sa akin.

Hindi ko masasabing maayos na silang magkaibigan dahil pakiramdam ko nagkakailangan parin sila. Habang ako naman ay pinatawad ko na si amara dahil sa ginawa nito sa anak ko. Tumango ako bago ako nagpatuloy sa pagmamaneho. Papunta kaagad kami sa Alvarez village para puntahan ang mansyon na pinagawa ko, tatlong taon ang nakalipas.

Ilang minuto ang byahe namin bago namin ito narating. Kaagad kaming sinalubong ng anak namin na tumakbo kaagad nong nakita kami. Sinalubong ko ito  at dinala kaagad sa bisig ko. Pinuno ko kaagad ng halik ang buo niyang mukha bago kami sabay sabay na pumasok.

Tumambad kaagad sa amin ang mga tao na nag ririnovate ng bahay. Nirinovate kase ito dahil iyon ang gusto ni stella kase ang pangit daw ng design. Nakalimutan kong isa palang architecture ang fiancee ko. Pansamantalang nasa condo unit ko kami nag stay, nakakahiya na sa mga Montero.

Isang buwan bago ang kasal namin ni stella. Kailangan muna namin itong tupusin e rinovate ang bahay na ito bago kami ikasal. Nilapag ko kaagad si Apollo sa soffa at binigyan ng pagkain saka ko pinapanood si stella na nag hahawak na naman ng ipad dahil mag tatrabaho na naman. Hindi ata napapagod ang babaeng ito.

Kaagad akong lumapit dito saka ko siya niyakap mula sa likuran. Siniksik ko ang aking ulo sa kaniyang leeg at pinatakan ito ng halik. Tinagilid ni stella ang kaniyang ulo upang bigyan ako ng espayo. Pinagpahinga ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Pahinga ka muna.." I whispered pero umiling lang ito.

"Hindi pa naman ako pagod.." malambing ang boses nito at nag utos na naman ito sa tauhan kong anong design ang gusto niya. Bumaba kaagad ang aking mata sa kaniyang kamay na kong saan nakita ko doon ang singsing na bigay ko sa kaniya. Sumisidlak ang diamond doon kaya makuha mo talaga ang atensyon kapag titingnan mo ito.

Kinuha ko ang kamay niyang may soot na singsing at hinahaplos ito. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Hindi na ako makapaghintay na matali ang babaeng ito sa akin. Hindi na ako makapaghintay na makasama si stella habang buhay. Hindi na ako makapaghintay na maging Mrs. Alvarez si stella.

"iloveyou.." bulong ko.

Narinig ko ang halakhak ni Stella bago ito lumingon sa akin. Pati ata halakhak ito binabaliw ako. Humarap na ito sa akin pagkatapos nilapag ang ipad sa mesa na malapit lang sa amin. Hinaplos niya ang aking pisngi saka niya ako pinatakan ng halik.

"iloveyoumore.."  napapikit ako sa sigaw niya. Parang isang musika sa pandinig ko. Napangiti ako.

"Isa pa.." utos ko.

Gusto kong marinig. Gusto ko pang marinig. Masarap sa pakiramdam eh. Gustong gusto ko pang marinig.

"Iloveyou.." ulit nito.

Nangingilid ang luha ko sa sobrang saya. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko.

"Last na.." halakhak kong utos. Ngumuso si stella at ginamit ko ang pagkakataon na iyon para halikan siya.

"Iloveyou.." d*mn, wala na. hulog na hulog na ako at hindi ko alam kong makaahon pa ako at alam ko sa sarili kong wala akong balak umahon.

"How about me?."

Nabigla lang kami ni stella at sabay sabay na dumungaw sa paanan namin at tumambad sa amin ang anak naming ang dungis dungis na, mukhang kakatapos lang kumain. Nagkatinginan kami ni stella saka tumawa.

Yumuko si stella bago kinuha si apollo at dinala sa bisig nito. Hinalikan niya ang anak ko sa pisngi ng paulit ulit.

"Sempre mas love ka ni mommy baby.." rinig kong sabe ni stella na ikinasimangot ko. Narinig ko ang bungisngis ni apollo at pag iloveyoutoo nito sa ina. Gusto ko sanang sumimangot pero mas nangingibabaw ang ngiti sa labe ko.

Lumapit ako sa kanilang dalawa at niyakap ng mahigpit. Being with stella and apollo, is like a home. No, tahanan ko talaga. Mahal na mahal ko ang dalawang ito na kaya kong e give up ang lahat para sa kanila. Hinalikan ko ang kanilang mga noo bago muling niyakap.

I'm home! Sa wakas nakauwi din!

The End......

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now