Nakangiti ako habang nakatingin sa vedio. Hindi ko maalis ang mata ko doon. Ang pangatlong vedio na pinakita ay yong nagkasakit si Apollo tapos ang pang apat naman ay yong unang beses itong tumawa saka naglakad ng paika ika. Ang pang lima naman ay yong unang beses siyang nagsalita.
"Da...da.."
Rinig na rinig namin ang cute ng boses ng anak ko. Naalala ko noon na ako ang kumuha nito. Nagsasalita ito ng dada habang hinahaplos ang mukha ni Kairus sa TV. Narinig ko ang pa ang boses ko saka ko nabitawan ang camera at ang panghuling vedio naman ay yong mga birthday na niya. Bawat vedio na nag play ay pinapaliwanag ko.
Napangisi ako!
Kaagad kong kinuha ang camera sa kamay ni Kairus na hindi parin gumagalaw. Tiningnan ko ang huling kuha ko ng vedio at ito yong nasa paris kami habang pinagdiwang ang kaarawan ng anak ko.
"Malapit na pala birthday ni Apollo." Wala sa sariling sabe ko ng maalala ko ang kaarawan ng anak ko na alam kong paparating na. Nilapag ko kaagad ang camera sa mesang nasa harapan namin. Kumunot lang aking noo na kanina pa ako dito nagsasalita pero hindi naman sumasagot si Kairus.
Napalingon ako kay Kairus ng hindi ito nagsasalita na parang na estatuwa lang ito. Binaba ko ang ulo upang masilip ko si Kairus at ganun nalang ang gulat ko ng makita ko ang luha niyang tuloy tuloy ang pagbagsak. Napasinghap ako bago ako lumuhod sa harapan niya.
"Kairus?.." tawag ko sa kaniya.
Nagulat ako!
Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa kaniyang mukha. Napamaang ako at halos hindi ko ma proseso sa utak ko na umiiyak si Kairus. Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam na naramdaman ko ngayon.
"I...i'm s-sorry.." nabasag ang boses ni Kairus saka siya umiling iling. "I'm sorry, I'm so sorry.." sinasabe niya habang nag uunahang pumatak ang kaniyang luha. Napakagat ako sa labe.
Napailing ako!
"Kairus? h-hey?.." hinawakan ko ang kaniyang pisngi saka ko pinunasan ang kaniyang luha. Umiling si Kairus sa bago niya iniwas ang kaniyang paningin sa akin. Sinusundan ko ang mga galaw niya at sinubukan kong palisin ang luha sa kaniyang pisngi pero hinawakan niya lang ang kamay ko ng mahigpit.
"I'm sorry.." halos pabulong niyang sabe.
Bumuntong hininga ako!
"M-matagal na iyon.." tanging nasabe ko. Andito naman siya ngayon ah, sa harapan ko. Kahit hindi niya sabihin ang salitang iloveyou,naramdaman ko naman na mahal niya ako. Hindi naman ako manhid lalo nat napatunayan ko yon nong ginawa niya sa presscon.
Kinagat ko ang pang ibabang labe ko saka ko hinawakan rin ang kamay ni Kairus. Ngumiti ako sa kaniya para iparating sa kaniya na maayos lang naman ang lahat. Andito naman siya ngayon eh, hindi pa huli ang lahat dahil pwede pa siyang bumawi kay Apollo. Kahit wala siya sa tabe namin noon atleast nakita niya yong mga vedio na kinuha ko.
"No.." umiling si Kairus!
Natigilan ako sa kaniyang sinabe. Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kaniya. Sinusundan ko ng tingin ang kaniyang luha na dumadaloy sa kaniyang pisngi at nahulog na lamang ito sa kaniyang damit.
"Masakit stella, sobra akong nagsisi, halos hindi ko ma imagine yong dalawa kayo ni apollo na wala ako. Ang dami kong pinagsisihan at isa na yon ang hinayaan kang umalis, ang sinaktan ka ng paulit ulit, ang balewalain ka, ang paiyakin ka, tangin*, wala man lang ako sa tabe mo nong pinanganak mo si Apollo, nong naglihi ka, nong mga kaarawan ni Apollo, nong nagkasakit si apollo, nong una siyang marunong maglakad, i'm so sorry..patawarin mo ako.."
Mabilis namuo ang luha sa mata ko habang pinapakinggan ko siya. Mas lalong humigpit ang hawak sa akin ni Kairus. Natigilan ako at hindi na makagalaw. Nanatili parin akong nakaluhod sa harapan niya upang magpantay ang aming titig dahil siya ay nakaupo.
Suminghot si Kairus!
"Patawarin mo ako sa lahat lahat, sa pananakit ko sayo, sa mga pagkukulang ko sayo, sa pagbabalewala sayo, sa mga araw na nasaktan at napaiyak kita. Patawarin mo ako sa mga araw na nagsinungaling ako sayo, sa mga araw na hindi ko pagtupad ng mga pangako ko. Patawarin mo ako sa mga panahon na wala akong sa tabe mo nong kailangan mo ako, forgive me sa mga panahon na wala ako sa tabe niyo ni Apollo, i'm so sorry.."
Suminghot ako. Kumurap ako ng mabilis bumagsak ang isang butil kong luha. Napasinghap ako saka ito na naman ang puso kong ang sikip sikip..Gusto kong putulin ang sinasabe ni Kairus pero pinigilan ako ang aking sarili.
Kitang kita ko ang pagsisisi sa kaniyang mukha at mata. Mababakas talaga ang sakit sa kaniyang magagandang mata.
"Sana pala, sana pala mas binigyan kita ng pansin noon, sana pala sayo nalang ako nag focus, tangin*, ang dami kong pagkukulang." malutong na mura ni Kairus bago yumuko. Taas baba ang kaniyang balikat dahil sa kaniyang pag iyak.
I gasp!
Hinawakan ko kaagad ang magkabilang pisngi ni Kairus bago hinarap sa akin. Ramdam ko yong pagsisi niya at sakit na bumabalot sa kaniyang pagkatao ngayon. Ngumiti ako saka ko pinahid ang kaniyang luha.
"Hindi pa naman huli ang lahat, pwede ka pang bumawi sa amin.." nakangiti kong sabe.
Natulala ng ilang saglit si Kairus sa akin bago napailing. Ngumiti ako sa kaniya para ipakita sa kaniyang maayos naman ang lahat. Hindi pa naman talaga huli ang lahat, maari pa siyang bumawi sa amin ni Apollo. Marami pang araw na dumating kaya may pagkakataon pa siyang bumawi. Like what I said, hindi pa huli ang lahat.
"Im sorry." humingi ulit siya ng tawad.
Ngumuso ako!
"Tama na, pwede kapang bumawi, kong gusto mo, simula bukas, magsimula kanang bumawi." nakangiting dagdag ko pa. Hinaplos ni Kairus ang pisngi ko saka niya pinagtagpo ang aming mga noo. Narinig ko kaagad ang kaniyang marahang singhap.
"Im so sorry." hindi ata magsasawang hihingi ng tawad ang lalaking ito. Hindi na ako nagsalita at hinayaan nalang siya. Pumikit ako saka dinamdam ang pagkalapit namin masyado ni Kairus. Hinaplos niya ang aking pisngi at sunod kong naramdaman ang paghagkan niya sa aking noo.
Ngumiti ako!
"Your forgiven.." I whispered
Para matapos na. Totoo namang pinatawad ko siya saka wala naman siyang kasalanan ah. Nagmahal lang din si Kairus at ganun din ako. Pareho kaming biktima ng pagmamahal. Tulad ng sabe ko, wala siyang kasalanan. Hindi ako galit sa kaniya kase I know from the start naman, ako ang may gusto.
Ngumiti ako!
"Sorry.." I tssked
"Hindi kaba nagsasawang humingi ng tawad?." tanong ko. Napatingin sa akin si Kairus at bumuntong hininga. Umiling siya na ikinatawa ko.
"Ang cute mo palang umiiyak." hagikgik kong bulong bago ako tumawa. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti tuwing naalala kong hindi lang ito ang unang beses niyang umiyak. Iyakin talaga ang lalaking ito. Ngumiwi si Kairus sa akin bago umiwas ng tingin saka niya pinunasan ang kaniyang luha.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )
Randombook two of I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND