Kumunot ang noo ko ng mabasa ko ang message ni Kairus na pabalik na ito. Kakaalis lang nito tapos babalik agad. Ilang minuto akong natulala sa phone ko bago ako nag angat ng tingin ng biglang bumukas ang pinatuan at pumasok doon ang hinihingal na si kairus.
Napatayo ako sa gulat. Naka kunot noo ko itong tiningnan habang palapit ito ng palapit sa akin. Sinalubong ko ito ng nagtatanong.
"What happen?.." tanong ko kaagad.
Hinihingal ito. Taas baba ang kaniyang balikat dahil sa matinding paghinga. Tinanggal kaagad ni kairus ang kaniyang itim na mask at sumbrero. Sumandal si Kairus sa dingding habang nasa akin ang mata.
"Let's go home?."
Ano?
Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Mas gusto kong umuwi kasama ka sa anak natin kaysa ang magpunta sa concert."
Nalaglag ang panga ko sa sinabe niya. Hindi ako nakapagsalita at tanging nagawa ko lang ay titigan siya ng gulat na expression. Ilang sandali akong natulala bago ako umiwas ng tingin at hindi pinansin ang puso kong mabilis tumibok.
"How about the concert? Baka nakakalimutan mong special guest ka doon at kailangan ka doon kase ikaw ang magbibigay sa award." malamig kong sabe. Narinig ko ang marahas niyang paghinga. Alam ko kong gaano niya kamahal ang trabaho niyang pagiging actor pero sa pinapakita niya ngayon, parang wala siyang pakealam kong maapektuhan ang trabaho niya.
Suminghap ako!
"I don't care." mahina niyang sabe dahilan para bumalik ang mata ko sa kaniya. Ngumiti ito sa akin pero kitang kita ko ang pagod sa mukha niya. Nakasandal ang kaniyang ulo sa dingding na parang pinapahinga niya ang kaniyang ulo doon.
Napailing ako!
"Mabibigyan naman sila ng award kahit wala ako eh, tutuloy parin naman ang concert kong wala ako. Wala rin silang magagawa kong ayoko ng bumalik doon." dagdag niyang sabe na ikinasinghap ko. Nanatili ang mata ko sa kaniya at tinapangan ang sariling labanan ang mata niyang nakakapanghina.
"Please, let's go home."
Nagsusumamo niyang sabe. Inabot niya ang kamay ko dahilan para hindi kaagad ako naka react. Napatingala ako sa kaniya at parang may sariling buhay ang ulo ko ng tumango ito. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko na parang doon siya kumuha ng lakas.
"Allright." ang tanging nasabe ko.
Kinuha ko kaagad ang kamay ko mula sa hawak niya upang bumalik sa mesa para makuha ang bag ko. Pinasok ko ang phone ko doon saka ako humarap sa kaniya.
Muli niyang binalik ang mask at sumbrero upang takpan ang mukha niya. Muli niyang kinuha ang kamay ko bago kami lumabas. Hila hila ako ni kairus habang papunta kami sa lift. Nakayuko ako dahil nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko dahil tatlong taon ang nakalipas pero ngayon ko lang ulit naramdaman ang kamay niya.
Huminto kami sa tapat ng lift at hinintay itong bumukas. Tahimik kaming pareho ni Kairus. Halos kapusin ako ng hininga dahil sa puso kong sobrang bilis. Napatikhim ako bago bumukas ang lift.
Hinila na naman ako ni kairus papasok bago niya pinindot ang groundfloor. Tahimik parin kaming pareho at ni isa sa amin ang hindi nagsalita. Ilang sandali kaming naghintay bago bumukas ang lift hudyat na nasa baba na kami.
Ilang gabe na kaming magkasama ni Kairus dahil tulad ng sabe ko, halos nasa amin na natutulog si Kairus dahil iyon ang hiling ng anak ko. Halos wala itong absent tuwing gabe, na kahit ata pagod ito sa trabaho, pupunta parin ito sa amin at makipagkulitan pa kay Apollo.
Mabilis ang lakad namin upang marating namin ang labasan ng condominium na ito. Madilim na ng lumabas kami. Kong kanina hapon pa yon pero ngayon madilim na. Napatingin ako sa relong nasa kamay ko at nakita kong malapit ng mag 7.
Dumiretso kaagad kami sa kotse niyang hindi kalayuan sa amin. Hawak niya parin ang kamay at hindi ko na pinansin iyon. Wala ng masyadong tao sa labas dahil gumagabi na rin pero maraming sasakyan ang dumadaan.
Pinagbuksan niya kaagad ako ng pintuan ng kotse bago siya dumiretso sa driverseat. Inayos ko naman ang seatbelt ko at ganun din siya. Lumingon kami sa isat isa bago ako komportable na umupo.
"Bakit?." takang tanong ko ng nakatitig lang sa akin si Kairus na hindi man lang kumukurap.
"Kumain kana ba?." bigla niyang tanong. Umiling kaagad ako dahil totoo naman. Dumiretso kaagad kase ako sa concert kase akala ko late na ako. Talagang late naman talaga. Ang dami ko kasing ginagawa.
Tumango si Kairus bago niya pina andar ang kotse. Tumingin ako sa unahan dahilan para pumasok sa isipan ko ang ala ala namin noon. Ganito kami noon, ang bumyahe na walang patutunguhan. Ang magmaneho sa gitna ng malalim na gabe.
"Drivethru nalang tayo para masama natin si Apollo.." sabe ko ng ilang sandali. Para naman maka kain din ang anak ko pag uwi namin.
"Allright.." ngiting sabe ni Kairus. Napansin kong mukhang ganado na ito at halos maramdaman ko ang energy niya. Nakatanggal na ang mask niya saka sumbrero dahilan para makita ko kong nilalaman ng kaniyang mukha.
Tumango ako saka ako napatingin sa unahan na merong ngiti rin sa labe. Kahit ngayon lang pagbibigyan ko ang sarili ko. Kahit ngayon lang pagbibigyan ko ang sarili kong mahalin ulit si Kairus. Ngayon lang dahil alam kong bukas ay magbabago na naman.
Bumuntong hininga ako!
Huminto kaagad kami sa isang starbucks at kaagad nag order si Kairus. Muli siyang soot ng mask para hindi siya makilala. Pinapanood ko lang siya sa pag order ng pagkain na para sa amin dahilan para hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ganito din ang ginagawa niya noon kapag bibili kami ng pagkain sa isang starbucks.
"Ang dami naman." komento ko kaagad ng marinig kong marami siyang inorder. Humalakhak si Kairus bago lumingon sa akin.
"Dalawang monster ang kakain nito mamaya." tukoy nito kay apollo na hayok din sa pagkain. Tulad ng sabe ko, wala silang pili pagdating sa pagkain basta ba masarap. Napa iling ako. Napa iling ako.
Ilang segundo kaming naghintay bago dumating ang order namin. Narinig ko ang pagpasalamat ni Kairus bago ko naramdaman ang kotse na gumalaw na hudyat na umalis na kami. Tiningnan ko ulit ang order ni Kairus na talagang andami na nasa kandungan ko tapos meron pang ice cream na alam kong para kay apollo.
Kinuha ko kaagad ang isang burger at binuksan bago ko kinagat. Nilapag ko muna ang mga pagkain sa likuran lalong lalo na ang bag ko bago ko nilapit ang burger sa bibig ni kairus.
"Here?." sinubuan ko ito na kaagad naman niyang sinunud. Nakatagilid na ako ngayon habang kumakain ng burger. Pinindot kaagad ni Kairus ang sterio ng kotse na mas lalong ikinasarap sa pakiramdam.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )
Acakbook two of I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND