Chapter 218

514 5 0
                                    

KAIRUS POV.

Saya.

Sabik.

Yong sayang naramdaman ko ay umuumapaw na halos hindi ko na paipaliwanag ang naramdaman ko. Na halos hindi ko masabe kong gaano ako kasaya. Being with Apollo and Stella is like a home. Kakaiba. Kakaiba sa lahat. Kakaiba sa lahat lahat.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko. Hindi ko maipaliwanag yong pakiramdam na sobrang sabik. Hindi matanggal ang ngiti sa mga labe ko na halos mapagkamalan akong baliw dahil sa sobrang pagkangiti na abot hanggang mata ko.

Hawak hawak ko si Apollo sa bisig ko habang palabas kami ng hospital. Kakalabas lang ni Apollo sa hospital at ngayon ay palabas na kami. Nasa tabe ko si Stella at mga tauhan ko habang bitbit ang duffle bag na dala namin. Ramdam ko ang pagsunod ng mga tao sa amin ng tingin hanggang sa makalabas kami.

"Totoo nga, may anak nga siya, ang ganda pa nong stella.."

"Mag ama nga, magkamukha eh."

Rinig kong bulungan ng mga taong nasa loob ng hospital pero hindi ko pinansin. Ramdam kong gusto nilang lumapit sa akin pero napangisi nalang ako kong paano nila pinigilan ang kanilang sarili. Hindi na ako actor kaya wala na silang dahilan pa para lumapit sa akin, at mag eskandalu.

Malaya na ako!

"Excited to go home?.." malambing kong sa anak ko na tumango tango.

"Excited yan umuwi kase dahil sa pagkain, sabe niya kase sa akin, nakakasawa na daw ang pagkain sa hospital." Biglang sabat ng napakaganda kong kasintahan na soon to be Mrs. Alvarez na.

Humalakhak ako!

Sabay kaming tumawa ni Stella ng makita namin si Apollo na nakanguso habang nakatingin sa ina. Napailing akong pumasok sa kotse. Pinauna ko muna si Stella na pumasok bago kami sumunod ni Apollo. Nasa likod kami habang nasa harapan naman ang dalawa kong tauhan.

Pagkatapos ng pamanhikan ko sa magulang ni Stella ay halos hindi na matanggal ang ngiti sa mga labe ko. Sempre, tanggap na ako eh. Hindi ko lang maiwasang hindi matawa kase sa hospital pa talaga ako namanhikan. Hindi lang talaga ako makapaghintay. Sabik na ako. Sabik na kong makasama ang anak ko sa isang bahay. Sabik na akong maging isang Mrs Alvarez si Stella. Nakakasawang pakinggan ang Montero sa last name niya. Ang pangit pakinggan. Masakit sa tenga.

Tumawa ako!

Nilingon ko ang mag ina ko na nasa bintana ang paningin habang tinuturo ni stella ang kaniyang hintuturo sa kong saan habang pinapakita sa anak ko. Mahal ko talaga ang dalawang ito, no doubt. I can't imagine to spend the rest of my life with anyone else but her, only stella I can imagine. Na halos pumasok na sa isip ko na magiging masaya talaga kami, na sabay sabay kaming tatanda habang pinapanood namin ang anak naming lumalaki. Hindi na ako makapaghintay na makasama ko ang mag ina ko.

"Kong may darating dito na babaeng nangangalang Deinliegh Light Montero, bigyan mo kaagad ng susi( card) sa unit ko, maliwanag?.."

Nasa condominium building ako habang pinapalahanan ko ang isang receptionist. Sanay na itong makita ako dahil araw araw naman akong andito pero hindi lang ako makapaniwala na hanggang ngayon hindi parin nag sasawa sa mukha ko kase kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Tumikhim ang babae at batid kong gusto niyang magtanong pero pinigilan niya ang kaniyang sarili bago tumango.

I smiled!

Napa tssk nalang ako ng mas lalong pumula ang kaniyang pisngi. Napailing akong dumiretso sa lift at pumasok saka ko pinindot ang floor kong saan ang condo ko. Hindi na ako makapaghintay na makita o makasama si Stella. Kinakabahan ako pero nangingibabaw sa akin ang pagkasabik. Ito yong araw na pupunta dito si stella upang e meet ako dahil pag usapan namin ang tungkol sa suit na gusto kong e design niya para sa concert na pupuntahan ko.

Hindi muna ako pumasok sa condo ko dahil nanatili ako sa isang sulok habang naghihintay sa kaniya at hindi nga ako nabigo dahil ilang saglit lamang nakita ko siyang pumasok sa condo ko. Napangiti ako lalo nat narinig ko ang boses niyang umalingawngaw sa buong condo unit ko.

Naglakad kaagad ako papasok sako ko sinara ang pintuan. Kitang kita ko ang gulat sa kaniyang mukha ng makita niya ako. Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa kabang naramdaman ko pero nangingibabaw ang saya.

I miss her!

Pinasadahan ko ang kaniyang buong katawan at hindi ko maipaliwanag ang pagkasabik na naramdaman. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko. Ang saya. Kahit ramdam ko ang diagusto nito sa akin pero nakakatuwa parin.

"Hindi ko maalalang meron akong pinirmahang kontrata.." halos malasahan ko ang inis at gulat sa kaniyang tono.

Bumagsa ang balikat ko ng palihim. Masyado naman ata akong assuming dahil buong akala ko, pumirma talaga siya sa kontrata dahil alam niyang ako ng kaniyang costumer pero mali pala. Napailing ako saka napangisi ako para sa sarili.

D*mn!

Ito yong napapala ko sa pagiging assuming. Hindi ko maiwasang hindi matawa para sa sarili ko. Bakit ko nga naisip na pipirma un dahil sa akin, eh mas lamang nga yong tatanggihan niya ang pagiging personak designer ko kong hindi lang napirmahan ang kontrata. Thank god, napirmahan.

Pinapanood ko siyang umalis sa restaurant kong saan kami kumain ng umalis na ito. Hindi matanggap ang ngiti sa labe ko at sa bawat araw na dumaan ay mas lalo kong naramdaman ang pagkasabik, lalo nong dumating ang araw na susukatan niya ako.

Sumilay kaagad ang ngiti sa labe ko ng makita ko siya. Ang ganda niya talaga. Untk unti lang nawala ang ngiti sa mga labe ko ng makita kong sinong kasama ni Stella. Palihim akong sumimangut at sinamaan ng tingin si ken na walag emosyong nakatingin sa akin. Sunod naman pumasok ay yong assistant ni stella na bakla na pinalabas ko kanina. Kinuyom ko ang aking kamao.

Bawat paglapit ng katawan ni ken kay stella ay pinapatay ko siya sa isipan ko. Ang kapal ng lalaking ito para tabihan ang pag mamay ari ko. Sinamaan ko ito ng tingin kahit hindi ito nakatingin sa akin. Umasim ang mukha ko at yong sayang naramdaman ko kanina ay biglang nawala at napalitan ng matinding selos dahil sa presensiya ni Ken.

"Umalis kana."

Malamig kong sabe kay ken na nasa harapan ko. Sinundan ko ito ng hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Malamig ko siyang tinignan habang naka kuyom ang kamao sa loob ng bulsa ko.

Ngumisi si Ken!

"Bakit? Tapos naba si stella?." Tanong nito. Nagtiim bagang ako at mas matinding pagpigil ang ginawa ko upang hindi ko masapak ang lalaking ito. He's Ken, my bestfriend. Makikipagbati na sana ako sa kaniya eh kase hindi ko na naman mahal si amara at maari na niyang lapitan ito kong kailan niya gusto pero ngayo si stella na naman ang nilalapitan niya, nagbago isip ko.

"Ikaw lang ang aalis." Seryosong saad ko.

Humalakhak si Ken na mas lalong ikinatiim bagang ko.Humakbang ako ng isang beses.

"Hanggang ngayon ba galit kapa rin sa akin? Common kairus, matagal na iyon, hanggang ngayon ba galit kapa rin ngayon dahil sa paglapit ko kay Amara noon o baka naman.." Ngising sabe niya na binitin pa ang sasabihin.

Kumuyom ang aking kamao!

"O baka naman dahil magkalapit kami ni stella." dagdag niyang sabe. Kinuwelyuhan ko siya at masamang tiningnan.

"Stay away from her.." mariin kong sabe. Umiling si Ken saka ngumiti.

"I can't, I like her bro.."

D*mn it!

Sinapak ko na.

"D*mn you.." pigil na sigaw ko. Nagpantig ang tenga ko sa sinabe niyang gusto niya si stella. Sinamaan ko ito ng tingin na ngayoy nakahawak sa gilid ng kaniyang labe. Nakita ko doon ang dugo pero hindi ako nagsisi sa ginawa ko.

"Back off.." Huli kong sinabe bago ko siya nilagpasana.

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now