Kinagat ko ang pang ibabang labe ko saka ako tumayo rin. Umiwas ng tingin si Kairus sa akin at pasimpleng pinunasan ang kaniyang luha. Napangiti ako at lalapit na sana sa anak ko ngunit sa isang mabilis na galaw kaagad akong hinila ni Kairus sa kamay pahiga sa malaking soffa.
Napapikit ako sa sobrang gulat at natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga na sa soffa habang katabe si Kairus na nakapikit pero alam ko namang gising pa ito. Sinubukan kong bumangon pero mas lalong humigpit ang kaniyang yakap sa bewang ko. Malaki ang soffa at kasya naman kaming dalawa.
Gumalaw ako bago ako humarap kay Kairus. Buti nalang hawak niya ang bewang ko para hindi ako mahulog.Tinusok tusok ko ang pisngi ni Kairus upang magmulat ito ng mata.
"Bawal to kase nanliligaw ka palang." bulong ko dahilan para magmulat si Kairus. Umisid ito at pinatakan ng halik isang beses ang tungki ng aking ilong.
Umiwas ako!
"May Apollo na nga tayo tapos bawal na? Sinong binibiro mo ha?.." ngising sagot nito sa akin. Umirap ako. Gumalaw kaagad ako saka humarap. Kong kanina nag uusap kami tungkol sa nakaraan, pakiramdam ko mas naging magaan ang kalooban ko. Parang isang iglap, nawala ang bigat na pasan ko sa aking dibdib.
Hindi na ako nagreklamo na magkatabe kami, wala na naman kaming ginagawa at talagang magkatabe lang. Bumuntong hininga ako saka tumingin sa kisame. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagpikit ni Kairus pero alam kong hindi pa tulog. Hinayaan ko siya kase alam kong pagod ito.
"Kairus?.." Tinawag ko ulit ito.
"Hmm?.." paos ang boses nito.
I sighed!
Madaming tanong ang pumasok sa isip ko. Pinaglaruan ko ang mga kamay ko saka ako bumaling kay kairus na nakapikit. Halata parin ang mugto sa mata nito dahil sa kakaiyak.
"M-mahal mo ba talaga ako?.." Tanong ko. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagmulat ni Kairus at napatingin sa akin.
Ngumisi ako!
"Pinagdududahan mo ang pagmamahal ko?." Tanong nito na kaagad ikinatahimik ko, Hindi ako makapagsalita, naramdaman ko naman. Gusto ko lang marinig ulit. Ang dami ring pumasok sa isipan ko na baka andito lang si Kairus kase dahil sa anak namin.
Narinig ko kaagad ang marahan niyang paghinga. Humarap sa akin si Kairus. Hinarap niya ang mukha ko sa kaniya. Bumuntong hininga rin ako saka ko kinagat ang pang ibabang labe ko.
"K-kase baka andito kalang kase may Apollo, baka sinasabe mo lang na mahal mo ako dahil lang pala sa anak ko." pilit na ngiting sabe ko pero parang tinutusok ang puso ko pagnagkataon na totoo. Parang hindi ko makayanan.
Bumangon si Kairus at umupo. Bumangon din ako saka ko tiningnan ng mariin si Kairus. Lumingon ito sa akin bago niya hinawakan ang kamay ko at dinala niya ito sa kaniyang labi upang halikan ng marahan.
"I can't blame you kong pinagdududahan mo ang pagmamahal ko pero I mean it, Totoo ang sinabe kong mahal kita, Totoo ang sinabe kong mahal ko kayo ni Apollo. Stella? May anak man tayo o wala, hindi magbabago na mahal kita. Hindi ako nandito dahil lang kay apollo, andito ako kase mahal kita.."
Namuo kaagad ang luha sa mata ko at bago pa iyon bumagsak ay kaagad kong naramdaman ang kamay ni Kairus na humahaplos sa pisngi ko. Napapikit ako ng mariin. Nag paulit ulit sa utak ko ang kaniyang sinabe at halos hindi ako makapaniwala. Hindi ko rin inaasahan na darating ang panahon na mamahalin ako ni Kairus. Hiniling ko lang noon pero andito na ngayon sa tabe ko.
"I'm inlove with u stella! Im so fvking inlove with you.."
Tumango tango ako na pinapahiwatig sa kaniya na naniniwala na ako. Muli akong pumikit ng maramdaman ko ang labe ni kairus sa labe ko. Bumagsak ang isang butil kong luha dahil ramdam ko ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng paghalik nito sa akin.
Pinagtama namin ang aming noo pagkatapos ng mahabang halikan. Ilang sandali kaming ganon bago kami muling nahiga ulit.Masarap sa pakiramdam. Masarap sa pakiramdam kapag ganito. Niyakap ko pabalik si Kairus habang pareho kaming nakahiga. Nakamulat ako ng mata pero siya naman ay pumikit na.
Nag usap kaagad kami ni Kairus ng kong ano ano. Nagkwento ito kong anong nangyare sa buhay niya ng wala ako. Napapikit ako habang pinapakinggan ang sinasabe niya na kong gaano siya ka miserable nong nawala ako, kong paano niya ako hinanap ng kong saan, kong paano niya muntik ng napabayaan ang sarili. Ramdam ko ang pagsisi niya at mas lalong humigpit ang kaniyang yakap.
Sinabe niya rin sa akin yong mga araw na hindi niya pagtupad ng kaniyang pangako, yong kasama niya si amara sa mall.
"Hindi ko gustong magsinungaling sayo, wala lang talaga akong choice kundi ang samahan ang babaeng iyon sa mall upang bumili ng cake na favorite ni mommy. Hindi ko sinabing magkasama kami ni amara kase ayoko kitang masaktan, ayokong mag overthink ka.." sabe nito.
Nagmulat ako ng mata at tiningnan ng mariin si Kairus. Ngumuso ako.
"Bakit may bulungan kayong dalawa?Tapos may hawak hawak bewang pa at kamay." Tanong ko ulit. Marahan na nagmura si Kairus bago dumungaw sa akin. Naalala ko noon, nakita ko sila sa mall, nagbubulungan tapos may pahawak hawak kamay at bewang pa.
Humalakhak si Kairus!
"Nagbulungan kami kase pinapabilis ko siya dahil gusto ko ng umalis at dahil rin, hindi ako komportable na kasama siya, kaya ko rin hinawakan ang kamay at bewang niya dahil hinila ko na siya paalis sa mall." I tssked.
Tinaasan ko siya ng kilay. Nilayo ko ng bahagya ang aking ulo sa kaniya. Tinanong ko rin siya kong bakit hindi siya nakauwi kaagad nong kaarawan ko. Naghintay pa naman ako noon na buong magdamag.
"Aaminin kong, nakalimutan ko ang kaarawan mo sa araw na iyon pero believe me, pagkatapos ng dinner, gusto ko ng umalis para umuwi sayo pero pinigilan ako ni mommy at daddy dahil maiiwan ko daw si amara doon pero umuwi naman ako ng maaga and Im so guilty that time, at isa iyon sa pinagsisihan ko."
Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Kairus at ramdam ko na naman ang pagsisisi niya. Hindi na ako nagsalita pakiramdam ko, nasagot na ang tanong ko. Muli itong bumulong sa akin ng sorry pero umiling ako at sinenyasan na maayos lang ang lahat.
"Selosa.."
Rinig kong bulong nito pero sapat na un para marinig ko. Sinamaan ko ito ng tingin na ikinatawa niya. Hindi ako selosa, masakit lang talagang makita mo ang mahal mong merong kasamang iba. Ngumisi si Kairus bago dumungaw sa akin.
"Feeling better?." Tumango ako sa tanong ni Kairus sa akin. Ngumiti siya sa akin.
"It's ur turn now."
What? Kumunot ang noo ko.
"Sabihin mo sa akin lahat nangyare sa buhay mo ng wala ako.."
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )
Randombook two of I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND