Napayuko ako at muling bumuhos ang luha ko. Napapikit si Kairus at hinilot ang sintedo. Mas lalo akong nag alala para sa kalagayan ng anak ko. Napaiwas na ako ng tingin at napatingala. Hindi parin ako kumbinsido sa sinabe ng doctor, dahil hindi man lang nabawasan ang pag aalalang naramdaman ko.
"Pwede ba namin siyang makita?." halos maramdaman ko ang panghihina ni Kairus ng magtanong ito sa doctor na babae.
Tumango ang doctor!
"Ofcourse, pero ililipat muna namin siya ng kwarto.." nakangiting sabe ng doctor bago ito nagpaalam dahil meron pa itong pasyente na pupuntahan.
Naramdaman ko kaagad ang panghihina ko at halos hindi ko maramdaman ang tuhod ko. Naramdaman ko ang sunld sunod na pag agos ng luha ko. Masikip sa dibdib at halos hindi ko maimagine ang anak kong nakaratay sa higaan ng hospital. Naiisip ko palang yong mga sugat niya ay parang hindi ko kayang makita.
"Son?.." bumaling kaagad si kairus sa ina habang sinusubukan abutin ang kamay ng anak pero iniwas iyon ni Kairus. Galit niyang binalingan ang kaniyang ina.
"Pinabayaan mo ang anak ko, now what happen?." galit na sabe ni Kairus sa ina. Napaluha ang ina ni Kairus bago bumaling sa anak. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko rin mapagkaila na nakaramdam din ako ng galit para sa kanila pero isinantabi ko yon dahil nangingibabaw ang pag aalala ko sa anak ko.
Umiling ang ina ni Kairus!
"H-hindi ko alam, hindi ko alam na lumabas pala si Apollo habang kumakain kami, hindi ko alam na lumabas pala ang apo ko habang meron kaming kausap na kakilala natin." pagpapaliwanag ng ina ni kairus pero talagang sarado ang utak ko para tumanggap ng paliwanag ngayon.
Mas nangingibabaw ang pag aalala ko sa anak ko. Hindi parin ako mapakali at gustong gusto ko ng makita ang anak ko.
"Kahit na, hindi parin magbabago na pinabayaan ang anak ko." napailing na sabe ni kairus bago tinalikuran ang ina at lumapit sa akin. Kahit balibaliktarin man ang mundo, napabayaan parin nila ang anak ko. Sana pala hindi nalang nila nilabas ang anak ko kong ganito pala ang nangyare.
Lumipad kaagad ang isipan ko kay Amara. Napailing ako dahil hindi ko akalain na si Amara pa talaga. Hindi ko rin alam kong anong dapat kong maramdama sa kaniya. Si amara pa talaga ang nakasagasa. Hindi ko alam kong anong dapat kong gagawin.
Naramdaman ko kaagad ang mainit na yakap sa akin si kairus dahilan para muling bumuhos ang luha ko. Narinig ko kaagad ang paghingi ng tawad ni kairus na binubulong niya sa tenga ko. Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Kairus.
Hindi pa namin nakita ang anak ko dahil kailangan pa itong ilipat sa panibagong kwarto saka namin makita. Sabay sabay lang kaming napalingon sa kanan ng makarinig kami ng maraming yapak na parang tumatakbo at hindi nga ako nagkamali dahil tumambad sa amin si josh at migz na tumakbo palapit sa amin.
Napahiwalay kami ni Kairus at sabay naming itong hinarap. Huminto sila sa harapan namin na hinihingal. Suminghot ako bago ko pinunasan ang luha ko saka ko hinarap ang dalawa. Punong puno rin ng pag aalala ang kanilang mga mata.
"Anong nangyare? " hinihingal na tanong sa amin ni Migz. Nilibot niya ang kaniyang paningin at huminto ito sa likuran namin, na kong saan andon ang magulang ni Kairus.
Napabuntong hininga si Kairus!
Narinig ko kaagad ang pagbati ni migz sa magulang ni kairus bago bumaling sa akin. Makikita ko ang pag aalala sa mata ni Migz. Bumuntong hininga naman ako. Narinig ko kaagad si kairus na siya na mismo ang nagsabe kay Migz kong anong nangyare.
"Ang daming reporters sa labas." biglang sabe ni Josh na ikinalingon namin sa kaniya.
Nagulat ako!
"What?.." gulat rin na sabe ni Kairus. Bumaling sa amin si josh bago tumango saka naman niya binalik ang mata sa selpon.
"Oo, maraming reporters nasa labas habang pinipigilan ng mga guard na wag pumasok, eh kase naman, muli na namang kumalat sa buong social media, sa news ang pagkakaroon mo ng anak kay Stella.." si Migz na mismo ang nagsalita. Nakapameywang na ito habang sarkastikong nakatingin kay kairus.
Napasinghap ako!
Nagkatitigan kami ni Kairus.
"D*mn it.." rinig kong malutong na mura ni kairus sa tabe ko. Kumalabog ang dibdib ko at hindi ko na alam kong anong dapat kong gawin. Bumaling ako kay kairus na napapikit habang nakahilot sa sintedo.
Paano nila nalaman?
"K-kairus?.." kinakabahan kong sabe. Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Hindi ko alam kong anong dapat kong maramdaman. Yong bagay na kinakatakutan ko ay dumating na. Yong kaisa isahang hindi ko gustong mangyare ay malaman ng lahat ng tao ay may anak si Kairus. I just want to protect my son pero paano ko gagawin iyon kong alam na ng lahat.
Napapikit ako ng mariin!
Umalis kaagad si Kairus sa tabe ko upang kausapin si Migz, habang si josh naman ay lumapit sa akin habang abala parin sa phone. Sinubukan ko itong tingnan pero iniwas ni josh. Mukhang gusto nilang ayokong masaktan sa mga sinasabe ng tao.
"Excuse me maam." napatalon ako sa gulat ng biglang nagsalita ang isang nurse na kakadating lang. Binalingan ko ito lalong lalo na si josh. Napa ayos ako ng upo.
"Pwede na po kayong pumasok sa kwarto ng anak niyo.." magalang na sabe nito. Nagkatitigan kami ni Josh bago sabay sabay na sumunod sa nurse papunta sa kwarto ng anak ko. Nilingon ko muna si Kairus na nag uusap parin ni josh at kasali na doon ang kaniyang magulang.
Umiwas ako ng tingin.
"Alam naba ito nina mommy at lolo?." kinakabahan kong tanong. Bumaling sa akin si Josh bago tumango.
"Oo for sure nasa airplane na iyon papunta dito nong dumating sa kanila ang balita. Tumawag sa akin dito si tita dahil hindi ka daw nila matawagan." mahabang sabe ni josh. Hindi na ako nagsalita at bumuntong hininga nalang.
Napahinto lang kami ng nasa harapan na kami ng kwarto ng anak ko. Kumalabog ang dibdib ko. Parang ayokong pumasok. Parang hindi ko kayang makita ang anak ko na nakahiga sa hospital bed habang maraming mga pasa. Naninikip ang dibdib ko at halos hindi maayos ang paghinga ko.
Bumuga ako ng isang malakas na buntong hininga. Napatingin kaagad ako sa nurse na dahan dahan binuksan ang pintuan. Naunang pumasok si josh habang ako naman ay dahan dahan. Bakit ba ito naranasan ng anak ko. Bakit ba ganito ang nangyare sa anak ko?. Tuluyan na akong nakapasok at kaagad lumipag ang mata ko sa isang hospital bed na kong saan andon ang anak ko nakahiga, na mahimbing na natutulog.
Kaagad lumipad ang palad ko sa bibig ko upang pigilan ang malakas na pag hagulgul ng makita ko ang itsura ng anak ko na puno ng mga sugat lalong lalo na ang kaniyang ulo na merong malaking band aid, nakapalibot doon. Kaagad kong naramdaman ang panghihina ko at halos hindi ko kayang makita o malapitan man lang dahil para akong pinapatay.
"Stella?.."
Kaagad lumabas ang hikbi ko sa bibig ko ng hindi ko na napigilan. Naawa ako sa anak ko dahil hindi ko akalain na mangyayare ito sa kaniya. Yong mga kamay niyang maliit ay may mga pasa at sugat, yong mga labi niyang palaging nakanguso ay may putok, yong pisngi niyang malambot ay may sugat din at yog ulo ay may malaking band aid na nakabalot.
Umiwas ako ng tingin at tumalikod. Humarap ako sa dingding ng maramdaman ko ang yakap ni josh sa akin. Napayuko akong napaluha. Taas baba ang balikat ko dahil sa matinding pag iyak. Naninikip ang dibdib at ramdam na ramdam ko un.
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )
Randombook two of I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND