Chapter 201

538 6 0
                                    

Sa gabing yon ay halos wala akong tulog. Madaling araw na ata akong nakatulog dahil hanggang ngayon ay nasa utak ko parin lahat ng sinabe ni Kairus kagabe. Wala akong tulog buong gabe dahil sa daming iniisip tungkol sa sinabe ni Kairus sa akin.

Nakakagulat!

Hindi na ako nakapagsalita kahapon pagkatapos kong marinig ang huli niyang sinabe. Nagpaalam lang ako sa kaniya na inaantuk na ako kahit hindi naman. Hinatid niya lang ako sa guestroom kong saan ako matutulog saka kami nagsabe sa isat isa ng goodnight bago niya ako pinanood na pumasok sa kwarto hanggang sa masara ko.

Hindi ko alam kong paano ko haharapin si Kairus ngayon. Preskong presko parin sa utak ko ang kaniyang sinabe. Gusto kong kalimutan lahat pero hindi ko magawa lalo nat parang sirang plakang nagpaulit ulit sa utak ko ang kaniyang sinabe.

"Mommy? Are you awake?."

Napatapon ako sa gulat ng bigla kong narinig ang boses ng anak ko sa pintuan habang kumakatok ito. Hinilamos ko ang palad ko sa buong mukha dahil sa inis na naramdaman para sa sarili. Bumuntong hininga ako bago ako lumapit sa pintuan upang pagbuksan ngunit mas dumoble ang tibok ng puso ko ng hindi lang nag iisa ang anak ko.

"Goodmorning." bati ni kairus sa akin.

Napasinghap ako!

"Ahh g-goodmorning." pilit na ngiting bati ko bago ako umiwas ng tingin at bumaling sa anak kong nakatingala sa amin. Lumuhod ako upang magpantay ang aming ulo. Binati ko ang anak ko saka ko siya hinalikan sa pisngi. Walang tigil ang pagtibok ng puso ko na parang nakikipag karera ng habulan.

Dahan dahan akong tumayo saka ko tiningnan si Kairus na titig sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin at napagtanto kong hindi pa ito nakabihis para sa trabaho. Pinilig ko ang ulo ko at tinanggal nalang sa isipan ko.

"Kumain naba kayo?." tanong ko kaagad. Bumntong hininga ako at nagpanggap na parang walang nangyare kagabe kahkt na ang hirap hirap. Ginawa ko ang lahat upang magmukha akong normal kahit na naghuhumerando na ang puso ko.

Sabay sabay silang umiling sa akin dahilan para ikangiti ko ng palihim.

"Allright, magluluto ako." anunsyo ko ng ikinakislap ng kanilang mata. Dumiretso ako sa hagdan habang nakasunod ang mag ama. Kanina pa ako gising at nagawa ang morning routine. Wala naman talaga akong tulog kaya halata yong eye bags ko pero inayos ko na naman.

Tinanong ko kaagad ang katulong kong nasaan ang magulang ko pero sinabihan lang akong maagang umalis. Tiningnan ko naman ang phone ko and there nakita ko ang text message ni mom at dad na nasa business trip ito kasama si dwayne. Katext ko rin si ken at lolo na alam kong abala rin sa paris.

Naghanda kaagad ako ng mga recipe para sa mga lulutuin ko. Hindi ko binalingan ang mag ama na naka upo sa high chair habang kumakain ng cookies. Maingay silang dalawa pero hindi ko na pinansin. Naghihiwa ako n mga rekados ng magtanong si Kairus.

"Paano mo nalaman na isa kang Montero." bigla niyang tanong dahilan para matigilan ako. Nasa tabe ko na si Kairus, nakasandal sa sink habang pinagmamasdan ako.

Napatingin ako sa kaniya.

Muling pumasok sa isipan ko kong paano ko nalaman ang buong pagkatao ko. Napangisi nalang ako ng maalala kong halos gumuho ang mundo ko ng malaman ko ang lahat. Halos hindi ko nakayanan kase pakiramdam ko sa araw na yon, kasinungalingan lahat ng pagkatao ko.

"Kaarawan ko ang araw na yon ng malaman kong isa akong Montero. Nakita ko sa DNA test ang pangalan ko at ang pangalan ni mommy at daddy doon sa DNA test tapos nagulat ako sa resulta dahil positive." Kwento ko. Nagpapanggap parin ako na maayos na parang walang pinag usapan kagabe, na parang hindi niya sinabe sa akin ang tatlong salitang nakapanghina sa akin.

"Sa araw na yon, ang gulo. Patong patong yong sakit, kirot na naramdaman ko tapos dumagdag pa yong nalaman ko ang buo kong pagkatao. Halos hindi ko makaya yong sakit dahila sa mga nalaman ko. I need you that time pero dumagdag karin pala haha."

Tumawa ako sa huli para iwasan ang awkward na moment.

"I'm sorry.." ayan na naman ang boses niyang mababakas ang pagsisisi. Napailing ako.

"It's okay, matagal na yon. Sabe ko naman sayo wala kang kasalanan eh." sabe ko bago ako nagpatuloy sa pagluluto. Hindi na nakapagsalita si Kairus dahilan para lingunin ko ito. Napailing ito sa akin at kitang kita ko kong paano bumagsak ang balikat niya.

"I'm so sorry."

Ngumiti nalang ako at hindi na sumagot. Binilisan ko ang pagluluto ko kahit na nadidistract ako dahil sa titig ni Kairus sa akin na parang nanuot sa pagkatao ko. Naalala ko tuloy ang nangyare noon sa amin. Kong paano ko nalaman lahat tungkol sa pagkatao ko.

Sinabe ko lahat ang nangyare sa akin nong nasa puder na ako ng mga Montero dahilan para mas lalo siyang matahimik. Halos malasahan ko ang pagsisisi sa kaniyang buong pagkatao. Kitang kita ko kong paano gumuhit ang pagsisisi sa kaniyang mata.

I smiled!

"I'm really sorry." halos pabulong niyang sabe. Napangisi ako.

"Hey, it's okay. Hindi mo naman kasalanan eh." natatawa kong sabe. Totoo naman, hindi naman niya kasalanan ang nangyare sa buong pagkatao ko. Hindi niya kasalanan kong kasinungalingan lahat ng pagkatao ko noon. Umiling si Kairus sa akin na parang hindi kumbinsido sa sinabe ko.

Ngumisi lang ako saka ko nilapag ang pagkain sa mesa. Kaagad kong narinig ang palakpak ng anak ko ng makita niya ang pagkain na nakahain na sa mesa. Ngumiti ako saka ko ginulo ang kaniyang buhok.

Bumaling ako sa pintuan ng dining area na pumasok si Josh doon na bagong gising. Kaagad itong lumapit sa anak ko at hinalikan ito sa pisngi, bago niya kami tinaasan ng kilay saka ito nag kwento tungkol sa nangyare kahapon na hinanap daw kami.

Bumaling naman ako kay kairus na tahimik lang kumain. Parang hindi parin naka move on sa kwento ko. Bumaling nalang ako kay migz na nag kukwento parin tungkol kahapon na talagang napagod siya kase wala ako at yong suit na ginawa namin ay hindi nasoot dahil wala si Kairus.

Natapos nalang kami sa pagkain, hindi parin tapos si josh sa pagsalita. Ilang sandali din ay lumabas din si Ana sa maid's rooom na bago ring gising. Bumati ito sa amin na ikinatango ko lang. Mabilis naming natapos ang kain.

"Kailangan kong pumasok sa trabaho ngayon dahil meron kaming meeting mamaya at kakausapin ko rin si direk tungkol kahapon dahil hindi ako nakapunta sa concert at pagkatapos, babalik ako dito pagka 12.." mahabang sabe ni Kairus. Ganun parin ang bihis niya dahil dadaan pa ito sa condo niya para magbihis.

Tumango ako!

"Pupunta tayong mall?." tumatalon na biglang sabe ng anak ko. Kumunot ang aking noo dahil sa sinabe ng anak ko. Napatingin ako kay kairus na nakadungaw sa anak bago ginulo ang buhok.

"Kairus?." nagtatanong kong tanong.

"Don't worry, ako na ang bahala." tanging sabe nito bago umalis. Umayaw ako pero hindi na ako nakareact dahil buo na ang desisyon nito. Napatingin din ako sa anak ko na masayang kumaway sa ama.

Napailing ako!

Bahala si Kairus!

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now