Nagkatitigan kami ni Josh ng tuluyan ng umalis si Kairus at Migz. Kaagad dumiretso si Josh sa round table at naghanda ng pagkain. Napabuntong hininga naman ako at ang dami kaagad pumasok sa isipan ko. Hindi ko alam kong anong gagawin ni Kairus. Hindi ko alam kong anong binabalak ni Kairus. Hindi ko alam kong anong laman ng kaniyang isipan.
Napaupo kaagad ako sa isang monoblock na upuan at napasandal doon. Muling pumasok sa isipan ko si Kairus sa mga kilos nito at sa mga sinasabe niya. Bumuga ako ng isang malakas na buntong hininga at napatingin ako sa anak kong mahimbing parin ang tulog.
Kong normal lang na araw na ito ay nasa bahay lang sana kami ni Apollo, kumakain, nagtatawanan, naglalaro, nag kukwentuhan at hindi sa ganitong nasa hospital. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto at oo malaki ito dahil si daddy mismo ang pumili ng kwarto para sa anak ko. Kompleto ang mga appliances dito at hindi na kailangan pang bumili at manood sa selpon dahil meron namang malaking TV na nasa dingding.
Dahil sa matinding pag iisip at siguro sa pagod ay nakatulugan ko ito. Nagising nalang ako ng maramdaman kong merong gumagalaw sa braso ko. Umungol ako at hindi sana gigising pero narinig kong nagsasalita na ito. Dahan dahan kong minulat ang aking mata. Nong una ay malabo pa pero habang tumatagal ay malinaw na. Kinusot ko ang aking mata bago ako bumaling sa anak ko sa pag aakalang gising pero bumagsak ang balikat ko ng mahimbing parin ang tulog.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at napagtanto kong kami lang dalawa ang nandito. Napakunot ang noo ko bago ako napatingin sa oras na hindi ko akalain na gabe na pala. Sobrang haba naman ata ng tulog ko.
"Nasaan sila?.." tanong ko kaagad kay Ana na lumapit sa malaking soffa at doon ko nakita ang duffel bag na mukhang dala niya.
"Sino ate?." tanong ni Ana.
"Sina mommy at josh?." takang tanong ko. Bumaling sa akin si Ana bago lumapit sa round table upang ilagay doon ang pagkain na mukhang dala niya lalong lalo na ang tubig.
"Umuwi po muna.." sagot nito.
Napabuntonh hininga ako!
"Si Kairus?.." tanong ko kaagad.
"Wala pa ate eh.." napapikit ako ng mariin. Saan ba nagpunta si Kairus at anong gagawin nila ni Migz. Muli akong napapikit ng mariin at napabuntong hininga. Umayos ako ng upo bago ako humarap kay Ana. Napatingin ako sa duffel bag na dala niya at buti nalang nagdala ito ng damit ko.
Kinuha ko ito at pumasok sa banyo upang magbihis at magsipilyo narin.
Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbaling ko kay Ana dahil sa sinabe niya. Ilang minuto ko yong ginawa bago ako lumabas. Kong ano man ang gagawin ni Kairus sana hindi niya ikapahamak iyon. Sana maaging maayos ang lahat. Gusto ko ng tahimik na buhay. Gusto ko ng payapa. Binalik ko ang duffel bag sa malaking soffa.
Nakita ko kaagad si Ana na prenteng nakaupo sa upuan ko kanina habang nakatingin sa TV. Bumaling naman ako sa mesa saka kumuha ng pagkain. Wala akong kain buong araw kaya siguro ngayon ay nagutom ako. Kumuha ako ng sandwich bago ko ito kinain.
Hindi ko alam kong anong nagyayare sa labas. Hindi ko na alam kong anong pangyayare doon. Buong araw lang akong nasa loob ng kwarto ng anak ko habang ma ilang bodyguard na nakabantay sa labas ng kwarto ni Apollo. Tauhan ni lolo o ni Kairus, hindi ko alam.
Hindi na ako mapakali dito. Habang tumatagal mas lalo akong naging curious kong anong nangyare sa labas. Gustuhin ko mang tingnan ang telepono ko pero hawak ito ni Kairus at hindi man lang binigay sa akin. Ang dami kaagad tanong na pumasok sa isipan ko. Gustuhin ko mang maka usap si Kairus pero wala akong telepono.
Bumaling lang ako kay Ana ng marinig ko ang kaniyang marahas na singhap. Napatayo na ito at mabilis na nilamon ang sandwich. Nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin bago tinuro ang TV. Napakunot ang aking noo.
"Si, sir kairus ate nasa TV."
Nanlaki ang mata ko!
What?
Kaagad akong lumapit kay Ana at upang tingnan ang sinabe niya. Napakurap kurap ako at hindi nga ako namamalikmata. Napasinghap ako ng marahas habang hindi ko natatanggal ang mata ko sa mukha ni Kairus na seryoso lamang at walang emosyon ang mukha.
"Paparating na si Kairus Alvarez parasa prescon na magaganap ngayo" usal ng host habang nakatingin sa camera.
Nanliit ang mata ko ng nakita ko si Kairus na pinapalibutan ng mga reporter habang katabe nito si Migz na kinakausap si Kairus. Maingay at halos mavkagulo sa pag uunahan ang mga photographers. Diretso ang lakad ni Kairus sa isang silid at pinakita naman doon ang mabilis niyang pag upo sa isang presidential table na pinapalibutan ng mga mabibigat na tao kasama na doon si direk na nasa gilid lamang.
Kinuha kaagad ni Kairus ang microphone, kahit wala pa namang nagsasalita o nagtatanong nga mga reporters. Ilang sandali nag usup si Kairus at isang lalaking propesyunal at mukhang isa pang manager. Tumango si Kairus bago bumaling sa mga reporters na magulo at nag aabang parin.
"Hindi na ako magsasayang pa ng oras o magpaligoy ligoy pa. Hindi narin ako maghihintay sa mga tanong niyo. I know what you want. You want the truth then I'II give you the truth.."
Seryoso at malamig na boses ni Kairus. Nagkagulo ang mga reporters. Kahit sa background ng camera man ng estasyong ito ay may naririnig kong bulong bulungan. Nakarinig din ako ng singhapan at maraming bulungan. Gusto nilang mapalapit kay Kairus pero hindi nila magawa.
Napasinghap ako!
YOU ARE READING
I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )
Randombook two of I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND