Chapter 199

546 11 0
                                    

Hindi ko matanggal ang mata ko sa buwan kahit na merong ngiti sa mga labe. Bumaling naman ako sa pool na sobrang linaw na kong saan makikita mo din doon ang buwan at mga bituin na nagniningning.

Sumimsim ako wine bago ako nag isip ng kong ano ano. Hindi ko inaasahan ang lahat nangyayare sa akin. Hindi ko inaasahan na ang pangyayare sa buhay ko. Mula nong nalaman kong isa akong montero hanggang sa magkaroon ako ng anak tapos hindi ko akalain na matatanggap pala ni Kairus.

Hindi madali ang buhay ko dahil para akong pinaglaruan ng tadhana. Para akong pinagkaisahan ng mundo. Para akong pinagkaisahan ng lahat.

Hindi ko alam kong anong dapat kong maramdaman ngayon. Hindi ko alam kong anong dapat gawin ngayon. Kasama na si Apollo ang ama niya at wala na akong mahihiling pa. Alam kong darating sa panahon na magtatanong ang anak ko tungkol, magiging curious yan kaya inaasahan ko na ito maliban sa hindi ko akalain na matatanggap ni Kairus, galit pa nga sa akin kase tinago ko.

Nilapag ko ang basong may laman na wine pagkatapos kong sumimsim. Binalik ko ang mata ko sa langit na kaygandang pagmasdan.

Bumuntong hininga ako!

"What are you doing here?." Napatalon ako sa gulat ng bigla kong narinig ang familiar na boses na yon. Nilingon ko ito at tumambad sa akin si Kairus na nakapamulsa habang nakatingin rin sa langit.

Akala ko ba tulog na ito!

Napatingala ako sa kaniya habang pinagmamasdan siya. Napatingin ako sa mata niya at doon nakita ko ang buwan.

"Nagpapahangin.." mahinang sagot ko at bahagyang tumawa. Nawala ang mata ni Kairus sa buwan at bumaling sa akin. Narinig ko ang kaniyang buntong hininga.

"Do u mind, if may I join you?." biglang niyang sabe pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan. Nagkatitigan kami sa mata sa mata pero bigla akong umiwas dahil nakakapanghina ang magaganda niyang mata.

"Sure.." sabe ko bago ako sumimsim ng wine. Binaling ko ang mata ko sa kawalan ng maramdaman kong umupo siya sa harapan ko. Katahimikan ang nangingibabaw sa amin ngayon. Pareho kaming nakatingin sa buwan.

Awkward!

Tumikhim ako at umayos ng upo bago muling uminom ng wine. Nilunok ko ito kahit na ang hirap. Nakita ko mula sa gilid ng mata ko ang pagsandal ni Kairus sa upuan bago muling bumaling sa akin. Napatingin din ako sa kaniya dahil sa titig niya sa akin.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Umiwas ako ng tingin pero binalik ko rin ang mata sa kaniya ng hindi man lang ito kumurap kurap habang nakatingin sa akin. Ngumisi ako at bahagyang tumawa.

"May dumi ba sa mukha ko?.." natatawa kong sabe upang hindi mahalatang hindi mapakali. Naghuhumenrado ang puso ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko na tanging siya lang ang makakagawa, mula noon hanggang ngayon.

Umiling si Kairus!

"I...i'm sorry.." sa hindi inaasahan, bigla niyang sabe. Natigilan ako at naiwan sa ere ang kamay kong iinom sana ako ng wine. Dahan dahan akong bumaling sa kaniya. Nakatitig lang ito sa akin.

Ngumiti ako!

"hmm for what?.." mahinahong sabe ko. Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang kasalanan. Ako nga merong kasalanan sa kaniya eh kase tinago ko sa kaniya ng tatlong taon na ang anak namin.

Kong tungkol ito sa nangyare noon, wala siyang kasalanan kase ako ang mali, ako ang merong kasalanan, kase pinilit ko ang sarili ko sa kaniya. Kase nagpumilit ako. Nagpagamit ako sa kaniya. See? Ako ang mali at ako ang may kasalanan. Hindi ako masasaktan kong hindi ako nagpumilit diba. Hindi ako madudurog kong hindi ko lang pinilit ang sarili ko sa kaniya.

"Sa lahat.." dagdag niyang sabe.

Natigilan ako at napatingin sa basong merong wine na hawak ko. Natulala ako doon. Parang pinipiga ang puso ko ng paulit ulit ako. Matagal na un pero hindi ko maiwasang hindi balikan. Hindi ko maiwasang hindi magbalik tanaw. Ngumiti ako ng mapait.

Hindi ako makapagsalita!

"Hindi ko alam kong paano magsimula. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko pero isa lang ang gusto kong sabihin. Patawarin mo ako sa lahat ng mga nagawa ko. Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko. Pinagsisihan ko ang lahat." dagdag niya sabe dahilan para hindi ako makapagsalita. Bumaling ako sa kaniya na ngayoy nakatitig siya sa buwan dahilan para may pagkakataon akong pagmasdan siya.

Tinikom ko ang bibig ko!

"hmmm?.." tanging nasabe ko kase hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga pinagsasabe niya.

Umiwas ako ng tingin ng bumaling naman sa akin sj Kairus. Binaling ko ang mata ko sa kawalan kahit wala namang napaka interest doon. Bumuntong hininga ako.

"I didn't cheat on u Stella, hindi ko ginusto ang halikan namin noon, kase nilagyan niya ng drugs ang inumin ko. Kahit ganon ang nangyare, tatayo na sana ako non pero naunahan mo ako ng bigla mong binitawan ang telepono. Bumalik ako sa wisyo kase ang laman ng isip ko ay ikaw, yong labe mo, tinulak ko siya kase hindi ko nalasahan ang labe mo dahil alam kong hindi ikaw iyon."

Mahaba niyang sabe. Natulala ako sa kawalan. Nangingilid na ang luha ko pero kinurap ko iyon para hindi na bumagsak. Bumuntong hininga ako at hindi nagsalita.

Naalala ko tuloy noon nong nakita ko silang naghalikan. Yong mga labe nilang nagtagpo na parang uhaw na uhaw sa isat isa. Pumikit ako ng mariin ng maramdaman ko ang kirot sa puso ko. Nakita ko pa kong paano tinulak ni Kairus sa amara noon pero nasama niya si Kairus sa pagbagsak sa soffa.

Hindi ako makapaniwala na nilagyan ni Amara ng drugs ang inumin ni Kairus. Hindi ako makapaniwala, pero kahit ganun, balibaliktarin man ang mundo, masakit parin, nasaktan parin ako. Nadurog parin ako. Kahit simpleng halikan lang yon, nakakasakit parin ng puso.

"Hindi ko kayang manluko kahit na naguguluhan ko nararamdaman ko noon, kahit na pakiramdaman ko lamang parin si Amara. Ang gulo gulo noon stella pero kahit ganon hindi kita kayang lukuhin....pero n-nong umalis ka....n-nong iniwan mo ako, t4ngina, walang wala yong sakit na dinulot sa akin ni amara noon, mas masakit ang pag iwan mo."

Kumalabog ang dibdib ko sa sinabe niya. Naramdaman ko ang pagbagsak ng isang butil kong luha. Naninikip ang dibdib ko at halos hindi ko na maramdaman ang pagtibok ng puso ko.

"Hinanap kita stella. Hinanap kita." nanghihina niyang sabe. Dahan dahan akong bumaling sa kaniya dahilan para magtagpo ang mata namin.

"H-hinanap mo a-ako?...b-bakit?." nabasag ang boses ko. Ngumiti siya sa akin kahit na lumuluha ito. Punong puno ng sakit ang kaniyang mata.

"Ikaw na eh, ikaw na yong mahal ko"

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now