Chapter 1

4.2K 115 1
                                    

" Ano bang problema mong bata ka ha?! Hindi ka na ba natuto? Palagi mo na lang akong pinapahiya! Alam mo ba yun? Ha?! Ano nalang ang sasabihin ng mga kanegosyo ko, na ang anak ko ay isang delinquent? At ako ay isang pabayang ina? Oh god! Nami! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayong bata ka!" sabi ni mama habang hinihilot ang sintido niya.

"tama na yan hon " pang-aalo ni papa sakanya.

Ako naman, nakatingin lang sakanila with a bored look. Kanina pa siya diyan talak ng talak nung makarating kami sa bahay. Galing kasi kami sa school na pinapasukan ko. Nakick-out kasi ako Dahil may binugbog ako. Eh sa hindi ko napigilan eh. Gusto ko kasing maglabas ng sama ng loob. At ayun nga saktong dumaan yung lalaking mukhang nerd at sinuntok ko. Sinagad ko na nga kaya na ospital. Halos hindi na nga makilala mukha nun eh.

Pagkatapos nun agad na pinatawag ang parents ko at itong si mama akala mo sasabog na parang bulkan at talak ng talak kesyo daw saan daw nagmana ang ugali ko at kesyo daw dapat sundin ko rin daw ang ate[kung mabait sa harap nila mama pero saakin hindi] na mabait at hindi delinquent na babae. Tss.

As if naman walang tinatagong baho ang magaling nilang anak.

"tsk!" sabi ko na lang at umakyat na pataas.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong humiga .blangko lang ang ekspresyon ko habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko.

Nga pala I'm Monami Nakahara. Half Filipino - Half Japanese. I have a sister named Hinami. We have an Organization that dad build and it's called Akuma nami org. I am the top assassin on it.

Hindi alam ni mom at  ate ang tungkol dito. Hindi ko sana  to malalaman kung hindi ko laging sinusundan si dad noon. Pero nang malaman ko yun. Agad kong pinuntahan si dad and I ask to be  one of his assassin. nung una nga naghesitate pa siya. pero kalaunan pumayag narin, dahil sa pamba- blackmail ko sa kanya. sinabi ko kasi nasasabihin ko yun kina- mom. Kaya pina -train  niya ako.

Year's past. marami narin akong na-assasinate. Binansagan pa nga nila akong Death Queen. Narinig ko lang yan sa ibang assassin ni dad. nagulat nga ako noon eh. Pero hinayaan ko na lang. I don't care of what they called on me.

Basta't matapos ang misyon ko. tapos!

Minutes past. Agad naman akong napatingin sa pinto dahil may kumatok.

"Come in'' kalmadong sabi ko at bumaling ulit ng tingin sa kisame.

"anak , I'm sorry sinabi ng mom mo kanina, sobrang stressed kasi yun sa trabaho eh" kahit hindi ko nakita ang mukha niya, alam kong worried siya sakin.

Naramdaman ko namang umupo siya sa kama ko.

"uhm , anak may ibibigay sana ako sayo" napatingin naman ako sakanya at sa hawak niya.

" ano naman yan? another missions eh?" sabi ko at bumangon sa pagkakahiga.

" ah, ito na ang huling misyon mo" sabi niya at binigay niya ang folder sakin.

"huli?" I asked.

"hu-uh, kasi diba anak, yung kontrata mo malapit ng matapos at sabi mo rin na gusto mo nang humiwalay sa organisyasyon? Kaya ito na ang huling misyon mo" sabi niya naman sakin.

Pinagsadahan ko naman ang folder .at napakunot ng noo.

"ano to? Bakit sa isang eskwelahan ang misyon ko?" takang tanong ko naman sakanya. Ngayon lang kasi siya nagpagawa ng misyon na sa isang eskwelahan. nakita ko rin dito ang background ng school.

"eh kasi anak, diba may matagal ka nang may hinahanap? Nagbabakasakali kasi ako baka nandiyan siya sa eskwelahan na yan" napatingin naman ako sakanya habang nakataas ang kilay.

Paano naman mapupunta dito ang hinahanap ko? Eh eskwelahan naman to ng mga mamatay tao? Oo,puro mamatay tao ang mga estudyante dito. Paano ko nasabi? Nakasulat kasi dito sa background ng school.

"ahm. Wala naman sigurong masama kung magbabakasali diba? Tsaka wala ka nang problema diyan kasi, eskwelahan yan ng organisasyon natin. Meaning diyan sa eskwelahan na yan nagti-train ang gustong pumasok sa organisasyon natin. At sa iba ring organisasyon, Diyan din sila kumukuha" paliwang naman sakin ni dad.

Tumayo naman ako at pumunta sa veranda At lumanghap ng sariwang hangin.

"ok. I accept it" sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"talaga?!" kahit hindi ko kita ang mukha niya. Alam kong Masaya siya. Dahil sa boses palang niya.

"pero..." sabi ko at humarap sa kanya.

"sinadya mo talaga na makick-out ako noh?!" sabi ko at tinignan siya ng matalim.

"ah-eh.. ahm.. sort of.." sabi niya habang nagkamot ng ulo.

"tss.." sabi ko at bumaling ulit ang tingin sa kawalan.

A moment of silence.

"dad?" sabi ko.

"hhmm?"

"huwag muna akong pasundan ng mga assassin mo ha? Pagnasa-loob na ako ng school" sabi ko.

"huh? Alam mo pala anak?!" hindi makapaniwalang tanong niya.

"yeah-yeah para san pa ang pagiging assassin ko diba Kung hindi ko alam?" I answered in a bored tone.

"ah..hehehe-pero para naman yun sa proteksyon mo yun eh!"sabi naman niya.

"dad , diba sabi ko sayo, kaya ko ang sarili ko?" sabi ko na naiinis. eto nanaman kami eh, paulit-ulit.

"oo na-oo na! hindi na. sige aalis na ako para makapaghanda ka na. bukas na pala ang alis mo kaya sige. Ciao!" sabi niya at umalis na sa kwarto ko.

Bukas na agad? Tss. Tinignan ko naman ulit yung folder na may lamang background ng school.

Kira academy?

Tss.. Ito talagang si papa, ang daming pakulo sa buhay.

Hell ,Huh?

Tumaas naman ang sulok ng labi ko.

'I think it's gonna be exciting.'


--------x

Vote.Comment.Share.


Helldemondevil

Kira Academy:Devil's Unveil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon