Chapter 2

3.2K 103 2
                                    

Nandito ako ngayon sa tapat gate ng kira academy. Habang dala-dala ang maleta ko. May dorm kasi dito kaya hindi ka pwedeng lumabas kung hindi holidays. May mga stall naman daw dito kaya walang problema.

Tinignan ko naman ang kabu-uan ng eskwelahan. Parang wala itong kabuhay-buhay. sa unang tingin mo pa lang parang haunted ang lugar. May nakita naman akong guard na papalapit sakin.

"sino ka? Ano ang kailangan mo?!" maanghang na sabi ng guard sakin. Ang tabas ng dila ng guard na to-hindi ko gusto. ipasisante kaya ko to kay dad? .tss.

" I'm a new student here." Bored kong sagot sakanya. Tinignan naman niya ako sa mata kaya nakipagtitigan rin ako. Wala ngang kurapan eh.

Pero nung nasatisfy naman siya sa kagandahan ko-este sa sinabi ko kanina ay pinapasok niya ako.

Napansin niyo ba na wala akong dalang kotse? Gubat kasi tong lugar na to. at hindi kinaya ng kotse ko papasok dito kaya kailangan kong pang maglakad. Kapagod nga eh. Nahirapan pa ako kasi ang dami kong dinala. pero puro naman yun mga baril, katana,dagger, and name it. I already have it. Kulang pa nga to eh. Pero hindi ko na dinala kasi hindi na magkasya.

Pagpasok ko naman ay agad na bumungad ang mga stalls sa paligid. Nakita ko rin ang ilang mga tao na nakatingin sakin. pero binalewala ko na lang at naglakad papunta sa dean's office. Nandun kasi si dad. Kaya dun ako pupunta at para narin makuha ko ang uniform ko at I.D nang makasimula nang mahanap yung hinahanap ko.

Sa laki siguro nang school na to, kanina pa ako naligaw. Buti na lang at may mapa ako ng school.

Sa paglalakad ko ay nahanap ko na din ang dean's office. hindi na ako kumatok at binalibag ang pinto at pumasok.

"ang harsh, mo naman anak, halos masira na yung pinto oh.." sabi ni dad ng makapasok ako.

"yeah-yeah" walang buhay kong sabi habang hinihilot ang paa ko. Ang layo naman kasi ng nilakad ko. Nasa may dulo pa kasi tong puny^tang dean's office eh.

"nasaan na yung i.d at uniform ko? Tsaka yung schedule ko?" tanong ko sakanya.

"nagmamadali? Maylakad? maylakad?" psh. pigilan niyo ako baka makalimutan kong tatay kong matandang yan! Napakapilosopo eh!

"Dad tigilan mo ko, pagod ako"malamig kong sabi sakanya at inimphasize patalaga yung 'pagod'. kaya tumalima naman siya at binigay saakin ang isang folder at uniform kasama narin ang I.D ko.

"oh, nandyan na lahat ang kailangan mo" sabi ni dad sakin. Tinignan ko naman ang laman ng folder at napakunot ng noo.

Name: Monami Suishimo

Age: 19 y/o

Address: ****

Hobbies: killing.

And so on and so fort.

"bakit iniba mo ang apelyedo ko?" tanong ko sakanya.

"eh ,kasi anak baka kasi pag-initan ka ng mga tao dito . at baka malaman pa nila na ikaw si Death Queen diba? " sagot naman niya sakin. Nga pala alam ng mga ibang taga Organisasyon na si Death Queen ay anak ng isang kilalang pinuno ng Organisasyon at iyon ay sa amin. Pero hindi naman nila alam kung ano ang itsura ko kasi palagi akong nakamask. kaya Wala akong ikabahala.

"ok. As if naman may magagawa ako" halos bulong na yung huling sinabi ko. Siya naman kasi ang dahilan kaya ako nakilala bilang anak ng isang kilalang organisasyon. Ipinaglandakan niya kasi na anak daw niya ang kilalang assassin na si Death Queen. Kaya ayan, alam na ng lahat.

"ano yung huling sinabi mo anak?" tanong naman niya sakin na nakataas ang kilay.

"Tsk. Wala. Ge una na ako" sabi ko at kinuha na yung gamit ko at lumabas na.



_________





Nakarating naman ako sa Dorm para ilagay ang mga gamit ko. Walang tao sa sala dahil may pasok ngayon.

Pumunta naman ako sa second floor kung saan nandun ang mga kwarto. Pagbukas ko sa pintuan ay agad na sumalubong sa akin ang pang-girly na style ng kwarto. Tss. this is what I hate. Puro pink kasi ang nakikita ko and I hate it. Buti nalang ang kama ko ay black and white. pati closet ko rin black and white. parang emo lang.

Pagkatapos kong ilagay sa closet ang gamit ko ay nagpasyahan ko munang lumabas. At mag-ikot. Kailangan ko munang ifamiliarize ito para hindi ako maligaw.

Sa paglalakad ko ay may mga nagsho-shooting range ,drag race, horseback riding , archery at kung ano-ano pa. may grocerie store din sila dito at iba pang mga stalls na kailangan mo.

Lunch break na. at marami narin ang naglalabasang mga studyante. Pumunta naman ako sa cafeteria para kumain. Pagpasok ko ay agad na nagsigawan ang mga tao sa cafeteria. Napakunot naman ako ng noo. Ako ba yung sinisigawan nila? Tinignan ko naman yung babaeng mukhang harina dahil sa sobrang puti ng mukha kung saan siya tumingin. Tinignan ko naman yung nasa likod ko. Dun kasi siya nakatingin. Pagtingin ko naman ay isang grupo ng mga lalaki ang papasok sa cafeteria. Mukha silang maaangas at kitang kita mo sakanila ang maawtoridad nilang tingin lalong-lalo na nung nasa unahan nila. Tinignan ko naman yung mukhang lider ata nila. Nakapokerface lang siya habang naglalakad.

Mukha naman nakaramdam siya na may tumitingin sakanya kaya napatingin siya sa gawi ko. Nagtitigan lang kami habang nilalagpasan niya ako. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sakanya. Hindi ko alam kung ano yun pero binalewala ko na lang.

Nung nalagpasan na nila ako ay naglakad naman naman ako papunta sa bilihan ng pagkain. Pagkatapos kong bumili ay umupo ako sa may dulo na hindi kalayuan sa inuupuan ng grupong lalaki na yun. Sa harap na sana ako uupo pero puno na duon. Marami kasing umupo dun para Makita nila ang mga lalaking iyon.

Tahimik naman akong kumain at lumabas ng cafeteria. nakaramdam naman ako ng antok kaya pumunta ako sa garden. Habang naglalakad ako ay panay tinigin saakin ang mga estudyante na madadaanan ko. Pero wala akong pakialam basta gusto ko ng matulog.

Ng makapunta ako sa garden ay umakyat naman ako sa pinakataas na puno dito at natulog. Buti na lang at walang tao dito kaya magiging peaceful ang pagtulog ko dito.







-----x





sorry for the errors.

Vote.Comment.Share

-helldemondevil



Kira Academy:Devil's Unveil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon