Chapter 8

2.1K 84 0
                                    


Madaling lumipas ang araw at weekend na. Ibig sabihin ,ngayon na and battle para sa replacement ng Chesspieces.

Pumunta na ako Sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Wala na dito si Aira, parang nagtetraining na ata. Wala kaming pasok ngayon kasi naghahanda lahat ng estudyante dito sa kira para mamaya. Mamayang gabi na magsisimula ang laban.

Lumabas na ako nang dorm namin at naglakad-lakad wala akong gagawin ngayon kaya maglibot -libot muna siguro ako.

Napadaan naman ako sa field. Ang daming estudyante ang nagtetraning para silang sasabak na sa gyera mamaya.

Tsk. Nagagawa nga naman nang kapangyarihan lahat gagawin para lang makuha ang hinahangad nila.

Napunta naman ako sa garden. Umakyat ako sa pinakamataas na puno dito.

Sariwang hangin agad ang bumungad saakin pagkarating ko sa tuktok.

Napatingin naman ako sa kalangitan. Ang ganda ng langit ngayon. Walang namumuong ulap kaya kitang-kita mo kulay asul na langit. Ang peaceful tignan.

Iidlip muna siguro ako.

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang may narinig akong nagbabangayan sa ilalim ng punong hinihigaan ko.

'Aish! Istorbo!'

Napatingin naman ako sa ilalim at nakita ko ang dalawang maingay. Nanlaki naman ang mata ko na ang dalawang maingay pala ay ang king at queen ng chesspieces. Si mark seon ha at si Llurien sawyer.

Napakunot naman ako nang noo nang napagtanto ko na nag-aaway ang dalawa.  Hindi ko masyadong marinig ang pinag-usapan nila pero alam ko nagtatalo sila.

Pinagmasdan ko naman sila. Yung Llurien ay nakayakap na kay Seon habang umiiyak. Pero itong Seon naman walang emosyon ang lumalabas sa mukha niya. Marahas naman niyang tinulak si Llurien kaya nadapa ito. Mayroon pang sinabi si Seon sa kanya  bago Ito umalis.
Umiiyak namang umalis si Llurien.

Tch. Hayss. Buhay pag-ibig nga naman. Hindi ko alam na may ganoong istorya pala ang king at queen.
Akala ko  kapangyarihan lang ang alam nila. But Anyway , Wala akong pakiaalam sa business nila. 

Bumaba nalang ako sa puno. At naglakad -lakad. Baka may maabutan na naman akong eksena dun.  Nakadiri ang mga pinagagawa nila. Love? That's not on my vocabulary.







 

Kira Academy:Devil's Unveil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon