Chapter 5

2.4K 87 0
                                    

I woke up in 4 o'clock in the morning. Napatingin naman ako Sa kabilang kama kung saan natutulog si Aira na nakatihaya at naghihilik pa. I just shook my head.

Pumunta na ako sa banyo para sa morning rituals ko. Balak ko sanang magjogging  ngayon para Hindi mabinat ang katawan ko. baka kasi magka-injury ako mamaya sa gagawin namin na lesson ngayong araw. Ang Track n'  Field. sabi ni Aira magkakaroon raw kami ng paligsahan sa Archery , dagger throwing at running.

I wore a fitted black sando paired with a black leggings na below the knee. Dinala ko na rin ang earphones ko at ang cellphone ko na may sticker na skull sa likod. Magsa-sound trip muna ako habang nagjojogging.

Pagkalabas ko ng dorm. May mga ilan nang naglalakad sa hallway. Siguro magpapractice para sa nalalapit na pagligsahan na dalawang araw nalang mula ngayon. hindi kasi sakop ng pagtuturo nang eskwelahan kung papano labanan ang mga chesspecies. Kailangan kasi ng sariling sikap para doon.

Sino ba namang hindi sasali sa paligsahan ng mga chesspieces kung ang pagiging makapangyarihan at magagawa ang lahat ng gusto , ang magiging kapalit nito. sa panahon ngayon wala na siguro tatanggi. Tulad ko. Dahil kailangan ko ng kapangyarihan ng mga chesspieces upang mahanap ko na ang matagal ko nang hinahanap.

Nagjojoging na ako paikot ng field.
Pagkatapos kong magjoging umupo na muna ako sa isa sa mga bench dito. Hingal na hingal ako naupo doon at huminga ng malalim. Habang hinahabol ko ang hininga ko ay may biglang nag-abot sa akin ng isang boteng tubig. Napatingala naman ako sa nag abot sa akin nun.

Theo Tan .  Ang isa sa Knight ng chesspeciess. the happy-go-lucky. Ano naman ang ginagawa ng isang ito dito?

"Uhm,water?" Sabi niya na parang naiilang na sa paraan ng pagtitig ko sa kanya. Napatingin naman ako sa hawak niya.

"C'mon  just accept it " napatingin naman ako sakanya. Mukhang nangangalay na siya kaya kinuha ko na ito at ininom ng dire-diretso. Para akong isang buwan na hindi umiinom ng tubig dahil sa uhaw na uhaw na ako.

"Hey, dahan-dahanin mo naman baka malunod ka niyan"  sabi niya sabay tapik sa likod ko ng marahan. Teka, chansing tong lalaki na to ah!

Napatingin naman ako sa kanya nang nanlilisik na  mata. Agad naman niyang hininto ang ginagawa niya nang makita niya ang nanlilisik kong mga mata.

"Uhm, Theo nga pala" sabi niya at inilahad niya ang kamay niya. Napatingin naman ako sakanya at sa kamay niyang nakalahad.
Mukha namang nagets naman niya ang ibig kong sabihin kaya binitawan na niya ang kamay niya at ngumiti.

"Ah, ikaw? Anong pangalan mo? " sabi naman niya sakin. Pero nanatili lang akong walang imik at hindi nagsasalita.

"Uhm, hindi ka ba marunong magsalita?" Sabi niya. Tinignan ko naman siya at sinamaan ng tingin.

"Ah, sabi ko  nga nagsasalita ka"  sabi niya. Ramdam ko naman ang pagka-uneassiness niya.

"Tch" nasabi ko na lang. Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad. Walang sense kung uupo ako doon kasama ang mabungangang lalaki na yun.

" hey! Wait! Miss Tch!" Narinig ko naman ang boses nung lalaking yun na may tinatawag. Napatingin naman ako sa paligid ko pero walang tao na dito sa field kundi kaming dalawa na lang. Pumunta na siguro ang mga tao sa mga dorm nila malapit narin kasi magsimula ang klase.

Baka nagdidiliryo lang ang lalaking iyon.

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad nang may biglang humawak sa wrist ko.

"Wait, Ms. Tch. Pero Hindi mo pa kasi sinusuli yung bottle ko. Siguro naman pwede mo nang ibalik?" Sabi niya sakin kaya na patingin naman ako sa kanya na nagtataka.

"Ms. Tch?"  tanong ko sa kanya.

"Ah,eh, yun kasi ang sinabi mo kanina eh. Diba yun yung name mo?" Pangatuwiran naman niya.

Napailing naman ako sa pangatuwiran niya. Kung hindi pa ako nagmamadali, malamang nasapak ko na to kanina pa Dahil sa pagka slow nito. Hinagis ko naman sa ang boteng hawak ko. Buti na lang at nasalo niya kung hindi, sapol na sapol talaga yun sa mukha niya. Malaki pa naman ang na force nun kasi magkalapit lang kami.

"oh, binabalik ko na. Tska hindi Tch ang pangalan ko. Monami."  Sabi ko at tumalikod na. Nagmadali naman akong pumunta sa dorm. Nakita ko naman si Aira na nakabihis na at mukhang paalis na yata.

"Nandito ka na pala. Saan ka pala galing?" Sabi niya At tinignan ako mula ulo hanggang paa. Mukhang nagets naman niya kung saan ako galing kaya napatango nalang siya.

"Nagjoging ka pala ba't hindi mo ako sinabihan kanina? But anyway mauna na ako. Sumunod ka na lang sa akin sa track and field dahil mukhang matatagalan ka pa" sabi niya kaya napatango na lang ako At pumunta na sa banyo. Bago ko pa ito maisara ay narinig ko na ang pagbukas at sarado ng dorm namin .  Mukhang kailangan ko na talagang bilisan.

----------------------x

VOmment and share

-helldemondevil


Kira Academy:Devil's Unveil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon