Chapter 25

485 13 2
                                    

Nagising na lang  ako sa tunog ng alarm clock sa bedside table. Pinatay ko naman iyon at bumangon na.

Alas singko pa lang nang umaga. Maaga akong aalis ngayon para pumunta sa garden. Doon ako magpapalipas buong araw para matulog. Dahil bubulabugin naman ako ni avry at kakaladkarin sa festival  na yan. Iniisip ko palang na mamaltos ang paa ko sa kakalakad sa mga stall ay sumasakit na. Kaya't dapat hindi niya ako makita ngayon.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng loose black shirt , black pants tapos combat shoes. Inilugay ko na lang ang buhok ko at lumabas ng kwarto.

Pumunta naman ako sa kusina para mag luto. Nag prito naman ako ng ham at egg para sa sandwich na gagawin ko. Actually, hindi naman ako magaling maluto. kaya minsan ko lang ginagamit ang kusina at palagi akong sa cafeteria kumakain. Mga Prito-prito lang ang kaya kong gawin.

Kinain ko na yung sandwich at lumabas na nang dorm. 

Naglakad lakad lang ako sa may hallway. Wala pa namang mga tao dahil alas sais palang ng umaga kaya kampante akong walang makakakita sa akin.

Nakakailang liko rin ako at narating ko narin ang garden. Pumunta ulit ako sa usual na tinatambayan ko at umakayat sa puno.

' hays, mas maganda talaga yung wala sasagabal sa pagtulog mo'

Ipinikit ko na ang mata ko at natulog na.

NAKAHARAP ako ngayon sa mansyon namin.

Napakunot naman ako ng noo. Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon dahil tandang-tanda ko pa na nasa garden ng school dapat ako ngayon.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Baka nga umuwi ako nakalimutan ko lang.

Naglakad na ako papasok sa gate namin. Nakita ko agad ang mga guard na nakabantay. Nagtaka ako kung bakit hindi nila ako napansin na pumasok pero ipinag sa walang bahala ko na lang at tuluyan ng pumasok sa mansyon.

Nagpalinga-linga naman ako sa paligid. Tahimik ang buong bahay. Wala siguro sina mom at dad. Malamang nasa eskwelahan pa si ate.

Nadako naman ang tingin ko sa batang babae na lumabas ng bahay.

Napakunot ulit ako ng noo. Bakit may bata dito? Tinignan ko naman maigi ang bata na palinga-linga habang nagkukusot ito ng kanyang mata.

Nakasuot ang batang babae nag isang magara na dress. Pero mukhang wala ito sa ayos dahil mukhang kagigising lang nito sa pagtulog at medyo sabog pa ang kulot niyang buhok.

Nanlaki naman ang mata ko nang mapagtanto ko na kamukha ko yung bata. Panong naging kamuha ko yung bata?

Bigla namang tumakbo ang bata papunta sa likod nang bahay.

Agad ko naman itong sinundan habang nakakunot parin ng noo. Bumabagabag parin sa akin kung bakit may bata sa bahay namin tapos kamukha ko pa talaga. 

Nagka- anak ba ulit sila mama? Pero imposible naman iyon dahil hindi ko naman nakikita si mama na maumbok ang tiyan at wala rin namang sinasabi si papa na may kapatid pa kami. Baka naman kay ate? Mukhang hindi naman.  baka naman anak sa labas? Mas lalo namang malabo yun.   Pero kamukha ko talaga yung bata eh!

Nagpakutkot na lang ako sa daliri dahil sa batang babae na bumabagabag sa akin.

Narating ko ang likod ng bahay at hinanap ang batang babae.

"Rai-Rai laro tayo"  napalingon naman ako sa likod nang puno doon nanggagaling ang boses. Dahan-dahan naman akong pumunta doon at nakita ko ang isang batang lalaki na may dalawang taong agwat ata doon sa batang babae.

Kira Academy:Devil's Unveil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon