Chapter 21 (Special Chapter)

1.9K 79 38
                                    

◇Hello Readers! Its good to be back!
◆I'm sorry dahil late yung update ko. Pasukan na kasi and expect more super late update.
◇So for now, just enjoy this little special chapter. Special chapter kasi iniba ko yung point of view.

And that's it. Enjoy Reading..

⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨⇨

Avry Shin

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa pasilyo. Hinahanap ko kasi si Monami. Susurpresahin ko sana siya sa pagbabalik ko. Biglaan kasi ang pagkawala ko nang dalawang araw At Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Kaya nung makabalik ako ay siya ang una kong hinanap namimis ko kasi siya eh kahit na ang cold niya sakin. Pero kahit ganun, mahal ko yun! Ewan ko ba kung bakit ang dali kong napalapit sakanya. Siguro dahil hindi naman siya ganun ka heartless.

Sinubukan kong magtanong-tanong sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Pero nang lalapitan ko palang ay bigla itong yumuko at kumaripas nang takbo. Napakamot nalang ako.

Mukhang aasahan ko nalang ang instinct ko.

Una kong pinuntahan ang cafeteria dahil lunch naman ngayon baka nandoon yun at sinunggaban ang mga pagkain dun.
Pagkapasok ko naman ay ang tahimik na mga estudyanteng kumakain. Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong kumakain ang ilan sa mga chesspieces. Tss. Kaya naman pala.

Nilagpasan ko sila at tinungo ang counter para mag-order.

Habang kinukuha pa yung ino-order ko ay parang biglang na-freeze ang lahat dahil sa pagkasira nang pintuan sa canteen. Ang ilan pa sa mga piraso nito ay tumilapon sa mga estudyante. Ang iba ay ligtas na nakaiwas ang iba naman ay nagkaroon ng minor injuries. Hindi makapagreklamo ang mga tao sa nangyari dahil ang sumira lang naman ay ang nag-iisang malakas sa Akademya, Si King.

''Sino naman kaya ang malas na taong nakasagupa niya? '' bulong nang katabi ko sa pila.

Palagi kasi siyang ganyan kapag badtrip siya. Kung ano ang makita niya ay sinisira niya. Noon nga kapag badtrip siya ay sinisira niya ang mga upuan sa lahat ng classrooms. Pag sinabi kong lahat, as in lahat talaga! Pati sa high class sinira niya, kaya ayun One day kaming nakatayo habang nagdidiscuss yung prof namin. Sinira niya rin ang auditorium namin pinagdiskitahan niya yung stage at binutas-butasan. Pero ang mas malala ay pinasabog niya ang Deans Office!! Buti na lang talaga at wala doon si dean at lumabas saglit kundi deads na talaga siya! Marami pa siyang sinira na property sa school pero kahit isa hindi pa siya nakakasuhan. Perks of being a high class member. Tss.

Dahil sa pagdadaldal ko sa isip ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala siya sa harapan ko.

Teka? Harapan?.

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sakanya. 'Ano ang kailangan nang isang to sa akin? Sa pagkakaalam ko wala naman akong naging atraso sa kanya ah'. nagsalubong kasi ang kilay niya habang nakatingin sa'kin.

"Are you Deaf?!! I said where the f*ck is your friend?!! " halos mabingi naman ako sa lakas nang pagsigaw niya. Napakurap pa ako nang ilang beses dahil medyo tumalsik pa yung laway niya sa akin. Buti at hindi mabaho ang hininga nitong lalaking to kung hindi, kanina pa to nakasalampak sa sahig. Nasa harapan lang yung kaharap eh.

I folded across my arms bago ko siya tinaasan ng kilay.

"Bakit ano ang kailangan mo kay QUEEN?? " i said emphasizing the word queen. Huh. Kahit na King pa siya hindi ko siya uurungan. Siya rin naman tong nagsimula.

"Just tell where the f*cking hell she is!! " nangagalaiting sigaw niya. Tch. Ano bang ginawa nang babaeng yun at ganito na lang kagalit ang lalaking to? Ang hirap talaga sa mga tao eh. Pwede naman nilang hanapin gamit ang mga mata. Bakit gusto nilang damayin pa yung mga taong nanahimik lang? Katulad na lang nang lalaking to ngayon sa harapan ko.

°Avry's Quote for today°

•Hindi bibig ang ginagamit sa paghahanap kundi Mata•

Pinasingkit ko naman ang mata ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit marami nagkakagusto sa lalaking to eh. Mukha ngang pang heaven ang mukha. pero yung ugali naman parang nasa hell ka talaga.

"Say the magic word muna" sabi ko sabay pa-cute. Mas lalong kumulubot naman ang mukh-este yung noo niya. Napasimangot naman ako. Sabi ko nga hindi ako cute kasi MAGANDA AKO!!.

"Ganito na lang just say ' do you know where is my queen please? ' pero dapat yung mahinahon lang" sabi ko nang seryoso. Lahat naman nang tao na nasa cafeteria ay nakatingin lang samin at inaabangan si King.

Tignan muna niya ako. At saka bumuntong hininga.

"Do you know where is m- sh*t are you making me fool woman??!! " ay-shete! Bakit baka kasi kumawala pa yung tawa ko? Piniit niya kasi yung boses niya para magmukhang bata. Pero ang kinalabasan parang boses bakla!. Haha.

Kinagat ko nalang yung labi ko at tinignan siya. Pulang pula na ang kanyang mukha pati tenga dahil sa galit. Para na niya akong kakainin ng buhay! Sh*t mukhang naka beast mode na to!.

Inikot ko naman yung paningin ko at nakita ko naman sa gilid yung cashier na nakatulala sa amin habang hawak-hawak yung paper bag na puno nang pagkain na binili ko.

Tinignan ko ulit si King na papalapit na pala sakin. Agad ko namang hinarang ang dalawang kamay ko sa kanya.

"Tek-teka! Ah.. Ano kasi.. Ayun! Nandun si Queen! " tinuro ko naman ang direksiyon sa likod niya. At sa paglingon niya ay agad ko namang kinuha ang supot at binigay ang pera bago kumaripas nang takbo palabas nang cafeteria.

°Avry's Quote for today°

•Never leave your things unattended especially if it is food•

Nakarating naman ako sa garden na hingal na hingal. Grabe parang may karera ang puso ko sa bilis ng tibok dahil sa nangyari kanina. Kung nahuli lang ako nang segundo baka deads na ang beauty ko ngayon.





×××Guillrie_Nabi×××

Kira Academy:Devil's Unveil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon