Chapter 3

2.7K 100 1
                                    

A/N: huhuhuhu.... Readers!! itutuloy ko pa ba to? 

:this is an VERY short update.

Libre lang mag comment!

-----------------------------------------x

*BANG*

*BANG*

Tunog iyon ng baril na hawak ko. Napatingin naman ako sa taong nakahandusay ngayon sa harap ko. Marami na akong napatay pero sa sitwasyong ito lang ako kinabahan.

'gusto ko makita ang mukha niya' sabi ko sa aking sarili.

Humakbang naman ako palapit sakanya para Makita ang mukha niya pero bigo ako. Yung mga mata lang niya ang nakikita ko na nakabukas at halatang nagulat .alam kong buhay pa siya pero hindi siya makagalaw dahil sa gulat. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang familiar ang mga mata niya. Gusto kong umatras pero ayaw ng katawan ko. Parang may buhay ang sarili kong katawan at biglang umupo at ngumisi sa kanya.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at may binulong.

"Shine.." (die) wala pa sa alas kwatrong agad kong tinutok ang baril ko sakanyang sintido at pinaputukan.

Aalis na nasa ako ng Makita ko ang buong mukha niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko ngayon. Hindi pwede...

No.. this is not true.. napaluhod ako ng wala sa oras at tinig-nang mabuti ang mukha niya..

"  t-his i-s not h-appe-ning.."garalgal na sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

Itinaas ko ang kamay niya pero nahulog lang ito sa mga palad ko.

"NOOOOOOOOO!!!"

Napahawak ako sa dibdib ko ng magmulat ako. Panaginip. Hinawakan ko naman ang mukha ko at may tumulong luha roon. Pinunasan ko naman iyon gamit ang kamay ko atTumingin sa kalangitan. gabi na pala. Bumuntong hininga naman ako at lumanghap ng sariwang hangin.

'kamusta ka na kaya? Alam kong hindi ka pa- patay. At sinisigurado kong mahahanap kita' sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa mga bituin. Bumuntong hininga ulit ako bago  bumaba sa puno.

Pagkababa ko ay agad akong nakarinig na ingay.

'gabi na ah! Bakit may mga tao pa?' tanong ko sa aking isip.

Pumunta naman ako sa pinanggagalingian ng ingay na yun. At may nakita akong nagda-dragracing. Hindi ko na naabutan pa dahil nagsimula na sila. Pero dahil sa wala naman akong magawa ay napagdesisyon ko na lang na tumingin. May screen kasi dito na makikita mo yung laban.

Nasa last lap na sila kaya nagpapaunahan na sila. Sa ngayon magkatabi na ang dalawang kotse. Pero yung isang kotse na mclaren ay pinipilit na binabangga ang lambo para madistruct ito. pero ang labo ay parang sumasayaw lang habang iniiwasan yung mclaren. Pero imbis na yung lambo ang madistruct ay yung mclaren pa ang nadistruct dahil sa inis na hindi mabangga yung lambo. At ayun na nabangga siya sa sa puno at nagpatuloy naman yung lambo papuntang finish line.

Nagsigawan naman lahat ng tao. Nang makarating na yung lambo sa finish line. Huminto naman yung sasakyan at bumaba ang may-ari nun.

Nagulat ako nung Makita ko yung may-ari ng sasakyan. Siya yung nakita ko kanina sa cafeteria. tinignan naman niya yung mga tao na panay ang sigawan. lumapit naman sakanya yung mga kaibigan niya na nakita ko rin kanina.

Hmm.. sino kaya sila? Bakit naman sila tinitingalaan ng mga tao. Siguro dahil sa May mga itsura naman sila pero parang iba eh. Parang may kakaibang aura sa kanila na hindi ko mabanggit lalong-lalo na yung mukhang leader ata nila . pero kung titignan mo naman sa mga itsura nila para lang silang mga siga lang.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at umalis na dun. Pumunta naman ako sa dorm para matulog na. maaga pa kasi ang pasok ko bukas.

Pagkapasok ko sa dorm ay marami pa ang mga babae sa sala. Tumingin naman sila saglit saakin at pinagpatuloy na ang kanilang ginagawa. Ako naman ay dire-diretso ang lakad papunta sa taas. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong nakita ang isang petite na babae at may nerdy glasses na suot habang nakaharap sa computer niya.

Tumingin naman siya sakin at ngumiti. Tinignan ko lang siya at pumunta na sa kama ko at humiga at pumikit.

"uhm, you're the new student diba? I'm Aira Saito. And you are?" naramdaman ko naman siya na nasa tabi ko.

"Monami.." sabi ko at tinalikodan ko siya. Ayaw ko mag-entertain ng tao.

"ah , okay" sabi niya ramdam ko naman ang pagka un-easiness niya. Tch.

'' tss'' sabi ko at natulog na.

Kira Academy:Devil's Unveil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon