Chapter 9

2.2K 87 5
                                    


Gabi na. Malapit nang magsimula ang battle. nakaupo ako ngayon sa kama at hinihintay nalang si Aira na lumabas sa banyo. Sabi niya kasi sabay na kami papunta sa Arena. Kung saan dito ginaganap ang mga laban ng chesspieces.

Nakasuot ako ngayon ng black tank top, ripped jeans at knee-high boots.
Naglagay naman ako ng mga kunai at dagger sa boots ko. Ang katana naman ay ginawa kong belt. Pwede kasi itong mabali, pero pag kinuha mo naman ay mababalik ito sa tunay nitong anyo.

Habang nag-aayos ako para mamaya ay biglang bumukas ang banyo at lumabas na si Aira na naka short black crop top, grey baggy pants at black nike skyhigh shoes.

"Oh? , tara na?" Sabi ni Aira saakin. Tumango naman ako at umuna nang lumakad.

Pumunta naman kami sa likod nang dorm. Sa likod nang dorm ay kagubatan. Pero sa gitna ng gubat ay isang malawak na arena.

Tahimik naman kaming naglakad. Habang naglalakad kami ay napa tingin naman ako kay Aira na seryoso lang na nakatingin sa daan.

tumingin rin naman siya sakin at ngumiti pero halatang pilit lang.
Napakunot noo naman ako.

"Anong problema?" Tanong ko. Napahinto naman siya sa paglalakad at tumingin sa akin.

I can see in her eyes the bother and worry?

"Hindi ko alam eh. Basta kinakabahan ako at parang may mangyayaring masama ngayon. Kapag kasi ganito ang nararamdaman ko nagkakatotoo eh."

Napabuntong hininga nalang ako.

"Walang masamang mangyayari kung hindi ka magiging weak. Don't just trust your conclusion. Baka iyon pa ang maging dahilan nang pagkatalo mo" sabi ko at naglakad na.

Nakarating na kami sa arena. Umupo naman kami malapit sa stage kung saan doon maglalaban ang mga players.

sa ngayon, Hinihintay pa namin itong magsimula.

Tahimik parin sa tabi ko si Aira mula nung mag -usap kami kanina sa gubat.

Maya-maya nagsalita na yung emcee.

"Hello! Ladies and Gentlemen. This is now what your waiting for, the battle
For the next chesspieces member!! And now lets Welcome our current chesspieces members!!"

Habang nagpalakpakan ang lahat ay Isa-isa namang nagsipasukan ang mga member ng chesspieces. Mula pawn hanggang king.

" and now!! Lets start the battle!!!" Sabi ng emcee.

' and I'll end this' sabi ko sa sarili ko at nag-smirk.

Nagsimula na ang laban. Marami narin ang napuruhan. Hindi kasi nila maubos ang 50 underlyings ng chesspieces.

Maraming humamon sa king at queen pero hindi pa nila na uubos ang 50 underlying ay napuruhan na sila. May mga hindi na makalakad, basag ang mukha at may mga namatay sa laban.

May mga na disqualified din dito. Bawal kasi tulungan ang isang player na nasa gitna pa ng laban. May mga lumabag kaya pinatay ito.

Dahil walang ibang tutulong kundi ang sarili mo lang.

"We have a new bishop member of the chesspieces!! Kristoff madrigal!!" Anunsyo ng emcee. Na pa tingin naman ako sa dating bishop ng chesspieces na ngayo'y nakabulagta na sa sahig.

Nabaling naman ang tingin Ko sa nanalo.

nakaupo na siya ngayon sa inupuan ng bishop kanina. Walang emosyon ang kanyang mukha. Nabahidan din ng mga sugat ang kanyang magandang mukha. Pero parang hindi nito alintana.

"And the next will Match the chesspieces is Ms. Aira Saito!!" Pagkasabi ng emcee ay napatingin kaagad ako kay Aira na walang emosyon ang kanyang mukha at tumayo. Agad naman niya akong nilagpasan at pumunta na sa stage.

I just shrugged.

Nagsimula na ang laban. Nung una mabilis ang kilos ni Aira pero nung kalaunan na ay bumabagal na siya.
Napakunot noo naman ako.

'What's wrong with her?'

Nasa sampu na lang ang kalaban niya.
Pinalibutan na siya ngayon ng mga kalaban niya. Habang naglalaban sila ay hindi niya namalayan na may tao pala sa likod niya at may dala itong katana kaya nahiwa ang likod niya. Napaluhod naman siya sa sakit.

Na pa clinched naman ako.
'Tch. She let her guard down.'

Pa gewang naman siyang tumayo at agad na kinuha niya ang kanyang katana at tinusok ito sa dibdib ng lalaki na humiwa sa likod niya. Nagpatuloy naman ang laban.

Nabagsak lahat ng kalaban niya. hapong-hapo naman siyang tumayo at binalewala ang sakit na iniinda niya sa kanyang likod.

Pumunta naman sa tabi niya ang emcee at tinanong kung sino ang gusto niyang makalaban.

Hingal namang sumagot si Aira.

" ...rook..." sabi niya kaya pumunta naman sa stage ang isa sa rook na si Samantha lee.

"Hays.. salamat naman at pinili mo ako, bored na bored na ako sa kaka-upo ko doon eh" magpaglarong sabi ni samantha kay Aira.
Nakatingin lang sa kanya si Aira at naghanda na.

"So excited eh?" sabi niya sabay ngisi.
Agad namang sumugod si Aira gamit ang katana at ini-wasiwas ito.
Mabilis naman iniwasan ni samantha ito.

Sumugod narin si samantha at sinuntok ang sikmura nito kaya na pa ubo naman ng dugo si Aira.

"Ano? Kaya pa?" Sabi ni samantha sabay ngisi sa kanya.
Sumugod ulit si Aira pero naiiwasan ito ni samantha. tumalon naman si samantha at sinipa ang likod ni Aira doon sa may sugat kaya nadapa ito. napadaing naman si Aira at pilit na tumayo.
I just gritted my teeth. Gusto kong tumulong pero Wala akong magagawa dahil madi-disqualified ako.

Pinilit paring tumayo si Aira pero bumabagsak lang ito. Kaya umakyat nasa stage ang emcee at inanunsyo na si Samantha lee parin ang rook.

Inilagay naman sa stretcher si Aira at mukhang idadala nila ito sa hospital.

I just looked at her pity habang lumalabas sila sa Arena.

Nabaling naman ang tingin ko sa emcee.

"The next will match the chesspieces is Ms. Monami Suishimo!"

Napa-smirk naman ako.

'Let's get it on' sabi ko sa sarili ko at pumunta na sa stage.

---------------x

Two updates!!!

mukhang bitin kasi yung chapter 8.

Sorry for the late update.

Helldemondevil

Kira Academy:Devil's Unveil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon