Chapter 11

2K 81 1
                                    

Super duper late update!!
Pasensiya na po! Sobrang busy lang talaga.

Anyway, Enjoy Reading!!

---------x




Iniwasiwas naman niya ang katana sa akin. iniharang ko naman iyon gamit ang katana ko.

Nagpapalit-palit lang kami ng pagtira .

Habang tumatagal, bumibilis ang paggalaw niya. Napapagod narin ako dahil kanina pa ako nakikipaglaban.

'Tapusin na natin to'

Binilisan ko ang pagtakbo ko papunta sakanya. Tumalon naman ako at inikot ko ang katawan ko pababa para puntiryahin ang bungo niya.

Pero bago ko pa magawa iyon ay nagpagulong-gulong na ako sa sahig habang nakahawak ang kamay ko sa tagiliran ko na puno ng dugo.

'How??!!'

Puno ng pagtataka ang isip ko ngayon. Sa isang iglap ay nagawa niyang saksakin ako. Ni wala naman akong naramdaman kanina.

Napatingin naman ako kay Llurien nang magsalita siya.

"Nagtataka ka ba kung paano ko nagawa iyon?" nakangising sabi niya habang naglalakad patungo saakin.

"O sige, Since mamatay ka naman ngayon at dahil good mood ako ikwe-kwento ko sayo .. "

[Flashback]
(Llurien's Pov)

Habang tumatagal mas nagiging excited ako sa laban namin .

Nakita ko naman na parang napapagod na siya.

'Tsk, you will never beat me b*tch! '

Lumayo naman siya sa akin ng ilang hakbang . She position herself at tumakbo papunta sa akin . pinosisyon ko rin naman ang katana ko. Paka-talon niya ay agad ko siyang sinaksak sa tagiliran. Hindi niya siguro namalayan yun dahil sa pressure dala ng hangin ay ipinagpatuloy niya ang kanyang ginawa at umikot pababa para puntiryahin ako. Pero bago pa niya magawa iyon ay she lost her balance at nagpagulong-gulong na siya sa sahig.

'Tch! Poor Stupid b*tch'

[End of Flashback]
(End of Llurien's Pov)

"Now, you get it b*tch?" Sabi niya pagkatapos magkwento. Ngayon alam ko na. Dahil sa pag-ikot ko ay yung nasasak na tagiliran ko ay na-ipit kaya naramdaman ko ang pamamanhid nun.

Napangisi nalang ako. Tumayo naman ako pero napapangiwi ako tuwing sumasakit ang saksak na ginawa niya.

'Kailangan ko pang manalo ngayon para sa misyon ko'

Nakatayo naman ako pero nakatukod ang isang kamay ko sa katana para sumuporta. hindi dapat na hindi ako manalo ngayon.

"You have a guts parin huh?? In that's case... You should die now!!!!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumakabo siya papunta saakin at iniwasiwas ang katana niya.

Bago pa siya lumapit ay pinilit ko ang katawan ko na tumalon para magbackflip at hiwain ang likod niya.

Napaubo naman ako pagkatapos kong gawin yun. Nanlalabo narin ang mga mata ko.

Basta ang natatandaan ko lang ay unang bumagsak si Llurien bago pa ako bumagsak.

And I drifted to sleep.

Kira Academy:Devil's Unveil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon