Chapter 19

1.8K 70 12
                                    

It's been three days since the encounter of the Crazy Triplets. At hanggang ngayon hindi parin  sila nagpapakita saakin. Hindi rin pumapasok ang King mula nung encounter namin  O talagang hindi siya mahilig pumasok.  But So far,  tahimik naman ang mga nagdaang araw ko dito sa eskwelahang to.

Lumabas na ako sa room ko.  Wala nang mga nagdaan na mga estudyante dahil nagsimula na ang klase and as usual late na naman ako.

Habang nasa hallway na ako ay dinig na dinig ko ang mga malalakas na hiyawan nang mga kaklase ko.

Pagbukas ko ng pinto ay ang pagtahimik naman nila.  Tunog lang nang sapatos ko ang maririnig sa loob nang classroom. 

Uupo na sana ako sa upuan ko nang may humarang sa harap ko.

"Hey , b*tch I just Wanna let you know that I'm still the Queen in this High Class and stay away from MY King.  You got it? "  Tinignan ko naman si Llurie habang nakataas ang kilay.    Tch.  Buhay pa pala to?.

"How so? "

"Because I am still considered as their Queen and not you." Confident na sabi niya sa'kin.

Tinignan ko naman ang mga kasama namin sa classroom. Lahat sila nakatingin na parang nagsusukatan ng tingin sa akin. Wala parin si King dito , kaya pala nakakagala tong babaeng to.

Ibinaling ko naman ang tingin sa kaharap ko na ngayo'y nakangisi na sa akin.

"Oh diba?  Kaya kung ako sayo,  bumaba ka na sa pwesto mo habang maaga pa.  " sabi niya at pinamewangan ako.  Ngumisi naman ako sakanya.

"What if I don't? " agad namang namula ang mukha niya at ikinuyom ang mga kamao niya.  Susugod na sana ang mga alipores niya na nasa kanyang likuran ng bigla niya itong pigilan at ngumiti sa akin.

" I've heard that you defeated the Crazy Triplets  and make a deal with them .What if we have a deal too? Sa Darating na  The Battle of the Gods na gaganapin next month. Magkakaroon ng paligsahan.  Kung sino ang makukuhang top 5 ay siyang mananalo.  "

'Battle of the gods? Bakit ngayon ko lang to narinig?'

"Kung makakasali ka sa Top 5 ay tatanggapin ka namin as our Queen. Pero kung mananalo ka. " She Joint as she smirk on me.

Tinignan ko naman siya ng matalim. Mukhang may binabalak ang babaeng to. 
But the hell i care.

"I'll think about it" sabi ko at umupo na.  Saktong pagka-upo ko ay pumasok ang Prof namin. Inilibot naman nito ang tingin at napahinto ito sa gawi namin.

"  Ms. Sawyer what are you doing here?  You're class is in the Secundam and not here.  "
Napatingin naman ang mga kaklase ko sakanya.  Nandito pa pala ang babaeng to.

"I-I'm sorry sir.   Naligaw lang po ako."  kinakabahang sabi naman ni Llurie.  Napakunot noo naman si prof .

"But Ms.  Sawyer.  The North building is one kilometer away from the West building. At isa pa malapit lang ito sa inyong dorm.  So paano ka maliligaw? " yes.That is true.  Kaya nga may sariling dormitory ang high class kasi malayo ito sa dorm at sa ibang building.

Nagsimula namang magtawanan ang mga kaklase ko.

"Ah–kasi sir." 

"And you two.  What are you doing here? " tanong naman ni prof sa dalawang alipores ni Llurie.

"Ah–sir, n-nagliliwaliw lang po s-sir! Sige po! " dali-dali naman kumaripas ng takbo ang mga alipores niya at naiwan nalang si Llurie na nakatunganga.  Lumakas naman ang tawanan ng mga kaklase ko.

Kira Academy:Devil's Unveil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon