Chapter 22

1.4K 81 40
                                    

*tatantantarararantatatatatarararann!!!!!*
*Drum rolls*

Naka update na sa wakas!!
Ito na ang pinakahihintay na update sa taong 2018! Whooooohoooo!!

Enjoy!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

It's Sunday pero busy lahat ang mga estudyante ngayon sa pag-aasikaso nang mga booth nila. Bukas na kasi ang start nang annual Battle of the Gods.

"Dali na Monami! Ano ba yan, ba't ba ang bagal mong maglakad?" mabagal? Eh anong tawag sa lakad niya? Takbo? Psh.

Hindi ko alam kung bakit pa ako sumama dito eh. Bakit ba kasi ang dali kong matalo sa bato-bato pik.

Nagpakaladkad nalang ako sakanya. Hindi ko rin naman alam kung saan nakapwesto yung booth namin eh.

"Kyaaahhh!! Ayun oh! ang gondo nang booth nila. Dali monami! Picturan mo'ko dito dali!!" at sa buong durasyon namin kanina, Pinag mukha niya akong photographer. Nakakailang stop over na kami sa paglalakad dahil sa pagpapapicture niya sakin. Sarap rin sapakin nitong babaeng to eh. Kung hindi lang talaga dahil sa p*ny*tang bato-bato pik na yan eh! Sino ba kasing nagpauso niyan? Nang masaksak ko sa babaeng to na grabe kung maka utos!.

Tinignan ko naman siya nang masama pero ayun tinignan lang ako saka nag pose. Kanina pa talaga ako bwisit na bwisit sa pagpipicture niya sakin, sinasagad talaga ang pagiging alalay ko sakanya eh.' Pano kaya kung takasan ko to? Hmm..'

Ipinosisyon ko na ang camera at tinutok sa kanya.

*click*

"oh ayan, tapos na" tinignan ko lang siya nang bored habang siya ay nakangiting nakatingin sa'kin.

"Gusto mo isa pa?" agad naman siyang tumango habang naka-puppy eyes pa. Napa roll eyes naman ako bwisit talagang babaeng to.

*click*

"Sige tumagilid ka nang konti.. Ayan" pinosisyon ko pa ang camera sa kung sa ang anggulo.

*click*
*click*
*click*

Kunwari ko naman tinitignan ang mga pictures kahit mga pictures lang yun nang mga booths na pinuntahan namin kanina at hindi yung mukha niya.

"okay na ba?" tanong niya habang papalapit sa'kin.

"Hindi. Ang pangit mo mag pose. Dun ka nga at ako na ang maglead nang pose mo." sabi ko at tinulak siya papunta pinagpicturan kanina. Pero ayaw umalis ang babaeng to at tinignan ako.

"wow ha, ang harsh mo naman girl. Nakakasakit ka na ng damdamin." sabi niya at umacting na umiiyak. I just rolled my eyes on her.

"Ewan ko sayo. Dali na para matapos na tayo." pinosisyon ko na ang camera sa kanya at agad naman siyang nag pose.

"ilagay mo yang kamay mo diyan.. Yan.."

*click*

"gumilid ka tapos ilagay mo yung kamay mo sa pader... Yan"

*click*

"Tumalikod ka naman..ayan"

*click*

Nagsimula na akong humakbang paatras.

"tumalikod ka lang mas bagay sayo, wait lang! wag ka munang haharap. Mas maganda ang anggulo mo diyan eh..."

*click*

Nung may dumaan na nagdu-drum agad akong tumalikod at kumaripas nang takbo.

"whoo! Sa wakas nakatakas rin! " sabi ko nang makalayo ako sa babaeng yun na walang ibang ginawa kundi ang pagurin ako.

Kira Academy:Devil's Unveil Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon