Chapter 14

13 2 0
                                    

| CHAPTER XIV |

"The Chaos in the Darkness of the Night"

STELLAN

I managed to have a meaningful conversation with her. Tila nga isang malaking himala iyon gayong ang hirap niyang kausapin kanina. Siguro dahil na rin iyon sa katotohanang we both chose not to get mad at each other. I decided to shrug what she said earlier and I think she also let the words I said slide.

Eris is planning to change the face or the logo of their wines. Iyon ang task na kaniyang binigay sa mga kausap niya kanina. She is also planning to widen the name of Golden Apple. Iyong mga bansa na hindi pa alam ang kanilang wine ay kaniyang susubukan paamuhin para sa partnership. But according to her, the CEO is already doing that at the moment.

The CEO of this company is currently not in this country. Nasa Paris daw for some business matters.

Laking pasasalamat niya na hindi naapektuhan ng kaso ang kanilang kompanya. It did not go bankrupt.

Siguro ay dahil walang enough evidence to pin things on her. And the image that she managed to build while her parents are trying to hide her from the outside world.

Speaking of which, hindi ko na tinanong pa sa kaniya ang tungkol sa kaniyang ama pati ni sir Eros. Maganda siya kausap ngayon. She does sound like the owner baka biglang magmaldita nanaman siya kapag tanungin ko iyon.

Sa ngayon daw ay kailangan niyang maglagi sa kompanya para na rin daw pagkatiwalaan siya ng mga tao—I did not know she cares for them. At the same time, gusto niya maging pamilyar sa pasikot sikot dito at kung sino ang mga reliable.

Mas pinaghahandaan niya ang pagkikita nila ng CEO. Basically, that CEO will be the one she has to trust sa kompanyang ito. Mukhang mahihirapan daw siya pero wala naman siyang magagawa. She has to wait until she meets him so she can see for herself how reliable he can be.

"Nagaaral ka pa ba?" Sa hindi malaman na rason, I feel like magmamaldita nanaman siya. Tapos na siyang kumain at nainom na lang sa kaniyang inumin.

"I am occupied these past few days. Wala akong oras." Inaayos ko ngayon ang kaniyang desk. Butler ba ako o maid? "At saka may kailangan akong bilhin na libro kaya hindi rin ako makapagsimula."

"Oh? Natapos mo na pagaralan yung mga libro na meron ka?" Napaisip siya. "You can visit the library. Sa pagkakaalam ko ay may mga libro roon."

Library? Nakapunta na ako roon pero hindi ko naman nakita kung anong mga libro ang nandoon. "Medical books?"

"I guess? You can go there and see for yourself. Kung wala ay bibigyan na lang kita ng allowance to buy those books."

Kahit malaki iyon ay hindi ko inaasahan na magkakaroon ng medical books. I was thinking tungkol sa business ang nandoon. "Meron naman akong pera. Hindi na kailangan—"

"This is part of the deal." She turned to me with her cold eyes. Tila isang banta dahil I tried to go against her words. "This is the least I can do hanggang sa humupa ang nangyayari and you can finally study again."

The idea of studying again gives me this light feeling in my heart. Tila niyayakap. Tila binubuhat. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya to hide my smiles. Pumasok ako sa mini kitchen para itapon ang dapat itapon. "Mind if I ask bakit may medical books ang library niyo? Did someone from your family try to take a medical course?"

Perhaps the mother? Surely the father is all about business.

"None of us wanted to take a medical course." So talagang pinili rin niya ang business. That explains why she is eager to handle this company. She is confident na eto ang kaniyang expertise. "It's mom," she added. Saktong kalalabas ko lang ng kusina. Nakatutok na siya sa kaniyang laptop. "She is a perfectionist. She wanted me to study different subjects. Unfortunately, hindi ako isang prodigy. That disappointed her big time."

BOOK 1 | ESOTERICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon