Chapter 5

10 3 0
                                    

| CHAPTER V |

"The Deal with the Chaos"

STELLAN

I would be lying if I say na hanggang ngayon ay hindi bumabagabag sa aking isipan ang pinagusapan namin ni Eris kanina. Simula na lang ata nang dumating siya sa bahay na ito ay lagi na lang niyang ginugulo ang aking isipan. She is the kind who will leave someone with so many questions. And she will not answer any of it. She is unpredictable and chaotic. Mysterious and dangerous.

I massaged my eyes. I suddenly felt sleepy. Mabuti na lang pala ay kasalukuyan akong gumagawa ng kape ngayon. I took it out of the coffee pot and pour an enough amount on my mug.

I still haven't seen Eris since she left my sight. Wala pa rin akong nadidinig na kalabog. The house is quiet like before. Natutulog kaya ang babaeng iyon?

Napatingin ako sa orasan. Maya maya lang din ay dadating na si Sherry. Hinahatid ko man siya tuwing umaga may naghahatid naman sa kaniya pauwi. I have no choice but to resort to that setup. Mas mahal kasi kapag balikan ang sundo.

Umupo ako sa pwesto ko rito sa hapag at minasahe ang aking sentido. Hindi ko alam kung bakit sumasakit ang ulo ko nang ganito. I don't want to believe it is because of Eris because I find it ridiculous.

Now that Sherry is about to go home, mas lalo akong napepressured malaman ang aking desisyon. I am unbelievably considering her offer after everything I told her. That is how pathetic I am.

Ngayong nahimasmasan ako ay mas natanggap ko na ang katotohanan. Ang katotohanang kailangan kong tumanggap ng tulong. Pati na rin ang katotohanang kailangan na kailangan ko ang tulog na kaniyang binibigay sa akin. Her offer is the kind of offer that suits my situation well. Hindi lang ako ang makikinabang pati na rin ang kapatid ko.

My pride and ego got hurt because of what was slapped on my face again. It's not because of how she offered me money but the fact that she slapped me with the reality na hindi ko kayang buhayin ang kapatid ko nang mag isa. For the second time, Eris slapped me with the painful truth. That is just unacceptable for some unknown reasons.

She is right. I will eventually need help from someone. Dahil eto lang ako. I can't say I am responsible enough to take care of my sister until she grows up. I can't say I can do everything for the sake of Sherry. I am still lacking something. Ni pinapangarap ko pa rin ngang maging doktor kahit sobrang labo na.

I wonder what is this work she is talking about? And why is she suddenly hiring me? Oo dahil nalaman niya ang sitwasyon naming ng kapatid ko pero ano ang rason niya? The reason that she will gain something. Hindi naman niya ito hihilingin kung wala iyon magiging magandang dulot sa kaniya. For sure there's a reason behind the reality of our situation.

I flinched in my seat when I suddenly remembered something. Muntik pa akong matapunan ng kape kaya binaba ko na muna iyon.

I can't believe this. The sign! The sign Sherry and I were talking about. Bigla ko iyon naalala. Gulat akong sumandal sa aking kinakaupuan. This is ridiculous. Is this some kind of coincidence? I was so sure I was going to win. Sigurado ako roon dahil masyadong malabo na may matanggap ako na tulong tungkol sa pagdodoktor ko ngayong araw. Seth is busy. Kakatapos lang ng kanilang exam but it doesn't mean he can relax already.

Tinanggap ko ang hamon ng kapatid ko dahil wala na akong maisip maliban sa kaniya ang maaaring magtanong sa akin ngayong araw. The hell? Of all people? Si Eris pa talaga? The one who told me and convinced me to stop this stupidty. And now she is messing with my mind again telling me that I should continue what I have been doing? Counted ba ang tulong niya?

BOOK 1 | ESOTERICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon