Chapter 45

7 1 0
                                    

| CHAPTER XLV |

"The Crime of the Soul"

STELLAN

Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang itsura ni Eris na natutulog. Eto ang bungad lagi ng aking umaga netong nagdaang araw. I have been sleeping beside her for almost a week already. That means for almost a week, she is still recovering from what happened that night.

Ilang araw ko ng nakikita ang mukha niya habang tulog ngunit nabibighani pa rin ako sa katotohanang ibang iba ang kaniyang mukha kapag tulog. Napakaamo. Hindi kayang manakit at tila maayos ang pananaw sa mundo.

I am seeing progress in her expression whenever she is sleeping as the night passes by. From troubled unti unti iyong narerelax as if her worries are slowly fading away. Her expression is much softer now than that night.

Sherry is already on her vacation kaya malamang ay nandito pa rin ang batang iyon sa mansyong ito. Dahil doon ay napagusapan na namin kung saan kami magbabakasyon. I had the courage to initiate the plan dahil may pera akong naipon mula sa binibigay sa akin ni Eris. Honestly, hindi ko iyon ginagalaw dahil para iyon sa aking pagaaral but I guess using some of the money for Sherry and Eris won't hurt that much. Those two deserve it.

Kaso nga lang, mukhang hindi ko rin magagastos ang pera ko dahil sumingit si Eris. She mentioned her promise to Sherry na beach. Pinagbantaan na rin niya ako na huwag ng gumastos but I insisted and I am not sure kung pinakinggan niya ako o hindi na lang niya ako pinansin para hindi na kami magtalo. Either way, I would still spend money for this one. We do not have a date yet but we are planning to have a vacation by next week. With Matilda, of course.

Busy ako sa pagiisip nang mapansing gumalaw si Eris. Slowly by slowly she opened her eyes and the first thing I saw was innocence.

"What?" And it immediately got replaced by her default character.

"Wala lang. Nagiisip lang ako."

"Habang nakatingin sa akin? Ako ba ang iniisip mo?" She rubbed her eyes. Hindi niya pa mamulat nang maayos ang mga mata.

Tanging buntong hininga lang ang sinagot ko sa kaniya at saka umalis na sa pagkakahiga. I sat on the bed. "I wonder what I should do today..."

Wala kaming ginawa netong nagdaang araw kundi ang magasikaso nang mansyon. Hindi naman din kailangan linisin ang buong bahay araw araw. We are more busy sa pagaayos kesa paglilinis. Kung wala namang ginagawa ay dumadayo ako sa likod. It is not bad to pick grapes manually though.

"Aalis tayo." Eris sat as well.

"Sa company?"

"No." Inalis niya ang taklob ng comforter sa kaniya bago tuluyang ilapag ang paa sa sahig. She then walked to the bathroom at sinundan ko lang siya ng tingin. "We will be going to the enemy's cabin."

Enemy's cabin? Hindi na ako nakapagtanong pa dahil sinara na niya ang pintuan. Naunahan niya pa tuloy akong gawin ang morning rituals ko. Ang bagal pa naman niya magritwal.

It turns out the enemy's cabin is the mansion of the other Deveraux family. Hindi ko alam kung bakit niya bibisitahin ang mga iyon. Hindi na ako nakapagtanong pa dahil kailangan ko ng bumaba dahil tinatawag na ako ng mga maids to ask questions that can only be decided by the butler of this mansion.

I am the one who cooked for today. Nakukuha ko na ang kusina dahil unti unti kong napapatunayan na marunong talaga akong magluto. At first they are hesitant dahil baka maaksidente raw ako. I cannot say I blame them. Once you love your kitchen it is hard to let anyone use it.

BOOK 1 | ESOTERICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon