Chapter 1So there's this odd girl in our class. I can say she's different. Tahimik, at laging nakaearphones, nakaupo sa isang sulok na para bang takot sa mga tao. She's not that sociable ,not that jolly but she really did caught my attention.
Dahil bukod sa pagiging tahimik at misteryoso ay matalino siya. Matataas lagi ang mga marka to the point na mapapatanong ka talaga kung paano niya nagawa iyon. Kung ipagkukumpara kaming dalawa wala ata ako sa kalingkingan niya. I'm a mediocre student. Sakto lang ang grades ko, sakto lang din ang kaalaman.
Maganda siya. Simple, di ka gaanong palaayos at mahilig gumuhit ng kung ano ano. Saka lang siya nagsasalita kapag tinatanong pero tumatahimik din kaagad at mahihiyang mag-iiwas ng tingin. Alam ng lahat ng mga kaklase ko na type ko siya. Palagi nga nila akong tinutukso sa tuwing napapadaan siya malapit sa upuan ko pero lahat ng yun ay binalewala niya na para bang wala siyang pake. Di niya siguro ako type.
Choosy pa ba siya.
Aba sino ba namang magkakagusto sa isang pilyo? Minsan lang nagtitino, laging late at tulala sa klase. Ang mahalaga naliligo ako araw araw. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napahiya sa kanya dahil halos araw araw ay nababato ako ng eraser sa blackboard ng professor ko at napapalabas sa classroom. Gustong gusto ko makita ang reaksyon niya sa tuwing napapagalitan ako ng professor namin kaso hindi naman siya palangiti at panay lang ang dala ng walang kaekspresyon sa kanyang mukha.
Hindi niya kaya ako gusto? Naitatanong ko nalang sa sarili ko. Sinubukan ko siyang kausapin nang maraming bese. Buong lakas ko talaga siyang kinausap napaaga pa ako ng dating sa classroom dahil nabalitaan ko siya lagi ang nauuna sa pagdating sa school namin. Nag-ayos pa ako ng buhok at sapatos ko para kahit papaano ay maging presentable naman ako sa harapan niya. Nagulat pa siya nang makita niya akong naglilinis habang nagbabasa ng libro. Pa pogi points ba.
Huli ko nalang nalaman magazine pala na may larawan ng mga babaeng nakapanty at bra ang hawak hawak ko. Kaya siguro siya nagulat. Dali dali kong tinago ang magazine. Akala ko libro namin sa school ang nadala ko magazine pala ng namayapa kong Lolo. Lagot na.
Binati ko siya ng magandang umaga at tanging nakuha ko lang sagot sakanya ay isang pagtango at kaagad na siyang dumiretso sa upuan niya at nakinig na naman ng music. Hayss. Hindi naman siya ganyan ah nung binati siya ng kaibigan ko noong nakaraang araw binati niya pabalik pero nung ako na isang tango lang? Hindi ba talaga niya ako gusto?
Napapahiyang napabalik ako sa upuan ko at napasalampak. Ang aga ko pa naman nagpunta dito sa school at di pa ako nakapag breakfast. Shet naman oh. Gutom na gutom na ako.Masasabi siguro ng iba na baliw na ako. Panay ang tanong ko sa seatmate niyang si Arra kung ano yung mga paborito niya since minsan nakakapag-usap naman sila. Lahat na ata ng mga bagay na gusto kong malaman tinanong ko. Mabuti nalang at mabait at gusto akong suportahan ni Arra sinabi niya sa akin lahat lahat. At ako naman ay sinigurado kong naisulat ko lahat ng mga nalalaman ko sa binder notebook. Imbes na puro lesson ang nakasilid doon puro patungkol sakanya ang nandoon.
Masayang masaya ako at nalaman ko ang pangalan niya. Hindi kasi ako gaanong pamilyar at laging nakakaalala sa mga pangalan. At isa pa surname lang ata niya ang alam ko eh. August , pala ang pangalan niya. Biruin mo yun Agosto , kaya siguro hindi siya sociable ay dahil nahihiya siya sa pangalan niya. Pero hayaan na niya cute at matalino naman siya. Lintek tinamaan talaga ako.
Isang araw , sa exam namin for midterms. Hindi ako nakapag-aral nang dahil sa pagstalk ko sakanya lagi sa Facebook, Instagram, at maging sa Twitter niya. Kahit wala naman siyang pinopost sa mga account niya 24/7 naman akong nakaantay na parang tanga. Mabuti nalang at mabait si Jiro, seatmate ko pinakopya niya ako kahit na medyo nakakabahala mga sagot niya sa exam. Ang mahalaga nagtake a risk ako.
At nang uwian na ay talagang inabangan ko siya sa school gate kaso naabutan ako ng alas singko sa hapon. Halos mapudpod na din ang labi ko sa kakangiti sa mga estudyanteng lumalabas kaso walang August akong nakita. Nasaan kaya ang isang yun? Halos ipagtulakan na din ako ni manong guard dahil paharang harang na ako. Buti nalang at nakita ko si Jiro papalabas kaya tinanong ko siya kung sakaling nakita niya si August. Ang sabi niya kanina pa daw nakauwi yun kasama si Arra baka nakaligtaan ko. Lintek talaga palagi nalang akong di nakakatiyempo. Kaya naman nung araw na yun umuwi akong gutom at pagod. At muntik pa akong mapatay ni Mama dahil di ako nakapagsaing yan tuloy gutom kaming lahat na magkapamilya. Pero busog na busog naman ako sa tuwing naaalala ko ang pagmumukha ni Agosto.
Mahigit isang buwan akong nakatambay palagi sa mga account ni Agosto. Sa pagbabasakaling kahit isa man lang ay may ipost siya. Nakapagdala na din ako ng request sakanya sa Facebook at Instagram dahil parehong private iyon. At laking gulat ko nang isang araw ay inaccept niya ang mga request ko. Muntik na akong mahulog sa upuan sa computer shop sa sobrang tuwa. Hindi ko din namalayan na sa sobrang talon ko ay naipit ang dulo ng aking short dahilan upang maibaba ito at makita ang brief ko. Nakakahiya ang dami pa namang tao. Kaya ang ginawa ko nalang ay sinamaan sila ng tingin. Bwiset yung brief na may butas pa sa gitna sa may bandang pwetan ang naisuot ko.
Di bale na. Friends na kami sa Facebook at Instagram. Ang tagal ko kayang nag-antay. Di na ako nakatiis minessage ko siya sa Facebook tinanong ko siya kung may assignment o project kami kahit na alam ko naman talagang wala. Mahigit sampung minuto ang hinintay ko bago niya ako nireplyan. Yung puso ko parang sasabog na sa kaba nang makita kong naseen niya ang message ko at nag typing pa. Shet. Itinutok kong maagi ang mukha ko sa screen ng computer.
Subalit nagulat ako ng bigla namang magshut down ang computer. Sa inis ko ay inaway ko ang taga bantay sa computer shop sa pag-aakalang may sira ang computer nila pero nagkamali ako. Ubos na pala yung time kaya nagshut down. Pinaalis kaagad ako matapos kong magbayad galit na galit yung nagbabantay ay dahil muntik na siyang mabilaukan sa kinakain nung sugurin ko. Hindi ko nakita yung reply ni Agosto! Bwiset na kalbo na yun hindi na ako pinagbigyan sobrang lag naman ng computer nila.
Panira ng moment.
Isa pa tong ibang mga computer shop sa sobrang lag naubos nalang yung time hindi pa rin nabubuksan Facebook account ko. Sa inis ko ay tumakas ako sa ikatlong computer shop na pinuntahan ko at hindi na nagbayad. Okay lang yun. Sayang yung oras ko at ubos na ubos na pasensya ko kakaantay sa pag-ikot ng bilog na yun sa computer nila. Ang babaho pa ng mga headset.
BINABASA MO ANG
My Dear August
Short StoryInlab lang talaga ako. Start: January 1, 2023 End: January 18, 2023