Chapter 7
After that happened, I immediately texted her that I wasn't feeling well that time and so I had to exit the place. She seems doubtful at first, it took an hour before she replied. Before it would only take half an hour whenever she replies to my messages. Hence, I am not mad at her, I'm mad at myself for being such a mediocre thinking that it is enough. In fact , there are a lot of guys that are more deserving.
Hindi kami gaanong nakapag-usap pagkatapos dahil sa bakasyon na rin naman. At narinig ko mula kay Arra na pumunta sila Agosto sa Tagaytay para doon magbakasyon hindi niya nasabi sa akin. Di bale naging abala rin naman ako sa trabaho at ganun rin siya sa mga importanteng bagay. Pa minsan minsan nakakapag-usap naman kami nagkakamustahan hindi na nabanggit pang muli ang pangyayari nung birthday niya. But I know for sure she was hurt by that.
Ang ginawa ko ay nagpursige nalang ako sa aking trabaho. Nag-ipon ako ng nag-ipon nang maibili ko naman siya ng mga bulaklak na gusto niya kahit na may kamahalan. Gusto kong makita niya ang mga efforst ko bago pa man ako tuluyang umamin sa totoo kong nararamdaman. Nag practice ako ng ilang buwan sa mga sasabihin ko sakali mang umamin na ako. If ever I got rejected nakahanda na ang sasabihan ko and if ever i-crushback niya ako I want to show her my true reaction so hindi na ako naghanda pa para dun.
Malapit na ang second sem at isang taon at kalahati nalang makakagraduate na kami sa college. Ang bilis bilis ng panahon parang nung kailan lang mga first year pa kami at hindi niya pa ako pinapansin. Hindi lang ako ang naging kaibigan niya, nadagdagan pa ang mga naging kaclose niya sa bawat pagdaan ng panahon. She become really confident ,naging mayor rin siya sa classroom namin at naging pambato sa debates everytime na may padebate sa school.
Samantala habang nalalapit naman ang pasukan for second semester naging abala ako sa hospital dahil pagkatapos na pagkatapos kong mag-enroll ay nabalitaan ko nalang sa kapatid ko na isinugod pala si Inay sa hospital. Masakit na masakit ang dibdib niya reklamo pa niya sa mga doktor. Gulong gulo ang isipan ko saan ako kukuha ng pera panggamot naubos na kasi kakabili ng ilang mga gamot para sa hika niya. Umabot pa ako sa punto na napapaiyak nalang ako sa gilid habang pinagmamasdan si Inay na mahimbing na natutulog sa kama niya. Hindi ko maikwento sakanya na walang wala kami ngayon at baka maisipan niyang umuwi nalang sa amin nang hindi nagagamot ng maayos ng doktor.
Mayroon pang pagkakataon na naiisip ko nalang na huminto sa pag-aaral para magpokus na muna sa kakatrabaho para lang din hindi makatigil sa pag-aaral ang kapatid ko. Mabuti nalang talaga at bumisita ang ninong ko galing Maynila tinulungan niya ako sa mga bayarin. Ang problema ko nalang talaga ay ang bayarin sa ospital kapag nirequest na ng doktor na pwede na kaming umuwi. Halos magkautang utang na ako sa lahat ng mga kakilala ko lalong lalo na sa mga boss ko sa trabaho. Minsan ay nasisigawan pa ako at nakakatanggap ng mga masasakit na salita pero binalewala ko nalang kasi ang mahalaga may maiuwi akong pera.
Hindi ko nasabi kay Agosto ang aking sitwasyon sa ngayon pero nagulat nalang ako ng makita ko siya sa labas ng kwarto ni Inay , kakalabas lang niya. Magang maga ang kanyang mga mata at nang makalapit ako ay kanya naman akong pinaghahampas sa dibdib. Takang taka man ako sa ginawa niya ay hinayaan ko siya hanggang sa mahismasan siya. Galit na galit siya sa akin, aniya. Bakit ko daw ba kasi inilihim sa kanya na naghihirap ako tapos nag-abala pa ako sa kakapadala sakanya ng mga bulaklak. Hindi niya nagustuhan na naglihim ako sakanya at mas lalong hindi niya nagustuhan na siya lang ang hindi nakakaalam sa sitwasyon ko sa aming magbabarkada.
Gusto kong sabihin sana sakanya na ayokong mag-alala siya at ayokong isipin niya hirap na hirap na ako dahil paniguradong mag-aalok siya ng tulong sa akin at ayoko sanang ng mangyari yun. Kasi manlilit na naman ako sa sarili ko. Yinakap ko lang siya habang palihim na naiiyak. Ngayong nandito siya medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Hindi nga ako nagkakamali inalok niya ako ng tulong at hindi na ako nakatanggi pa ng bayaran niya ang hospital bills sa ospital. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya niya naiuwi ko Inay sa bahay at hindi natigil sa pag-aaral ang mga kapatid ko. Nangako ako sa pamilya niya at sakanya na babawi ako at babayaran ko din sila kapag nakapag-ipon na ako ng malaki laki. Nang dahil sa ginawa ni Agosto mas lalo niyang pinatunayan sa akin na isa siyang mabuting kaibigan, isang kaibigan na dapat kong pahalagahan. At mas lalo lamang niyang pinatunayan sa akin na karapat dapat siyang mahalin ng tapat.
Kung pwede kong ipagsigawan sa buong mundo na siya ang pinakaperpektong taong nakilala ko sa buong buhay ko gagawin ko. Sobra sobra na ang naitulong niya sa akin. Sa lahat ng pagkakataong nagkakaproblema ako at wala akong ibang nalalapitan handang handa siyang tumutulong sa akin kahit na ilang beses akong tumatanggi. Talagang humahanap siya ng paraan maibsan lang ang aking mga problema sa buhay. Ang swerte ko sakanya sa totoo lang. Kahit na minsan ay naitataboy ko siya dahil sa nahihiya na talaga ako sa naitulong niya sa akin pero hindi niya ako nilubayan.
Araw araw akong nagi-guilty sa mga ginagawa ko.
Ginagawa ko naman ang lahat maiparamdam ko lang sakanya na mahalaga siya sa akin. Pero kahit ako ay nakukulangan ako sa mga efforts ko. Hinding hindi ko matatapatan ang mga mamahaling bagay na natatanggap niya. Kaya minsan napapatanong nalang ako sa sarili ko: Do I deserve her? Parang pinapamukha lang ng realidad sa akin na langit siya at lupa ako at kailanman ay hindi kami nababagay sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
My Dear August
Short StoryInlab lang talaga ako. Start: January 1, 2023 End: January 18, 2023